Dahil dun ay bigla akong kinabahan.

“Ano ba yan! Nasa bahay ko kayo ha! Kaya mag ingat naman kayo!“ Ika pa ni justine.

Hindi ko siya sinagot dahil kukunin ko na sana yung litrato pero pagtingin ko sa picture ay napansin kong yung side lang ni alisa ang nabasag ng malala, halos hindi na siya makita dahil sa laki ng basag ng salamin.

Dahil sa pangyayaring yun ay medyo nanginginig ako ng hindi ko alam ang dahilan, kaya aakmang ibabalik ko sana ang picture sa gilid kung saan ito nakalagay pero nagulat nalang ako nang biglang tumunog ang phone ko at dahil dun ay nabitawan ko nanaman yung picture.

“H-hoy Lea! Alam mo bang ₱120 ang bili ko sa picture frame na'yan!?“ Panermon pa ni justine.

Tinawanan lang ako ni gelo tsaka ko kinuha yung phone at tiningnan ko yung tumawag.

*ALISA IS CALLING!* *ALISA IS CALLING!*

Napabugtong hininga ako dahil ang akala ko ay kung ano na ang nangyare sa kanya, kaya ngumiti ako at sinagot ko yung tawag.

“Hello alisa?  Pwede bang pumunta kana dit—”

Naputol ang pag sasalita ko dahil ibang boses ang naririnig ko.

“Hello? Ikaw ba ang kaibigan ni alisa? Nandito siya sa loob ng Ambulansya at kasalukuyan kaming papunta sa hospital dahil may nangyare sa kanya.“ Sabi nung boses babae, at kung hindi ako nagkakamali ay siya yung babaeng guwardiya sa school namin.

Nang marinig ko yun ay dali dali akong tumakbo palabas at balak kong pumunta sa pinakamalapit na hospital doon sa skwelahan.

Nagulat naman sila justine sa reaksyon ko kaya sumama nalang silang dalawa sa'kin kahit hindi nila alam kung ano ang nangyayare.

Pagkalabas ko sa bahay nila justine ay agad akong pumara ng taxi at sumakay.

“Manong! Sa CrossHijack Hospital nga po!“ Sabi ko.

Nabigla naman sila justine sa sinabi ko at dali daling pumasok sa loob ng sasakyan tsaka lang ito umandar papunta sa hospital.

Habang nasa loob ako ng taxi ay hindi ko napigilan ang hindi mapakali, kaya tinanong ako ni justine.

“Lea! Anong nangyare!? Bakit ka nagmamadaling tumakbo at tumawag ng taxi!?“ Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at sumagot.

“Si alisa jus! Dinala nung babaeng guwardiya sa hospital!“ Sabi ko.

Nang malaman nila yun ay agad naman silang nagulat, at maya maya pa ay nakarating na nga kami sa pinakamalapit na hospital.

Agad kaming bumaba ng taxi at dali dali kaming pumasok sa hospital, tsaka namin nakita yung guwardiyang babae na nakaupo sa gilid kung saan nag hihintay ang mga kasama ng mga pasyente.

Lumapit ako sa kanya at nagsalita.

“Ate! Ano po ba ang nangyare kay alisa!?“ Kaba kong tanong.

Tumingin naman siya sakin habang kinakabahan.

“Kanina lang, Habang naglalakad ako papunta sa principal's office at mag i-in na sana ako dahil pang gabi nga ang duty ko. Biglang may sumabog sa second floor na ikinabigla ko, kaya dali dali ko itong tinignan sa labas.“ Sabi pa niya at huminga ng malalim at nagsalita pa.

“Pero nagulat nalang ako nang makita kong may napakaraming usok ang nagsilabasan galing sa bintana ng laboratoryo, kaya imbes na mag I-IN ako ay mas pinili ko nalang itong pinuntahan at dito ko nakita ang kaibigan ninyong nakahiga sa lupa na walang buhay, kaya dali dali akong tumawag ng ambulansya tsaka kami pumunta ng hospital.“ Pag paliwanag pa niya.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now