5

146 19 5
                                    

5

Team🥇




"Ba't ka nandito? Hawak mo pa ang mga gamit n'ya, a? Ikaw, ha! 'no 'yan?" pang-aasar ni Essa habang nasa gilid kami ng court... nanonood ng laro nina Singco.

Poker face lang ako habang hawak ang duffel bag niya at tumbler. Kanina pa ngiti nang ngiti si Singco tuwing lumilingon sa akin. I never changed my expression, tho. Para akong statue rito.

Nag time out. Sa akin dumiretso si Singco para uminom ng tubig at kunin ang pamunas niya sa bag. Diretso lang ang tingin ko, 'di talaga gumagalaw samantalang tumatawa naman siya nang mahina.

"Cute mo," bulong niya bago umalis.

I closed my eyes and reviewed our conversation in my head.

@r.theo_5: good morning! see you sa games mo hahahaha

ako: i am serious. ayaw ko ng audience. if i lose, kasalanan mo!

@r.theo_5: hmm? what if...

'Di agad ako nag-reply. I waited patiently for his next messages.

@r.theo_5: you watch all my games then I won't watch any of your games.

ako: why are you doing this to me? you're torturing me!

@r.theo_5: ganiyan ka rin naman sa 'kin :)

"Cheer mo naman baby mo, Race!" si Essa at niyugyog ako nang mag threw points na naman ang mayabang na si Singco.

"Mukha mo," I muttered, annoyed.

Hindi naman mabigat 'yong bag niya. It's just that... I hate being gossiped. Kanina pa kami pinag-uusapan ng mga tao! Kanina pa kasi sunod-sunod ang laro nila. Kapag nanalo sila rito, championship na bukas, tapos awarding ng hapon.

I sighed and watched him. Okay, aaminin ko na. He looks cool in the court. His smile was genuine, like a ray of light that radiates. It's a rare scene to see. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

The crowd was wild, but at the moment, for me the world just stopped.

"Maswerte ka kung maranasan mo ang teenage love or college love! Kaya ano pang hinihintay mo? Grab mo na!" hyper na saad ni Essa sa akin.

"Shut... up," bulong ko.

"Gwapo siya, maganda ka. Matalino siya, matalino ka. You guys are so compatible. 'Di ko alam kung bakit hate mo siya, e..."

Hate? Do... I hate him? Do I really hate him? I don't know. Hindi ko na tuloy alam.

"Race, game niyo na raw. 'Di ka tumitingin sa gc niyo," sabi ng kaklase ko matapos akong sundutin.

"Ah, sige."

Napalunok ako at binitiwan na ang gamit niya. Bahala na siya. Maiintindihan n'ya naman siguro.

Tumakbo na ako.

"Good luck, Race!" sigaw ni Essa sa likod ko. Hindi ko na nilingon. She knew I didn't like audience.

7 rounds ang chess. I was at peace while playing because no one's bothering me. Sunod-sunod ang panalo ko kahit higher levels ang mga kalaro ko. I used to play with my grandfather before when he was still alive. Siya ang nagturo at naghasa sa akin.

May mga third year na arbiters from different departments. Minsan inaasar pa ako sa iba dahil crush daw nila ako. Bakit ba gustong-gusto nila ng mga first years? Dahil ba baby face?

Medyo matagal ang game dahil may mga mabagal ang laro. It's normal. May nakalaban din akong pulido mag-move. Napakatagal niyang gumalaw, siguro tactic n'ya rin 'yon.

I Four-Letter YouWhere stories live. Discover now