CHAPTER 27

3.3K 35 0
                                    

Chapter 27: Inside the car

WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk.

CSIANEL Vestia Elsantos-Rousville sent you a friend request.

“Blaise, hija? Are you okay?” tanong sa akin ni Tita Veslie. Dinampot ni Irish ang cellphone kong nadulas sa kamay ko dahil lang sa nakita kong pangalan sa friend request ko. Hinanap ko ito mula pa kagabi pero wala naman akong nakita at bakit ngayon ay parang inulit niya lang?

“Hala po! It’s my Mommy Csianel!” masayang sigaw pa ni Irish. Mas lalo lang akong kinabahan. Ang Mommy na nga niya ang babaeng ito. Ngayon ko lang na-realize. Malaki rin ang similarity nila ng babae, kaya pala noong nakita ko ito ay parang pamilyar sa akin.

Ano...ano’ng ibig sabihin nito? Bakit may Rousville sa pangalan niya? Isa lang naman ang ibig sabihin no’n. Kasal ba sila? Sa nalaman ko na baka iyon ang katotohanan ay parang binuhusan ulit ako ng malamig na tubig.

Kinuha ko na ang phone ko kay Irish at nagmamadaling nagpaalam na ako sa kanila. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Irish at tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin pa.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko at nang makasakay na ako sa kotse ko ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko. Sumisikip ang dibdib ko dahil hindi ko na yata kakayanin pa kapag nalaman ko ang katotohanan. May inililihim ba sa akin si Jaive? Niloloko niya lang ba ako?

Nagdadalawang isip ako na tanggapin ang friend request ng Mommy ni Irish pero secret relationship lang ang mayroon sa amin ng boyfriend ko at hindi ko pa naman alam ang totoo kaya tinanggap ko na lamang ito.

Nagulat pa ako nang makita ko ang message niya at hindi iyon bago dahil kahapon pa iyon but ngayon ko lang nakita. Siguro nasa request message siya kahit hindi ko rin nabasa, sa dami rin ng mga ito.

From: Csianel Vestia Elsantos-Rousville

“Hi.” Ito ang unang chat niya sa akin and after a couple of minutes ay may kasunod na siya. “Ikaw ba si Blaise A. Montagua? I’m Csianel Vestia Elsantos-Rousville. Mommy ni Rish.”

Nanlalamig pa ang mga palad ko kung sasagutin ko ba ang chat niya sa akin o hindi. Natatakot talaga ako at sobra-sobra ang lakas nang tambol sa dibdib ko. Pero kapag hinayaan ko lamang ito ay baka kung ano rin ang isipin niya.

I took a deep breath. Nagtipa na lamang ako sa keyboard ng cellphone ko and I decided to reply her chat message.

“Hello, yes. Ako nga si Blaise. Ikaw pala ang Mommy ni Irish.”

Expected na hindi agad siya sasagot pero nakita ko na lamang ang three dots at ang meaning no’n ay nagtitipa rin siya ng reply sa akin.

“Glad you accept my friend request, Blaise. I want to meet you in person kasi, eh. Binibida ka palagi ng baby ko na may best friend ang Tita Ly niya na super close niya raw. So, na-curious ako sa ’yo. Hinanap ko kung mayroon kang Facebook accounts.

“Sure, my pleasure.”  Iyon lang ang na-reply ko at nagpaalam na ako na may class pa ako.

I want to ask her too na kung bakit may Rousville sa pangalan niya. Ayokong pangunahan muna ako ng galit sa malalaman ko. Pero hindi ko maiwasan ang mag-overthink.

I stalked her account pero puro nasa medical field siya palagi at wala akong nakitang picture nila ni Jaive, na kahit kay Irish ay wala. Hanggang sa natuon ang atensyon ko sa nag-iisang picture kung saan may maliit na kamay ng isang bata at napangiti ako nang mabasa ko ang name na naka-engrave sa bracelet nito.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now