“Actually, puno ito ng mga zombie, kaya nga kami nag tago sa cr diba? Kaya nagulat talaga ako noong may nag bukas ng pinto sa cr.“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Paano ninyo nagawang pumunta dito? tsaka nasaan na ang mga ka-klase naming infected?“ Tanong niya.

Huminga ng malalim si Benedict at sinabi ang nangyare kanina, pagkatapos ng pag uusap na yun ay na kumbinsi naman namin silang dito na muna kaming lahat pansamantala, kaya dali dali naming pinuntahan sila charity at ang anim na babaeng kasama niya doon sa second floor, tsaka namin pinababa sila justine doon sa taas.

Pagkatapos namin lumipat ay tsaka lang namin pinagplanuhan ang susunod naming gagawin.

At dahil may na dagdag na anim ay na dagdagan rin kami ng dalawang grupo, pero pansamantala lang sila dahil hindi sila sasama samin, napakahirap daw ng plano naming hanapin yung ugat ng lahat ng ito (si alisa).

“Ang susunod nating gagawin ay dapat may isang grupo ang pupunta sa canteen, dahil nandoon ang mga de latang pagkain at mga noddles.“ Sabi ni pres.

“Sinong grupo ang willing pumunta doon?“ Tanong ni justine.

“Kami nalang.“ Sabi ng isa pang sargent at arms namin na si Michael.

“Sge, paano nyo naman gagawin yun?“ Tanong ni pres.

Napailing si micheal at sumagot.

“Ewan, napakahirap naman nito dahil kailangan pa namin pumunta sa kabilang building.“ Sagot niya.

“Yup, kaya ba ninyo ang misyon?“ Sabi ni pres.

Tumango lang si micheal at ang dalawa naming kaklase na kasama niya.

“Sge, ikaw na ang bahala mic.“ Sabi niya.

Ngumiti lang si micheal at dito nga ay sinimulan na nila ang misyon nila.

*MICHEAL's POV*

Agad na kaming lumabas sa room since safe na ang daan, pero sa gitna ng paaralan kung saan may napakalaking space dahil doon kami mag li-linya pag nag flag ceremony ay may mga zombieng nagpalakad lakad.

“Paano tayo makakatawid dyan? Im sure na pag nakita nila tayo ay agad yang tatakbo palapit satin.“ Sabi ni drake.

Agad kaming pumasok ulit sa room na ipinagtaka nila at nag hanap ako ng posibleng pamalo pag nakalapit na samin ang mga zombie.

Ilang segundo lang ay wala akong mahanap kundi walis kaya yun nalang ang kinuha namin, bawat isa sa aming tatlo ay may hawak na walis.

At dito nga ay sinimulan na namin ang misyon, lumabas kami habang tumatakbo at hinahabol naman kami ng mga zombie nang narinig nila ang ingay ng yapak namin. Yung iba ay sinalubong pa kami.

“Bilis!! Bilisan ninyong tumakbo!!“ Sabi ko.

The more na maraming zombie ang makakakita samin ay the more na dadami ang humahabol, dahil umu0ng*l kasi sila kaya marinig talaga ng iba.

Habang tumatakbo kami ay paiba iba kami ng direksyon dahil sa mga zombieng sumasalubong samin, hanggang sa nakarating na nga kami sa kabilang building pero ang problema naman namin ngayon ay yung mga zombie sa harap ng mga room, nakikita nila kami kaya imbes na didiretso kami sa canteen ay hindi namin magawa.

Sa kaliwa ay may zombieng papalapit, sa kanan ay ganun rin, kaya wala kaming pagpipilian kundi harapin ang zombie sa harap at papasok kami sa room kung saan ang mga zombie sa harap ay naka harang.

Wala kasi kaming ibang choice, di pwedeng babalik kami dahil may maraming zombie sa likod. In short, na trap kami.

“Kyaaahhh!!“ Sigaw ko sabay palo nung walis sa ulo, pero parang hindi naman effective kaya binitawan ko ang walis tsaka ko sinapak sa ulo ang zombie dahilan para matumba.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now