CHAPTER 40

4K 42 0
                                    

Chapter 40: Montagua's cure

ISA ITO sa hiniling ko kay Lord na sana ay makita ko ulit ang mga magulang ko. Sina Kuya Blaize at Kuya Blaike. Pero nang makita ko na nga sila ng hindi ko inaasahan ay nilukob na naman ako ng takot sa dibdib ko.

Naalala ko lang kasi ang mga naranasan ko sa mga kamay nila. Parang ang sakit, parang hindi ko pa sila kayang harapin. Nasasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako dahil bumabalik sa akin ang mga panahon na walang-wala talaga ako.

Nahila ko si Irish at nagawa kong magtago sa likuran ni Jaive. Nakasandal ang pisngi ko sa likod niya at mahigpit ang hawak ko sa jacket niya. Nanginginig agad ako sa takot. Nanlalamig ang mga palad ko.

"Blaise..." Jaive uttered my name. Yumakap sa binti ko si Irish at naiiyak na siya nang makita ang kalagayan ko. "Blaise, ang Mommy at Daddy mo iyon... Nandoon din ang mga kuya mo. Blaise..." Pilit akong inilalabas ni Jaive from his back pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa damit niya. "Baby..."

"A-Ayaw ko... S-Sasaktan na naman nila ako," naiiyak na sumbong ko at gusto ko talagang magtago from them.

Hindi pa ako ready na makita sila. Hindi pa ako ready na harapin sila at kausapin not because nagagalit ako sa ginawa nila sa akin noon but natatakot ako dahil baka maulit ang nangyari.

Hindi ko na kakayanin pa kapag sa pangalawang pagkakataon ay pagtabuyan na naman nila ako. Masyado ng masakit sa puso ko. Akala ko nga ay kaya kong ma-overcome ang pain but I was wrong. Higit na nasasaktan lang ako at hindi ko sila kayang tingnan ng diretso sa eyes nila. Nanginginig ako sa takot.

"Blaise, ang Kuya Blaize mo 'to..." Sumilip na sa akin ang kuya ko at may mga luha na sa mga mata niya, and pulang-pula na rin ito. Naglahad siya ng kamay sa akin. Napatitig ako roon. "Blaise... C-Come here..." Pumiyok pa ang boses ni Kuya Blaize and it seems gusto na talaga niya akong hawakan.

Nang naalala ko ang ginawa ko sa best friend ko, sa kanyang mag-ina ay napailing ako at mas sumiksik lang ako sa likod ni Jaive. Dumaan ang lungkot at sakit sa face ni kuya.

Sumunod pa si Kuya Blaike at ganoon din ang ginawa niya para lang lumapit ako.

"Blaise... Kami ito... Kami ang mga kuya mo... Come here, baby girl... H-Hindi ka..." He paused dahil sa pagsinghot niya. "Hindi ka namin sasaktan, Blaise..." I shook my head kay Kuya Blaike.

"We loves you, baby girl... Please... Hayaan mo na kaming makalapit pa sa 'yo..."

"Ayaw ko! Natatakot ako!" sigaw ko na may kasama pang paghikbi. "Jaive... Aalis na kami... Aalis na lang kami... U-Uuwi na kami ni Milkaine sa Spain..." natatarantang sabi ko pero mahigpit lang akong niyakap ni Jaive nang patagilid. Kinabig niya ang ulo ko sa dibdib niya. Kahit si Irish ay naipit ko na rin siya pero hindi ko pa rin siya pinakawalan na parang pati siya ay pinoprotektahan ko from them.

"Calm down, Blaise... Calm down, baby... Naalala mo ba? Naalala mo ba na may Mommy ka? May Mommy ka simula pa ng baby ka ay inalagaan ka na niya. Binabantayan ka niya habang natutulog ka at sinasayaw ka niya sa bisig niya, Blaise... Naalala mo ba... kinakantahan ka rin niya?" Sa sinabi niya ay naalala ko ang mga panahon na kasama ko nga ang Mommy ko.

Lalo na noong naglalaro kami sa playground kasama ang mga kuya ko. Nakagat ko ang lower lip ko at ipinikit ko ang eyes ko. Nakita ko ang batang ako—5 or maybe 6 years old pa lamang ako at that time.

"Mommy! Look, oh! May pinitas po akong flower there sa garden mo! It's pretty po!" masayang sambit ko at nagmamadali akong lumapit sa Mommy ko pero bigla na lamang akong nadapa kasi natalisod ako. Napaiyak ako ng maramdaman ko ang paghapdi sa tuhod ko.

"Oh, my God! Anak ko!" Inilahad ko agad ang kaliwang kamay ko para magpakuha sa Mommy ko. When she approached me, she immediately picked me up. Iyak nang iyak na ako sa bisig ng mommy ko dahil ang hapdi ng tuhod ko.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon