CHAPTER 32

3.3K 39 3
                                    

Chapter 32: Disown

SINALUBONG ako agad ni Kuya Blaize nang mahigpit na yakap at umiiyak na naman ako sa dibdib niya. “K-Kuya...”

“It’s okay... It’s okay, baby girl. Hindi mo na siya makikita pa,” pag-aalo niya sa akin at hinalikan pa niya ang sentido ko.

“M-Mahal na mahal ko po siya, Kuya... Pero nasasaktan ako... N-Nasasaktan ako dahil sa panloloko niya sa akin!” umiiyak na sigaw ko sa kanya.

Alam ko naman na kapag nagmahal ka ay mararanasan mo pa ang lungkot at sakit. Pero dahil hindi ko na naisip pa ang mangyayari sa amin ni Jaive ay hindi ko na pinaghandaan pa na someday ay masasaktan niya ako ng ganito.

Akala ko ay puro happiness na lang ang relationship namin pero hindi. May maidudulot pa pala itong sakit and feeling ko sinusunog ang dibdib ko, ang puso ko sa sobrang sakit nito.

Wala akong ginawang iba kundi ang umiyak lang. Halos hindi ko na nga namamalayan pa ang paligid ko. Nakita ko na lamang ang sarili ko na pinapakain ni Kuya Blaize pero pinipilit pa niya ako kasi panay lang ang pag-iyak ko. Nawalan na ako ng boses pero ang mga luha ko ay sunod-sunod ang pagpatak nito.

Dahil sa pagod ko sa kaiiyak ay nakatulog ako. Iyon nga lang paggising ko in the next day ay hindi ko na kayang idilat pa ang eyes ko. Sa super heavy nito. Isama mo pa ang dibdib ko.

Bumangon ako at hinanap ko ang kuya ko pero hindi ko na siya nakita pa sa mansion namin. Gusto kong umiyak pero pagod na pagod na ang mga mata ko at parang wala na ring mga luha ko ang tumutulo.

Pumunta pa rin ako sa kitchen at nadatnan ko roon si Kuya Blaike. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Iniwan niya muna ang ginagawa niya saka niya ako nilapitan. Pumulupot agad ang mga braso ko sa baywang niya at sumandal ako sa dibdib niya.

“Kuya...”

“Wala na rito si Blaize para puntahan ang mag-ina niya. Don’t worry, baby girl. Safe naman silang dalawa, nasa tummy pa ng Mommy niya ang pamangkin mo,” pag-aalo niya pero hindi na mawala sa akin ang pagtulak ko sa best friend ko. Pati siya ay nadamay na sa galit ko kasi kuya niya ang nanloko sa akin. Natural na madadamay siya pero pinagsisisihan ko na iyon.

“I’m so sorry po,” mahinang sabi ko kasi hindi na nga maganda pa ang boses ko. Garalgal na talaga siya.

“Ayos lang iyon, Blaise. Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. Hindi mo iyon sinasadya kaya huwag mo ng sisisihin pa ang sarili mo dahil hindi namin iyon magugustuhan ng Kuya Blaize mo,” usal niya at ilang beses niyang hinalikan ang tuktok ng head ko. “Please, huwag na huwag mo ng sasaktan pa ang sarili mo. You don’t deserve this. Pero alam kong malalampasan mo rin ang lahat ng ito, Blaise.”

“Thank you po, Kuya... Si Dad po ba ay okay na siya?” I asked him. Worried pa rin ako sa Daddy ko.

“Okay lang din siya. Nabigla lang si Daddy pero magiging okay rin naman siya,” sagot niya sa akin. “Come on, nagluto ako ng breakfast mo. Alam kong nasaktan ka, baby girl. Kaya kailangan mong kumain ng marami para hindi ka manghina.” I just nodded.

Akala ko ay magiging madali sa akin ang lahat dahil may mga kuya ako na nag-aalaga sa akin at pinili ang side ko but isang araw lang ang lumipas ay may scandal na ang kumalat sa internet. About iyon sa akin at nandoon pa ang pictures ko habang may ginagawa kami ni Jaive.

Clear na clear ang picture namin at may video pa noong ilang beses  akong sinampal at sinabunutan ni Csianel. Halos mawalan ako ng malay sa mga nakikita ko. Hindi ko naman talaga iyon makikita kung wala akong itinago na gadgets kasi kinuha lahat ni Kuya Blaike ang cellphone and laptop ko, kahit ang computer ko ay dinala niya palabas.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن