CHAPTER 45

4K 31 0
                                    

Chapter 45: Home

Six months later...

BUMALIK na rin ako sa studies ko at hindi na lang isang online classes. Masaya ako dahil wala na nga talagang nanggugulo sa relationship namin ni Jaive. Hindi na rin sumubok pa si Csianel na lapitan si Irish. Legal ko na nga itong anak kaya wala na talaga siyang karapatan pa.

Hindi pa kami umaalis mansion namin kahit six months na si Milkaine. Eh, ang room ko nga ay napuno na rin ng mga damit ni Jaive. Minsan na lang siya kung umuwi sa house nila ni Irish, eh.

Two months lang naman ang itinagal ng panliligaw niya sa akin ay agad ko na siyang sinagot. Pero hanggang halik sa pisngi at noo lang ang nagagawa niya sa akin. Dahil iyon sa akin. Ngayon na nga rin ang first day of OJT namin.

Pinili ko ang hotel ni Jaive pero hindi ko sinabi sa kanya. Ang alam niya ay si Jaelly lang.

"Gusto mo talagang i-surprise ang kuya ko?" tanong ni Jaelly na tinanguan ko.

"Yes, priceless kasi ang face niya," sabi ko na sinabayan ko pa nang pagtawa.

White longsleeve ang uniform namin para sa OJT at may maliit na necktie ito. Isang dark blue skirt din pababa and a pair of heels. May black stocking din kami.

Nag-orientation agad kami at binigyan ng task ng manager. Medyo masungit siya, ha. Napasimangot pa ako dahil hindi ako na-assign sa floor ni Jaive. But on second thought, private person pala si Jaive.

Isinama kami sa isang hotel suite kung paano rin ayusin ang mga ito at minsan pa raw ay kailangan naming i-entertain ito. May mga pagkakataon din na nag-aayos kami.

Pagod kami sa first day of OJT namin. Hindi ko akalain na magiging servant pala kami. One week pa lamang ay parang ang hirap na.

Sa lunch break namin ay libre naman ang food. Pupunta lang daw kami sa canteen at binigyan kami ng stamp.

Nagamit ko lang ang cellphone ko noong nasa locker room na ako. Nag-iwan na lang ako ng mensahe para kay Jaelly at sinabi kong bababa na ako.

Inayos ko pa ang nagusot kong uniform at pati na ang hair ko. Lumabas din ako after that at naghintay na bumukas ang elevator.

Tumindig naman ang balahibo ko sa katawan at napaigtad ako nang may sumampal sa hips ko bago niya ito pinisil ng mariin. Napatingin ako sa left side ko para sana pagalitan ang namboso sa akin but nakita kong si Jaive lang pala. Natatarantang tumingin ako sa paligid bago ko tinanggal ang kamay niya.

"Jaive, ang bastos mo!" sigaw ko sa kanya and he just chuckled saka siya humalik sa pisngi ko. Tinulak ko siya dahil hindi kami puwedeng makita ng kung sino man. Secret pa rin kaya ang pagkakaroon namin ng anak at pati na ang affair naming dalawa.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang manager ng hotel niya kaya dumistansya ako kay Jaive.

"Good day, Mr. Rousville," bati nito at yumuko pa siya. Bumati naman si Jaive ng walang kangiti-ngiti. Binalingan ako ni Ms. Martha. "What are you doing here, Ms. Montagua? Hindi ba lunch break na ninyo?" tanong nito sa akin.

"Yes po, Ma'am. Kalalabas ko lang po from locker room," sagot ko at ibinigay na lamang niya sa akin ang dala niyang...uhm. Isang bag na naglalaman yata ng mga uhm. I don't know if ano ba talaga ang laman no'n.

"Dalhin mo muna ito sa laundry shop saka bumaba para kumain ng lunch mo."

God, uutusan pa niya ako? Pagod na kaya ako!

Kumunot naman ang noo ni Jaive at mukhang siya pa ang magrereklamo kaya agad na akong nagpaalam. Pero tumingin pa ako sa kanila dahil hindi pa rin umaalis ang manager. Lumapit pa nga siya kay Jaive. Tss. Crush niya yata ang daddy ng baby ko.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now