Nakaantabay naman sa bawat galaw ko si Daxiel. He was watching me with a subtle smile on his face as I interacted with the kids of his friends. Mas lalong nakakapagod kapag dalawang bata ang karga.

Bumitiw lang ang mga ito sa akin nang dumating ang kanilang mga ina. I was introduced to them. Agad naman nila akong na-welcome sa grupo at nagpasalamat sa haba ng pasensya ko sa dalawang bata.

Their attention was on our furbaby. They were very gentle with him. Kaya naman napanatag ako.

"It's a wrong timing, baby..." Narinig kong bulong sa aking tainga ni Daxiel. "I thought I could have you for the weekend. Pati ang mga bata, kaagaw ko sa'yo..."

"P'wede naman tayong pumunta sa kuwarto para solohin mo ako..." I wriggled my eyebrows.

He just chuckled.

"Kids like you..." Inayos niya ang buhok na tumatahob sa aking mukha. "They never liked anyone to carry them besides their mothers. Even my friends find it hard to carry their child."

Ngumisi naman ako. "S'yempre, ang ganda ko. Sinong makakatanggi?" I flipped my hair jokingly.

"Right. I'm lucky you're mine..."

My cheeks instantly reddened.

"Me, too." Matamis ko siyang nginitian. "Suwerte akong akin ka... malaki ang..."

Kiniliti niya ako upang hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Tawa naman ako nang tawa habang pulam - pula ang kanyang mukha. Totoo naman, walang halong biro.

May fat deck na, may fat chick pa. Deck and chick. I giggled at my own thought.

Tumikhim ako at sumeryoso. "Na-meet ko na ba ang mga kaibigan mo dati? Imposible naman sigurong hindi ko sila matandaan..."

Unless...

Unless they were one of the clients who availed for me to dance. Hindi ko tinatandaan ang mga naging kliyente ko sa pagsasayaw. It was just a job I needed to get over with.

I was summoned to dance, I had to dance.

Nothing more. Nothing less. There was no need to know the client's name or even the face.

"Probably, in one of the events... you went with my father in some events for a few hours, right? Maybe, they saw you there." Nagkibit - balikat siya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

But somehow, something was scratching my brain.

We had dinner together with his friends.

Although, they are wealthy people, they are very much chill and welcoming. Hindi nakakahiyang makipag-usap sa kanila. Panay din ang kanilang jokes, mukhang si Daxiel lang ang may seryosong aura sa magkakaibigan. I like him for that.

Kagaya ng sinabi ni Daxiel, kapit na kapit ang mga bata sa akin. For some reason, the kids liked my presence. Hindi ko rin alam kung bakit mabenta ang beauty ko sa mga bata.

Naglakad - lakad kami sa dalampasigan, hawak ni Daxiel ang leash ni Gustav the Third sa isang kamay, samantalang magkahugpo ang aming kamay. Naupo kami sa buhanginan sa tabing-dagat.

My eyes were focused on the waves hitting the shore. Hindi ko alam kung anong meron sa alon at sa dagat, pero may kakayahan silang gawing payapa ang aking kalooban.

No matter how violent the waves are, they calm my whole being.

"It's a sign..." Daxiel whispered against my ears.

"Ha?"

"It's a sign you're going to be a great mother of my kids..." He winked at me.

"Eh, paano ba 'yan, mahina 'yong sperm mo? Pinakaba lang ako." I stuck my tongue out at him.

The Gold-digging Mastermind ✔Where stories live. Discover now