CHAPTER 23

3.6K 37 0
                                    

Chapter 23: Jealous

HINAHAPLOS ko ang buhok ni Irish habang natutulog na siya. Nasa gitna namin siya ni Jaive. Mahimbing na nga ang sleep niya, eh. Pero mahigpit ang embrace niya sa akin tapos nakadikit pa ang kaliwang pisngi niya sa dibdib ko. I kissed her cheek. Napangiti ako nang tumulis ang labi niya. Hinalikan ko iyon at mahinang natawa ako nang nalukot ang maliit niyang ilong.

“Ang cute,” sambit ko. Malaki ang similarity nila ng Daddy niya. Manang-mana siya, ay.

“God... Pumunta nga kayo rito dahil sabi mo gusto mong bumawi sa akin pero mukhang... karibal ko pa ang anak ko sa atensyon mo, Blaise. Sino ba ang boyfriend mo?” Kinurot ko ang pisngi ni Jaive. Pinagseselosan na niya agad ang anak niya. Wala namang ginagawa ito kundi ang magpalambing sa akin.

“Tumigil ka, Jaive. Natutuwa lang ako sa anak mo, eh,” ani ko at hinigpitan ko ang yakap ko rito. Nakadantay na nga ang binti nito sa baywang ko. Kaya hinawakan ko iyon at mas inilipat ko siya sa katawan ko.

“Pero tulog na si Rish. Dapat ako na ang nilalambing mo ngayon, baby,” mahinang reklamo niya. Inirapan ko siya.

“Just sleep na lang. Wala tayong gagawin ngayon kahit nakainom na ako ng pills ko,” seryosong saad ko na ngumuso lang siya. Sa kanya nagmana si Irish. Mahilig ngumuso.

“But Blaise... Sabi mo ay babawi ka sa akin?” Sa tono ng boses niya ay parang nagtatampo talaga siya.

“Jaive, nakalimutan mo yata ang ginawa natin kaninang umaga, hmm?” Pinanlakihan ko lang siya ng mga mata at hindi na siya nagsalita pa.

“Fine. I’ll behave,” sabi niya.

“Come closer. Bibigyan na lang kita ng goodnight kiss,” sabi ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya hanggang sa inilapit na nga niya ang face niya.

I kissed his lips at hindi sana iyon magtatagal pa pero kinabig niya ang batok ko. Binigyan niya ako ng marubdob na halik pero ginantihan ko rin naman iyon. Naghiwalay lamang ang mga labi namin ng wala na nga kaming hangin sa dibdib. Sabay pa naming hinabol ang sariling hininga.

“Hayst... Dapat three seconds lang iyon,” ani ko. Natatawang hinalikan na lamang niya ang noo ko.

“Good night, love,” he uttered. Pati ang noo ni Irish ay hinalikan niya rin.

“Good night, Jaive.”

Minsan ay nagiging behave naman talaga ang aking boyfriend pero hindi niya lang talaga mapigilan ang horny niya. Grr. Ayoko naman na magtampo siya ng bonggang-bongga that’s why pinagbibigyan ko siya.

THE next day ay pinaghanda niya kami ulit ng breakfast. Parang isang family na nga kaming tatlo, eh.

Parang nakikita ko na rin ang magiging future ko sa kanya. Ganito ang daily routine namin if... married na kami. But I know ay matatagalan pa iyon dahil three years pa akong mag-aaral.

Hindi na ako nagpahatid pa kay Jaive. Si Irish ay inuwi na muna niya sa parents niya. Tinawagan ko pa si Jaelly at si Kuya Blaize naman ang naghatid sa kanya.

“Magkasama ba kayo buong gabi ng kuya ko, hmm?” panunukso ko. Tumikhim siya at namula pa ang magkabilang pisngi niya. Parang sa pamamagitan no’n ay alam ko na ang ginawa nila.

Kinawayan ko lang ang kuya ko at sinenyasan ko na siya na huwag nang lumapit pa sa akin. Hinila ko na papasok sa café si Jaelly. Pinasadahan ko pa nang tingin ang buong paligid.

Maganda ang ambiance ng café at maaamoy mo ang masarap na aroma ng coffee, pandesal and cake nila.

Ang cute rin ng uniform ng mga crew. Girl ang owner nito dahil purple and pink ang furniture.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now