"Are you sure?"

"Opo."

"Well,you're right. It's not true" Pagkatapos ay sabay-sabay silang nagreact, samantalang ako nanatili lang walang imik at nakatingin sa board. Ang tagal naman matapos ng klase.

"That quatrain written on the board was nowhere to be found in Nostradamus published works," naglakad ulit si Miss Karen at pagkatapos ay huminto ulit pagdating sa likuran, "In other words, it's just a hoax." kanya-kanya silang violent reactions, hindi nagustuhan at nadismaya sa sinabi ni Miss.

"So what's the point of this?" sabi ng isang maarte kong kaklase, si Alexi , nagniningning pa yun mga suot-suot niyan alahas na tiyak kong mamahalin.

"Well, we're talking about Nostradamus, anyway." pinulot ni Miss Karen ang nahulog na ballpen sa sahig at ibinalik sa may-ari.  "He predicted the date and the hour of his death, then he died shortly before the sunrise."

Nagpatuloy ang mga kaklase ko sa pagtake down ng notes, inaasahang lalabas ang topic na ito sa exam. Malapit na nga palang mag-exam. Bumalik si Miss Karen sa harapan, inayos ang gamit niya sa table. Fifteen minutes na lang, akala nila tapos na ang discussion pero hindi pa pala.

"Some were told that the future is not predetermined because humans have the power to change it..."

I can see the future.

"...by enlightening the consciousness, hndi ba may mga pagkakataong nararamdaman natin kung anong mangyayari sa susunod, then it happened..."

Pero hindi ako katulad ni Nostradamus. Hindi ko makikita kung magugunaw na ba ang mundo o kung anong mangyayari sa bansang 'to. I can see individual's future. Kapag tinitigan ko ng matagal ang mga mata nila, kapag tila nahihigop ng mga mata ko ang kaibuturan ng kanilang mga mata, nakikita ko ang hinaharap na naghihintay sa kanila.

"...we can create mental pictures of events that have not yet happened. Minsan, hindi sinasadya, nagkakatotoo ang mga nililikha natin sa isip natin..."

Hindi ko alam kung paano ko 'to nakuha. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Two years passed since I got in an accident, I received this unusual power, and I can't tell if it's a gift or a curse. Magmula noon hindi ko na natagalang makisama sa ibang tao. Anong magagawa ko? I couldn't help it. I isolated myself. Sa tingin ko mas tamang ilayo ko ang sarili ko sa mga tao,  hindi na ako tumitingin ng matagal sa mga mata nila. 

 "...people subconsciously make thousands of predictions each day, gaya ng paghula kung sino ang darating, kung sino yung tumatawag at kung anu-ano pa.On the other hand, we're led to believe that life is about making choices... It's about free will, fate and destiny..." she paused.

 Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natatakasan ang realidad na mayroon ako. I can't run away from this fate. 

"...we make our own futures. A—" 

 May sasabihin pa sana si Miss Karen pero naabala siya nang biglang tumunog ng malakas ang bell sa labas kahit hindi pa saktong time para sa next subject.

"Okay, that's all for today. See you tomorrow." iyon ang huling sinabi ni Miss at pagkatapos ay binitbit na nito ang gamit nito atsaka umalis.

 Inayos ko na rin yung mga gamit ko, itinabi ko na sa bag yung mga libro't notebook ko. Hindi ko maiwasang marinig yung mga kaklase ko na pinag-uusapan ang topic na iniwan ni Miss.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon