"Oo, bakit? May kailangan ka?"

"Hindi po ako kundi ang mga bisitang naghihintay sa inyo sa bulwagan."

Wala akong inaasahang bisita kung kaya buong pagtataka kong tinanong kung sino ang mga bisitang iyon.

"Hindi po sila nagpakilala isa-isa." Sagot nito, "ang sabi lang po nila sa akin ay kilala niyo raw po sila at alam niyong nanggaling pa sila sa malayo."

"Mula sa malayo? Binanggit man lang ba nila sa 'yo kung saan?"

"Ang pagkakarinig ko po ay nagmula pa raw po sila sa lupain ng Araboth."

"Anak ng—" pangalan pa lang ng lugar ay alam ko na agad kung sino ang mga 'yon at sila rin ang pinakaayaw kong harapin at makausap sa ngayon.  Ano na naman kaya ang pakay ng mga iyon sa akin." Sabihin mo wala ako." Sabi ko bago ako umakmang paalis.

"Lucio!"

Napapikit na lang ako sa inis dahil pamilyar sa akin ang tinig na 'yun. "Makakaalis ka na Ramiro." Sa pagharap ko sa kinatatayuan ng tumawag sa pangalan ko.  Agad namang yumukod sa akin si Ramiro at humangos paalis. "Ano na naman ang pakay niyo?"  sinuyod ko ng tingin ang tatlong nilalang bago ko ipinako ang aking mga mata sa nasa gitna.

"May mensahe ang PANGINOON para sa 'yo."

"Ano na naman ang mensahe ng PANGINOON mo, Sandalphon." Wika ko sa nasa gitna.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Dininig na NIYA ang iyong kahilingan." wika naman ng nasa kaliwa nito na nagngangalang Uriel.

Tumawa ako nang may bahid ng panguuyam, "ah ganun ba? Sa wakas, matapos ang isang libong taon nakarinig din SIYA? Ang bilis, parang kidlat! Ngunit ano pa nga ba ang dapat kong pagtakhan sa mga nabubuhay na tulad NIYANG napakahilig magpahintay, anong petsa na ba?" Kunwa'y nag-isip ako saglit, "aha! Patay na ang lahat sa kahihintay eh hindi pa rin dumarating?!" Walang pang-aalinlangang dinuro ko ang tatlong Anghel isa-isa, "Pakisabi sa KANYA na hindi ko na SIYA kailangan dahil mas isang libong beses na mas mabilis tumugon sa panalangin si Satanas kaysa sa KANYA! Umalis na kayo rito sa teritoryo ko at huwag na huwag na kayong babalik!" Agad na akong tumalikod upang tumungo sa lagusan.

"Ipinanganak na ang bagong Tudlaan."  Tinig iyon ng ikatlong Anghel na si Raguel patungkol sa anak ni Marietta, ngunit hindi ko na ito nilingon.

"Alam ko! Huli na naman kayo sa balita! Pweh!" Sigaw ko habang naglalakad papalayo.

"Lucio." Napahinto ako dahil bigla na lang sumulpot si Sandalphon sa harapan ko. Nilingon ko saglit ang dalawang kasama nito at naroroon pa naman ang mga ito.

"Ano bang kailangan mo sa akin alipin at habang panahong alipin?!" Gigil na gigil ako sa galit. "Hindi pa ba malinaw na wala akong pakialam sa inyo at sa ano pa man 'yang walang kakwenta-kwentang mensaheng dala niyo. Matagal na akong nasa panig ni Satanas at wala akong balak kumalas kaya lubayan niyo na ako!"

"'Yan lang ang sinasabi ng bibig mo ngunit ang binabasa ng PANGINOON ay ang nasa puso mo, alam NIYANG galit at nagtatampo ka sa KANYA dahil hindi NIYA pinagbigyan ang nais mo sa panahon na nais mo. Ngunit may mas malaki at maganda SIYANG plano para sa iy—-"

"Wala akong pakialam sa mga plano NIYA!" Bulyaw ko sa mukha nito, "ang alam ko lang ay wala SIYA noong kailangan ko SIYA. Kaya pasensya na kamo dahil mas mamatamisin ko ang magtungo na lang sa impiyerno kaysa ang muli pang umasa at mamalimos ng awa mula sa KANYA!"

****

"O, ang aga-aga, pulang-pula ang mukha mo." Bungad sa akin ni Senda nang magising ito habang nagpapakulo ako ng kape.

"Nag-umpisa na po kasi akong magdukal sa likod, mahal na reyna." Nakangiti naman ako rito kahit hindi iyon ang tunay nararamdman ko dahil sa pagkabugnot ko sa mga Anghel na nambuwisit sa akin kanina. "Eh nasa silangan ang likod-bahay mo kaya napuruhan ako agad ng sumisikat na araw."

"Ha? Eh anong oras na ba? Naku, sorry, tinanghali ako ng gising.  Hindi kasi ako makatulog kagab—-"

Siya na mismo ang nagbuking sa kanyang sarili sa pagsisinungaling na inaantok na siya kagabi upang maiwasan ang makipagkuwentuhan sa akin, "ok lang 'yun. Kayang-kaya ko na 'to.  Kahit na ako na lang ang gumawa ng lahat para makapagpahinga ka."

Bumakas sa mukha niya ng kahihiyan ng dahil sa pagkakabuking niya sa kanyang sarili. Wala akong plano na ipagdiinan pa ang mga pangyayari kaya biniro ko na lang ito nang, "magkape ka kasi muna bago ka magsalita pagkagising. O heto—" iniabot ko sa kanya ang isang tasa bago ko ito sinalinan ng kapeng mula sa takure.

Natatawa ako habang tila batang humihikbi ito habang humihigop ng kape. "Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko.

"Masyado mo kasi akong inii-spoil. Paano na 'yan kapag pinauwi ka na ni Lucio. Mami-miss ko 'to." Na sinundan ng pagpatak ng tunay na luha.

Tila may biglang naglalarong mga paru-paro sa tiyan ko, "O, 'wag kang umiyak. Bakit ka ba umiiyak?" pinahid ko agad ang mga luha nito, "eh 'di magpapadestino ulit ako rito para makabalik din ako agad."

Ang kaso mo, sa halip na tumahan ay lalo itong umiyak bago ito yumakap sa akin.

Senda... Senda... Kanikanina lang ang buong akala ko'y sira na ang araw ko. Pero ngayon, nang dahil sa 'yo, nakakalimutan ako na agad ang lahat. Ito talaga ang buhay na pinapangarap ko. Ang makasama ka sa hirap man o sa ginhawa. At kahit ano pa mang kaguluhan ang kailangan kong harapin sa mundo, isang yakap mo lang sa palagay ko ay ayos na ako.

[ITUTULOY]

(1) Hangganan, per context, refers to the border or the dividing line between two territories.

My Guardian DevilWhere stories live. Discover now