6

166 19 8
                                    

6

Proud



"Are you sure you don't want to participate, Eleyn? Additional points din 'to..." sabi ni sir Mj nang tanungin niya ako kung gusto kong sumali sa Regional Convention ng JPIANS.

Marami kaming makakasama from different year levels. Kakalabanin namin ang students from different schools within the region. Ayaw ko dahil pagkatapos ng midterms yun gaganapin. Baka hindi ko matutukan ang finals.

Hindi ako sumali.

"Natutulog ka pa ba?" tanong ni Essa sa library. Kagigising n'ya at naabutan n'ya pa rin akong nag-aaral ng FAR.

"Oo naman," sabi ko. Mga three hours.

"Kung first year pa lang gan'yan ka na, baka bigla kang ma burn out n'yan..." May tunog pag-aalala.

I sighed and looked at her. "I'm fine. Malapit na kasi ang exam kaya ganito ako."

"Ha? Pagkatapos ng sportsfest gan'yan ka na. You look unhealthy na kaya..." maarteng aniya. Nag-make-face pa na parang nandidiri sa akin.

I rolled my eyes. "Mag-review ka na. May quiz mamaya."

"Lagi namang may quiz sa kaniya," at saka ito umirap bago nag-aral ulit.

When you do things frequently, it becomes a habit. I always pressure myself and study a lot so I got used to it. I knew it was a good thing, but at the same time, I was aware it was getting out of hand. Kasi kahit alam ko naman sa sarili kong gamay ko na, memorized ko na, o naiintindihan ko na nang mabuti, 'di pa rin ako tumitigil kaka-review. I pressure myself too much to the point it seemed like I was killing myself.

I got perfect in all the quizzes we took in a week. I was satisfied, but the feeling was different. I was looking for something special about it, but I didn't.

"Are you okay, Eleyn?" tanong ni Tita nang bumaba siya ala una nang madaling-araw.

Nagsasalin ako ng tubig. "Opo. Bakit?"

"You look tired. Hindi ka pa natutulog?"

Tumango ako. "May long quiz po kasi bukas sa major..."

Bumuntong-hininga siya. "I know you love studying, but you have to balance things. Doing something you love isn't supposed to ruin you..." inaantok nitong sabi sa akin.

"Opooo," mabagal kong sabi at uminom ng tubig para makapagsalin ulit.

"Matulog ka na pag-akyat mo."

"Okay po!" Pero hindi agad ako natulog.

Nagsagot pa ulit ako ng mga practice materials sa ilalim ng dilaw na ilaw mula sa table lamp ko. Natulog lang ako nang 'di na talaga kaya ng mga mata ko.

Nag vitamins ako bago pumasok. Nakasalubong ko pa si daddy paglabas ng kwarto at napagsabihan ako tungkol sa pagtulog ko. Napansin niya rin sigurong laging may ilaw sa kwarto ko. I tried studying in my bathroom last time and I couldn't concentrate so I stopped the idea.

Nakasalubong ko si Singco pagtaas ng hagdan. Pababa siya, iihi siguro. May sasabihin sana siya pero nagmamadali ako kaya 'di ko na siya napansin. Magre-review pa kasi ako sa room.

"Teh, tama na 'yan!" sabi ni claire habang nagrereview ako sa table ko.

Tumawa ako. "Oo. Baka kasi makalimutan ko ang formula..."

"Mas lalo mong makakalimutan kapag gan'yan. Mga boardpassers nga nag-i-stop nang mag-review two week from board exam..."

'Di naman 'to board exam.

I Four-Letter YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon