Prologue

462 19 5
                                    


Prologue

Back


May ngiti sa labi ko habang nakapikit.  Nakaupo ako sa isang chair bench sa likod ng SSC room. Malamig ang ihip ng hangin, naririnig ko rin ang kaluskos ng mga dahon.

They're probably colliding because of the gust of wind.

I breathed out before opening my eyes. Nakalapat ang dalawang palad ko sa upuan, sa magkabilaan ko. I looked up. Isang matayog na puno ang pumo-protekta sa akin. Sumisilip ang nahihiyang araw sa awang ng mga dahon.

It's so good to feel alive again. To feel healed. What could I ask for? Ito lang naman ang mga bagay na matagal ko nang gustong maramdaman ulit.

Katahimikan.

Kapayapaan sa isip.

Kalayaan.

"My type of KKK," sabi ko at humagikgik.

Tumayo na ako. I exhaled the freshness of the morning before going back inside.

May mga officers sa loob. The room shouts comfort. Rivals to being friends. Kalaban lang dati noong campaign dahil iba-iba ang departments, ngayon ay parang pamilya na.

"Pres, baka makalimutan mo 'yong utos ni sir Bart, a?" paalala ni Kate, vice president ko, nang umupo ako sa dulo ng lamesa.

Sumandal ako. "Oo! Ako pa ba? Makakalimot?"

Maraming umalma kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Naalala mo noong nakalimutan mo yung susi ng conference hall no'ng dito ginanap 'yong municipal quiz bee?" nauna si Ethan na nang-asar sa akin. Secretary siya ng SSC.

Nag-make face lang ako. Guilty!

"Pinauwi sa'yo yung mga medals para sa intramurals dahil naisara na yung SSC room tapos naiwan mo..." sumunod si Kyle, treasurer namin.

"Tama na!"

"Lagi mong nakakalimutang i-turn off ang aircon kaya napapagalitan tayo—"

"Oo na! Okay na!" I cut Dianne off, auditor namin. "Oo na perfect na kayo. Grabe, oh. Na-achieve niyo ang image and likeness N'ya," sabi ko, nakataas ang dalawang kilay.

The laughed at my exaggeration.

Sumandal ulit ako sa swivel chair ko at ni-relax ang puso ko. I swayed it left and right in a slow manner.

"Sino kaya 'yong transferee? Magiging part daw ng docu team natin..." si Ethan habang may mga pinipirmahan.

I shrugged. "Malay ko rin. Ba't pa kailangan i-tour sa school 'yon? Sino ba siya?"

Tumawa si Kate. "Hindi ko pa rin alam ang name no'n. Ayaw naman sabihin ni sir Bart. Secret daw para may essence of surprise."

"Sus! Baka nakalimutan n'ya lang din ang name no'n kaya 'di masabi sa atin." Tumingin sa akin si Ethan, nang-aasar.

I was just preoccupied before kaya makakalimutin! Ngayong healed na ako, okay na ako. May presence of mind na.

My phone vibrated.

Reminder: I-tour and bwisita

Binalik ko sa bulsa ang cellphone ko at saka tumayo na.

"Alis muna ulit ako. Kayo na bahala rito. 'Wag kayong mag-skip ng klase!" paalala ko bago umalis at dumiretso papunta sa cr ng girls.

"Good morning, pres!"

"Fresh naman ni ate Race."

May mga bumati sa akin habang naglalakad sa hallway. I greeted them back with energy. Familiar naman ang mga mukha nila, 'di ko nga lang maalala ang mga pangalan. Marami kasi sila.

"Retouch, retouch," I muttered while putting on a lipgloss. My plump lips shone. I smiled and pout and smiled again.

Gandang iniwan.

Inayos ko ang hairpin sa buhok ko. Hanggang dibdib lang ang itim at makapal kong buhok. They are shiny. I love everything shiny. Like them, I want to shine all the time and never fade.

Inayos ko ang necktie ko at skirt bago lumabas. Dumiretso ako sa garden dahil doon ko raw siya makikita. Arte naman. Pero sabagay, baka kumukuha ng mga litrato. Photographer daw, e.

Nasa likod ang mga kamay ko habang naglalakad. Tinitingnan ko ang mga bulaklak habang humahakbang nang mabagal. Tiningnan ko ang rose gold kong relo. Five minutes na siyang late. Wala akong klase ngayong araw pero ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako. For me, it's disrespectful. Disregarding the value of other people's time.

"I'll count to ten. Kung wala ka pa... kakalimutan na kita. Eme," sabi ko sa sarili ko at tumawa.

Magbibilang pa lang ako nang magulat matapos pumihit patalikod.

My heart dropped when my eyes met a pair of familiar eyes.

Ano 'to? Anong nangyayari? Bakit siya nandito? Am I dreaming? Iyon ang mga tanong ko sa sarili ko sa mga oras na 'yon. But I knew it wasn't a dream. Hindi panaginip ang makita siya ulit.

Lalo na rito.

Malalim na buntong-hininga.

Parang biglang 'di ko na kilala ang sarili ko. I couldn't explicitly name what I was feeling. Anong opinyon ko? Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit parang tumigil ang mundo ko? At parang may nagunaw sa loob ko.

Anong gagawin ko?

I was back in reality. Hindi ako pwedeng maging tanga sa harap niya. Not now. Not ever again.

"Hi! Ikaw ba 'yong transferee?" I asked with a sweet tone and angelic smile. But behind those kind gestures was a knife plunged in my heart.

To see him again hurts me. I knew I was healed. I was so sure of it. But now... I'm doubting myself because of the emotions lingering inside me.

Bakit bumalik pa? Bakit ngayon pa, o... bakit ngayon lang?

"Welcome to our school. I'm Race Eleyn Miriazo, SSC president!" I offered my hand for a handshake. Nagtagal ang tingin n'ya sa mga mata ko.

I pretended.

Like we have never met before.

As if... we didn't enjoy each other's world.

Like we're strangers.

Again.

I Four-Letter YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon