CHAPTER 33

3.7K 49 8
                                    

Chapter 33: Leaving

BITBIT ang suitcase ko nang lumabas na ako sa malaking gate ng mansion namin at walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Maging ang patak ng ulan at ngayon pa talagang nangyari ito. Napatingin ako sa basang kalsada. Malayo pa ang lalakarin ko para lamang makalabas na rin ako subdivision na ito. Pero may huminto naman na isang pamilyar na sasakyan sa tapat ko.

Bumukas ang pintuan sa driver’s seat at pinunasan ko ulit ang luha ko para tingnan ang lalaking bumaba roon. Nakilala ko naman ito dahil siya ang assistant ni Dad at tapat na tauhan nito. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya nang buksan niya ang door sa backseat dahil sumakay na ako agad.

Ibinigay niya sa akin ang isang... Napakurap-kurap pa ako sa nakita ko at hindi makapaniwalang tiningnan ko si Mr. Paller

“You’re going to Madrid, Young Lady,” pag-anunsyo niya agad.

“G-Gusto na rin ba ni Dad na paalisin ako sa house namin, Mr. Paller?” I asked him.

“No, Young Lady. It’s not like that,” mabilis na sagot niya at nang pinaandar niya ang car niya ay nagsidatingan naman ang police car. Magtatanong pa sana ako nang makitang huminto ang mga ito sa tapat ng mansion namin.

Pinaharurot na lamang niya ang kotse na parang may hahabol pa sa amin. Hindi pa rin nag-sink in sa akin ang nakita kong passport ko. Ewan ko rin kong didiretso na ba kami sa airport dahil sa kagustuhan din ni Daddy na umalis ako sa bansang ito.

Pero nagtungo pa rin kami sa hotel at mukhang hindi na rin namin kailangan pang mag-check-in dahil iginiya niya lamang ako sa elevator. Binuksan niya ito saka niya ako pinapasok.

“You need to change your cloth, Young Lady and get ready. Mamayang 7:00 po ang flight ninyo to Madrid, and this is your phone.” Tinanggap ko ang cellphone na ibinigay niya sa akin. Nakahanda na nga ang lahat.

“Mr. Paller, ang Daddy ko po? G-Gusto ko po siyang makita bago ako umalis.” Umiling lang siya sa akin saka yumuko at tumalikod.

Napadausdos na lamang ako sa sahig at niyakap ko lang ang binti ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at sunod-sunod na nagpakawala ng buntong-hininga. Napatingin pa ako sa wall clock. May limang oras pa ako bago ako magtutungo sa other country.

Dahil na rin sa nararamdaman kong matinding galit ay bigla ko na lamang na naisip ang bagay na ito.

Gaganti ako. Gagantihan ko siya...

Hindi pa rin ako pinabantayan ni Mr. Paller kasi iniisip din naman niya na hindi ako aalis sa hotel room ko. Nagsuot ako ng strap dress na umabot lang sa kalahati ng hita ko ang haba nito.

Umalis ako sa hotel para lang magtungo sa clubhouse kung saan madalas kaming nagpupunta roon ni Jaive. Parang may masamang espiritu pa ang sumapi sa aking katawan. Dala ko pa ang phone ko at pamilyar naman ako sa phone number ni Jaive. I just texted him na pumunta rito sa clubhouse dahil nandito nga ako. Tumawag pa siya sa akin at pinarinig ko lang ang boses ko saka ko siya binabaan ng tawag.

Um-order pa ako ng wine. Kahit isinasama niya ako rito ay never akong uminom ng alcohol. Kahit iyon lang sana ay ayokong biguin ang parents ko. Pero ngayon wala na akong pag-aalinlangan pa. Una kong natikman ang mapait at matapang na lasa nito. Parang nasusunog ang lalamunan ko at maging ang sikmura ko. But habang tumatagal ay nasasanay na ako sa lasa nito. Kasi roon mo lang malalasahan ang tamis nito.

Nang maramdaman kong nahihilo na nga ako ay lumapit ako sa dance floor.  Nagagawa ko ang bagay na ito dahil walang-wala na ako. Tinakwil na ako ng parents ko. Hindi na ako mahalaga pa sa kanila.

Napahinto ako sa pagsayaw ko nang maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Agad akong humarap sa lalaki. I was wild sa dance floor at nagawa kong sayawan ang lalaki ng nakaaakit. Idiniin pa nga niya ang thing niya sa puson ko.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now