CHAPTER 28

3.4K 30 1
                                    

Chapter 28: Meeting with Irish’s mother

NANG makaraos din siya ay inasikaso niya ako agad. Siya ang nagbihis sa akin at inayos ang nagulo kong buhok.   Nang makita niya na maayos na nga ako ay hinalikan niya ang pisngi ko.

“I love you, so much, Blaise,” punong-puno ng pagmamahal na sambit niya at kinuha niya ang kamay ko. Namimilog ang mga mata ko nang makita ko ang pagdulas ng malamig na bagay sa ring finger ko. Umawang ang labi ko sa gulat nang makita ko na may suot na akong singsing. Hinalikan niya ito.

“Jaive?”

“Marry me, Blaise... Marry me, please,” may pagmamakaawang sambit niya at nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang marriage proposal pero dahil wala na nga akong ibang lalaki na naiisip kong makasama ko forever ay sinagot ko agad siya. Tumango ako.

“Yes, yes, Jaive. Magpapakasal ako sa ’yo,” sabi ko at yumakap ako sa leeg niya. Hinalikan pa niya ang sentido ko.

Dahil sa nararamdaman kong kasiyahan ay nakalimutan ko nang itanong kay Jaive ang tungkol sa Mommy ni Irish pero baka mamaya ko na lamang itanong iyon.

Itinago ko pa ang kamay ko na may suot na singsing dahil baka may makapansin pa. Nagtaka lang ako na wala si Jaelly. I tried to contact her but cannot be reach naman ang phone niya.

Nag-dismissed agad ang prof namin at nagulat naman ako nang makita ko si Calliper sa labas ng classroom namin at mukhang may hinihintay siya.

“Calliper?” tawag ko sa kanya at nag-angat siya nang tingin sa akin saka niya ako hinatak sa kung saan. Napatili pa ang classmates namin nang makita nila kami. May panunuksong tingin na naman siya. “Hey, ano ba ang probs mo? Let me go, Calliper,” mahinahon na saad ko at binitawan niya lamang ako nang nasa dulo na kami ng building.

“Ikaw ito, ’di ba?” tanong niya at may ipinakita agad siya sa akin. I frowned nang makita ko na wala namang picture ito, eh.

“What’s that?” curious kong tanong at ibinigay niya sa akin ang phone niya.

“Basahin mo,” malamig na sabi niya at napanguso naman ako.

Noong una ay halos wala naman akong maintindihan pero nagulat na naman ako dahil nandito ang pangalan ng boyfriend ko at ang kotse niya na parang nasa labas lang ng university namin.

Ang nakalagay na caption dito ay “spotted, Mr. Billionaire” at mayroon din iyong unang pictures na may kayakap siyang isang babae. God knows kung sino talaga iyon, because there’s no doubt na ako lang naman iyon.

“Why... Ano naman ito, Calliper?” tanong ko pa rin sa kanya.

“Ikaw ang babaeng kayakap ni Mr. Rousville, ’di ba, Blaise? Ikaw ang itinatago niyang affair. Marami na siyang issue about his affair with someone and this time, spotted na ang university natin at ang uniform na suot ng mga girls. Don’t try to deny it. Nakita kita na sumakay sa kotseng iyan at ang tagal mo sa loob hanggang sa nag-bell na lang bigla ang school,” sabi niya. Napansin ko na parang ngayon lang siya nagsalita regarding this...

“Wala ka na roon kung ako man ang affair niya, Calliper,” sabi ko at ibinalik ko sa kanya ang phone niya. Tinalikuran ko siya nang magsalita pa siya.

“Kaya ba hindi mo ako pinayagan na manligaw sa ’yo dahil sa Rousville na iyon, Blaise?!” sigaw niya.

“Huwag kang mag-eskandalo rito, Calliper!”

“Blaise, masasaktan ka lang kapag hindi mo siya hihiwalayan,” banta pa niya pero hindi ko na siya pinansin pa.

***

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon