CHAPTER 10

4.8K 46 4
                                    

Chapter 10: Courting her

WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk.

THE next morning, after ng breakfast namin ay nanood pa sina kuya, Mommy at Dad sa labas. Ako kasi ang naglabas ng white Toyota mula sa garage para na rin makita nila ang driving skills ko. Dapat nga ay hindi sila kabahan dito dahil sila ang nagturo nito sa akin.

“Pasado na, mga kuya?” naaaliw na tanong ni Mommy.

“For me, okay na okay naman talaga ang driving skills ng kapatid ninyo. Mas okay pa nga kaysa sa akin,” ani naman ni Daddy. Tinanguan pa niya ako. Supportive talaga si Dad.

“Dad, kahit na mukhang malakas iyang si Blaise kaysa sa inyo ay mas bihasa po kayong magmaneho ng sasakyan. Baguhan lang po si Blaise,” ani Kuya Blaike. Wala talaga silang nauubos na sasabihin. Palaging may naka-ready.

“Kailan pa matututo ang kapatid ninyo kapag hindi natin siya hayaan?” tanong pa ng aming ama.

“Wala yata po kayong trust sa akin, eh,” nakangusong sambit ko.

“Or course, mayroon,” they said in unison.

“Ganito na lamang po, Dad. Hahayaan na po namin siya pero titingnan pa namin ni Kuya kung maayos ba ang driving niya.” I pouted.

Overprotective sila pero hindi naman talaga ako nasasakal sa pagiging strict nila kaysa sa parents namin. Natutuwa lang din kasi ako. Ang suwerte ko lang dahil dalawa pa ang kuya ko. Kung ibang tao nga lang ako ay baka hindi pa ako matutuwa kapag may ganito akong mga nakatatandang kapatid.

Naiiling na bumuntong-hininga na lamang sina Dad at Mommy saka sila pinagbigyan. Nasa likuran nga ito ng kotse ko at nang makita nila na malapit na ako sa university ay saka sila dumaan sa ibang direction.

“Sina Kuya talaga, oh. Okay naman na ako talaga,” ani ko at maingat ko pang ni-park ang car ko sa parking space.

Marahan ko pang tinapik-tapik ang hood nito. Napaigtad lang ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na tunog na nagmumula sa isa pang sasakyan.

Kunot-noong tiningnan ko iyon at ganoon na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Jaive. Nakababa ang salamin ng bintana niya at nasa labas din ang kaliwang braso niya. Sumenyas sa akin na lumapit ako sa kinaroroonan niya pero umiling lang ako.

Ayoko nga. Siya ang may kailangan kaya dapat siya ang lumapit sa akin at hindi ako. Tsk.

May mga schoolmates ko ang napapatingin sa kanya lalo na nang bumaba siya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hawak-hawak niya. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang slingbag ko at lumapit na ako sa kanya.

Mabilis niya nga akong niyakap nang tuluyan akong makalapit sa kanya at inalalayan na naman niya akong makasakay. Maingat niya ring isinara ang pinto at umikot siya sa driver’s seat.

“Good morning,” he greeted me at hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Siniil niya ako agad ng halik sa mga labi ko pero mabilis lang iyon kasi ibinigay na niya sa akin ang bouquet of roses.

“Are you serious about this? Talagang you’re courting me?” may pagdududang tanong ko sa kanya at tumango siya. Ayoko naman kasi ang lokohin lang ako. Because this is my first time. Even tho I can feel it na may sparks sa pagitan namin but ayokong matulad sa other girl na gusto lang makuha iyong ano.

Hindi naman talaga ako literal na innocent dahil may mga things din naman ako na naiintindihan. But when it comes sa words naman ni Jaelly ay marami rin ako na hindi masyadong naiintindihan.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now