“Seryoso ako sa ’yo, Miss,” sambit niya at walang halong joke nga iyon. Diretso pa niyang tinitigan ang mga mata ko habang sinasabi niya iyon sa akin.

“Ni wala akong alam sa mga katangian mo. So...” I uttered and he held my hand.

Hinalikan niya ang likod nito at matamis siyang ngumiti sa akin. “Ibibigay ko sa ’yo si Rish if hindi ako seryoso sa ’yo.” Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya.

“You’re not nakatutuwa, Jaive. She’s your daughter and don’t say that word again!” I shouted him and he nodded.

“Ibibigay ko sa ’yo ang karapatan mo for my daughter. That’s what I mean to say, Blaise. Of course, hindi ko lang ipamimigay sa kung sino-sinong babae lang ang anak ko.” Ang sabi sa akin ng sister niya ay palagi siyang seryoso—at totoo naman iyon pero sa tahimik?

Siguro iyon ang first impression ko sa kanya but nagiging madalas na kaya siya.

“But Jaive. I think this is complicated,” saad ko. Hinuli niya lang ulit ang aking kamay.

“What do you mean by that?” he asked me.

“I promise sa mga kuya ko na hindi muna ako magkakaroon ng boyfriend and maybe ayaw nila sa ’yo dahil...you’re too old for me—”

“I can even make you pregnant.” I pouted.

“I’m not kidding, Rousville,” ani ko.

“Okay, I’ll be serious. Hi, Blaise Montagua. Jaive Eltain S. Rousville is the name, 28 years old and a hoteliers. I owned the Rousville Hotel. The father of two-year-old Anderly Irish E. Rousville. Can I court you?” he asked. I bit my lower lip. That is sufficient.

“But no kiss and touch if nanliligaw ka pa lamang sa akin and no roses. Baka mahalata ito ng family ko,” ani ko kahit na ang ganda-ganda pa rin nito. Gusto kong i-keep, eh.

“Okay, basta payag ka na. But no kiss and touch? Nah, I can live without touching you and kissing you.” Pinalo ko ang kamay niyang nasa legs ko na naman.

“Can I ask you something?” I asked him.

“Ask right away, baby,” sagot niya sa akin at humalik pa siya sa leeg ko. Tinulak ko siya sa dibdib niya at hindi naman siya nagpatinag. He just rubbed my legs.

“Are you married?” seryosong tanong ko at agad siyang natigilan. Nanigas pa nga ang katawan niya. Dahan-dahan naman siyang humiwalay sa akin. “Answer me,” mariin na sambit ko.

“N-No,” nauutal na sagot pa niya.

“Ang Mommy ni Irish? Nasaan siya?” Hindi agad siya nakapagsalita dahil parang ayaw niyang sabihin sa akin. “I’m just checking it that kung wala ba akong masisira na family, Jaive. Do you know my family history? I don’t want to ruin our reputation,” sambit ko.

“Nasa ibang bansa na ang Mommy ni Rish at iniwan niya lang sa akin ang anak ko. Wala na...wala na akong alam tungkol sa whereabouts niya and I’m not... married,” malamig na paliwanag niya at napatango na ako. “Now can I kiss you?”

“No, mali-late na ako sa first class namin,” I said.

“Okay. See you later, Blaise. Your coffee.”

“Oo na,” ani ko at napangiti na lamang ako.

Kung dati ay nahihiya pa ako sa kanya pero ngayon ay wala na talaga akong nararamdaman na kahit na ano.

It seems may inspiration na rin ako being a college student. It’s okay kaya na magkaroon na agad ng boyfriend? My first ever boyfriend. Ang pogi rin naman ni Jaive, eh. Bonus na ang cute niyang baby na si Irish. Na-miss ko na agad ang cute na baby na iyon, eh.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now