CHAPTER 43

3.8K 38 0
                                    

Chapter 43: Closure 1

KATABI kong natulog si Irish dahil si Jaive na ang nagpatulog kay Milkaine. Kapag iiyak ulit ang baby namin ay may laman na ang baby bottle niya. Mahigpit ang yakap ko sa kanya at ganoon din siya. Nang magising naman ako ay si Irish ang unang bumungad sa akin. I planted a kiss on her lips and cheeks.

Tulog pa siya pero nang ilang beses ko na siyang hinalikan ay unti-unti siyang dumilat. Kukusutin na sana niya ang eyes niya nang pinigilan ko siya. Hinipan ko lang iyon at nangunot pa ang forehead niya but when she saw me ay namilog na naman ang eyes niya.

"Good morning, sweetie," I greeted her and caressed her cheek.

"Uhm, morning, Mommy Blaise," bati niya sa akin pabalik. I get up from the bed at inalalayan ko rin siya.

Pumasok kami sa bathroom para mag-toothbrush. I bit my lower lip dahil wala naman kaming toothbrush kaya naghilamos lamang kaming dalawa saka kami lumabas.

Ang big talaga ng mansion ni Jaive at bumukod na talaga sila. Magkahawak ang aming mga kamay ni Irish habang pababa na kami. Bumukas ang automatic door at narinig namin agad ang ingay sa living room.

Sa boses nila ay parang ang dami nilang nag-uusap. Until nakalapit na kami sa kanila. Matamis na ngiti ang sumilay sa lips ko nang makita ko ang parents ko. Ang mga kuya ko lang ang wala rito. But...

"It's Lolo Eltham and Lola Jinnieny, Mommy Blaise." Bayolenteng napalunok ako. Kinakabahan na ako bigla kasi wala namang alam noon ang parents ni Jaive tungkol sa relationship namin.

But nakikita ko sa kanila na parang happy sila. Magkatabing nakaupo kasi ang Mommy ko at pati na si Tita Jinnieny. Sina Dad at at Tito Eltham ay parang may pinag-uusapan din sila.

Si Jaive na kapapasok lamang niya sa living room at agad siyang napatingin sa direction namin.

"Good morning, Blaise, Rish. Ano pa ang ginagawa ninyo riyan?" Napatingin tuloy sa amin ang mga bisita niya.

Si Tita Jinnieny ang unang tumayo at lumapit sa akin. Nanlamig tuloy ang palad ko. Bumitaw sa akin si Irish at patakbong nilapitan niya ang Daddy niya.

"Long time no see, Blaise, and good morning," bati niya at matamis pa ang ngiti niya. She cupped my face bago niya ako niyakap. Hinagod pa niya ang likod ko. Yumakap din naman ako pabalik but wala naman akong naisagot sa kanya. "I'm sorry kung wala kami sa tabi mo noong kailangan mo ng tulong and kakampi," she said.

"W-Wala na po iyon, Tita," ani ko at kumalas naman siya. Hinawakan niya ulit ang pisngi ko.

"Alam mo na kung gaano kita kagusto noon na maging daughter-in-law ko. Hindi ko lang inakala na nakuha ka na pala ng panganay namin. Minsan naisip ko rin naman na sana... kayo ni Jaive. But naalala ko na may Irish siya at baka ayaw mo sa mga lalaking divorce na. Hindi lingid sa kaalaman namin ang nangyari sa kanila ng ina ng apo ko. Kaya kung may mangyayari man na hindi maganda ulit. Asahan mong pipiliin namin ang side mo, hija," emotional na sabi niya at may kasama pa talagang pagluha.

"Thank you po, Tita," sambit ko at hinalikan pa niya ang pisngi ko. Tito Eltham approached us too. Hinawakan ko ang kamay niya para magmano.

He tapped my head. "You're one of the kindest, brave and strong, hija. I'm sorry for the mess, and thank you for carrying our grandson. Katulad din siya ng daddy niya. Tahimik at hindi iyakin," he said and I smiled.

"Iiyak lang po ang apo ninyo, Tito ay kung hungry po siya but if matagal po ay parang nagtatampo pa siya. Hindi siya hihinto sa pag-cry niya if hindi rin siya lalambingin," masayang kuwento ko.

"Well, sa 'yo na nakuha iyon, anak. Ganoon ka noong baby ka pa," sabi ni Mommy at napakagat-labi ako nang makita ko ang pagtaas ng sulok ng mga labi ni Jaive. Inirapan ko siya kahit nasa harapan ko pa ang parents niya kaya nang makita nga nila ang ginawa ko ay natawa sila.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now