Medyo naiyak si justine at nagsalita.

“Ayan! Nasali nanaman ang parasites, Mas mabuting itigil mo na ang pag papaliwanag maawa ka, dahil kahit kunti ay wala talaga akong naintindihan.“ Sabi niya.

Tumango lang kaming lahat dahil tama si justine, mas maganda kung hahanapin nalang namin si alisa kaysa gumawa ng sulosyon.

Dahil doon palang sa pagkakaiba ng bacteria at mikrobyo ay sasabog na ang utak namin, paano pa kaya pag gumawa kami ng antibiotics diba?

Aakmang magpapahinga na sana kami nang biglang nagsalita yung weirdo.

“In short, ang virus at parasites ay dalawa lang sa grupo ng bacteria.“ Sabi niya.

Dahil dun ay agad kaming nagsi-lingunan sa kanya at nagsalita si justine

“Yeheyy!! Ganon lang pala ka basic yun, sana sinabi mo na agad kanina.“ Sagot ni justine at pumalakpak.

Nagsipalakpakan naman kaming lahat, ganun lang pala yun ka simple pero hinapahirapan pa niya kami.

Dahil sa palakpak namin ay mas lalong dumami yung zombie sa labas at umatras ng kunti yung mesang nilagay namin sa likod ng pintuan.

“Sshh!!“ Sabi ni sarge at dito nga ay bigla kaming tumahimik.

“Okay, tama na ang paliwanagan. Ano na ang plano natin?“ Sabi ni justine.

Magsasalita sana ako pero biglang may isang announcement ang biglang narinig.

*ATTENTION EVERYONE!! I AM A GRADE 7 TEACHER! MALUNGKOT KONG SASABIHIN SA INYO NA LAHAT NG NAMAMALAKAD SA SKWELAHANG TO AY NA-INFECTED NA! KAYA PLEASE! DO YOUR BEST PARA MAKAALIS SA PAARALANG ITO!! THERE IS NO LONGER SAFE HERE!!*

Nang marinig namin yun ay agad na lumaki ang aming mga mata.

“S-seryoso ba siya?“ Sabi ni gelo.

Sumagot naman si justine.

“Kung mabubuksan ang gate, makakalabas ang mga zombie. At kung makalabas ang mga zombie, kakalat ito sa buong syudad.“ Sabi niya.

Dahil nasa first floor kami ay hindi namin makita ang gate, di kagaya noong nasa taas kami, dahil need lang namin sumilip sa binata.

“Delikado ang inannounce nung teacher.“ Sabi ni sarge benedict.

At dahil sa announcement na yun ay biglang nawala ang mga zombie sa harap, feeling ko ay nandoon sila ngayon sa speaker nakatingin.

“Kunin natin ang pagkakataong ito para umalis.“ Sabi nung weirdo.

“At saan naman tayo patungo?“ Tanong ni sarge micheal.

“Sa second floor, nandoon si alisa.“ Sagot nung weirdo.

Biglang lumaki ang mga mata namin at nagsalita si pres.

“Oo nga, tara na. Kailangan nating mahanap si alisa.“ Sabi niya.

Tumango naman kaming lahat at dito nga ay dinahan dahan nilang kunin ang mga upuan na nakapatong sa mesa.

Nang makuha na lahat ay pinagtulungan nilang buhatin yung mesa para hindi makagawa ng ingay.

Pagkatapos nun ay dahan dahan nilang binuksan ang pinto at palihim na kaming umalis, dumaan kami sa kabilang hagdan dahil sa harap ay kailangan pa naming dumaan sa may speaker, at nandoon naman ang mga zombie.

Pagkarating namin sa hagdan ay hindi namin inaasahang may mga zombie rin doon kaya napaatras kami at hinarap naman nila sarge ang mga zombie.

Pinag susuntok nila sa pinakalakas na makakaya nila para mapatumba ang mga zombie at hindi naman sila ganun karami kaya nang maubos na sila ay dali dali kaming umakyat ng hagdan at sa pag akyat namin ay dito na tumambad ang ubod ng raming mga zombie na nasa medyo hindi kalayuan at nakaharap silang lahat sa speaker.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now