chapter 33

110 2 0
                                    

"A-Axel?" tawag ko sa nakatalikod na lalaki ngayon saakin, nasa terrace kami ngayon. "Let's talk." Madiin ang pagkakasambit ko sa linya ko. Inuutusan siya at hindi pinakikiusapan.

Lumingon ito saakin at tumango. Madilim na naman at panibagong gabi ang nagdaan. Tumalikod na ulit ito kaya tinabihan ko siya at itinungkod rin ang siko sa railings.

"Damn, I'm so happy" nasabi nito kaya napatingin ako sakaniya. Doon siya napatingin saakin. Nagtititigan kami bago ko kinagat ang pangilalim kong labi at napalayo nang tingin.

"M-Me too, pero b-binabagabag ako ng isang tanong na ito, Axel" napaayos ako nang tayo. Nakakunot naman ang nuo niya. "Let me ask you... please?" sabi ko pa.

Kahit nakakunot ang nuo niya ay nakatingin parin siya saakin. "What's bothering you, love?" he asked.

Ayan nanaman siya sa love love niya na callsign nya saakin. Maliit na ngiti ang gumihit sa labi ko.

That was hot tho. Lumapit siya saakin at hinapit ako payakap sakaniya. Kinilabutan ako at nanlaki ang mga mata nang maramdamang hinahagod ng kamay niya ang buhok ko.

"Hhm?" ulit pa nito at gusto na akong marinig magsalita. Haysst naiisip ko tuloy yung line na "Palibhasa kasi alam na alam mo kung pano ako kunin eh isang ngiti, isang kanta, isang akap, isang sorry, wala na umiikot na ulit buong mundo ko, matalino akong tao pero pag dating sayo ewan, natatanga ako!" oh pak!! sasabihin ko sana kaso hindi ako makapag salita e, nakakainis. Idol na idol ko pa naman yung nagsabi nun!

Nabalik lang ako sa ulirat nang itaas ni Axel ang ulo ko paharap sakaniya. Kumabog nang mabilis ang puso ko. Walang boses ang pumagitan saamin. Ang tanging naririnig lang ay ang mabilis na kabog ng mga puso namin. Wait what?! mabilis rin ang kabog ng puso niya?!

Napalayo ako nang tingin at yumakap nalang sakaniya. Para akong tanga pero gusto ko naman kasi ang malalaki niyang bisig na pumapalibot payakap saakin.

"U-Umm paulit ulit na itong tanong na ito sa isip ko at parang mababaliw na ako Axel." Sabi ko at hindi manlang nahihiyang magtapat sakaniya.

Tama, I'll take a risk. Wala namang masama ang babae ang mag tapat e. Marami lang taong nagsasabing nakakababa iyon ng pride. Tama, nakakababa talaga iyon ng pride. At masasabing kailangan talagang babaan ang pride para sa taong mahal mo. Take a chance or lose it?

Madali lang namang umamin, pero sabi nila mahirap ang rejection. Oo masakit nga iyon gayong mahal na mahal ko ang lalaking aking kayakap ngayon. Pero there's a way we called "Process"

Dadaan tayo sa proseso para makaalis sa way na pinaka-ayaw mo pero mahirap nga lang.

"Axel, do you love me?" Walang utal, walang tigil tigil na binigkas ko ang mga salitang iyon. Ramdam kong natigilan ang lalaki. Doon rin ako kinabahan.

"H-Hindi mo ba ako mahal?" ilang minuto bago ko naisipang umalis sa pagkakayakap niya at tignan siya nang maigihan.

Mukha talagang gulat na gulat siya pero napabalik narin siya sa ulirat niya. Napatikhim siya saakin. Napatingin siya sa paligid at napatango tango.  Napahinga siya nang malalim na kinakunot ng nuo ko. Naguguluhan ako sa mga kilos niya.

"Axel, again. Do you love me?" tanong ko pero nakatingin parin siya saakin. "I'll count on five, gusto ko nang malaman, Axel. Gulong gulo na 'ko. Why'd you call me love? Why you care for me? Why you had sex with me? Gulong gulo na ako e" tuloy tuloy na sabi ko.

Tumutulo na rin pala ang luha ko, doon napalunok si Axel at napapikit. Kinabig niya ako palapit at pinunasan ang mga luha ko.

"Don't cry, i ha-"

"You hate seeing me crying?" tuloy ko na patanong. Doon siya napangiti at tumango.

"Do you wanna know if I love you or not?" Tanong nito habang hawak parin ako sa pulso.

Tumango tango ako rito na parang bata, gusto ko nang malaman. Mababaliw na ata ako kung hindi pa.

"I didn't stop"

Napalayo ako at napatitig sakaniya. Puputok na ata ang mga ugat ko sa katawan nang marinig iyon.

"I always love you, I wait for you. Kasi nararamdaman kong babalik ka at magkakasama ulit tayo" sabi nito. Hindi ako nagsalita ng kung anong klaseng saya ang bumalot sa buong pagkatao ko.

Is this what they called speechless?

"I told to myself that I will wait for you even in the afterlife. I always love you every single day. I tried. I tried to stop it but I failed. You are in every corner of my head. You occupied it" napangiti ako nang pumapatak-patak na ang mga luha ko habang nakatingin kay Axel na ngayon ay nakatingin sa mga paa niya.

"Sa tuwing ginagawa ko ang isang bagay, naaalala kita." nakita kong nanginginig na ang balikat niya "I.. i-ikaw lagi yung nasa isip ko kahit m-maliit na bagay nalang yung ginagawa ko" pumipiyok na amin pa nito.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig sakanya.

Speechless parin ako pero patuloy sa pag agos ang luha ko. Sobrang saya ko. Sobra sobra ang bumabalot na saya sa buong pagkatao ko.

Nagulat ako nang lumuhod siya at luhaang nakatingin saakin. May dinukot ito sa bulsa at inilabas roon ang simpleng diamond ring.

Napatakip ako sa bibig at napalakas ang iyak na akala ko ay matatakpan ko sa tanang buhay ko. Nagkatinginan kami, punong puno ng luha at ligaya ang mga mata niya m-meron 'ring pangamba.

"Matagal ko itong pinagisipan e from the moment I met you, I knew you were the love of my life. Will you let me walk alongside you, as we journey through this beautiful world together? Marry me?" He said without breaking his voice.

Napasinghap ako at kahit na luhaan ay nakaya ko paring ilang ulit na tumango. "I will!! I'll marry you Axel!!" Sabi ko at tumayo na siya habang umiiyak parin na sinuotan ako nang singsing.

Sobrang hapit namin sa bawat isa, niyakap niya ako matapos non ay binuhat.

"Ahhhhhhhhhhhhh!!" Napapatili pa ako dahil binuhat ako nito.

"Yessss!!! She said yes to me!!!!!" Natatawa na ako sa mga sinasabi niya, sobrang saya niya na kitang kita ko iyon sa mga mata niya.

I love that version of him. Nakangiti lang kami parehas nang ibaba niya na ako. Mukhang malakas lakas pa ang katawan ni Axel. Sa bigat ko ba naman ay nabuhat niya pa ako.

Wala na akong pakielam sa paligid, hinapit ko ang ulo ni Axel at sinunggaban iyon ng matamis na halik. Peck lang dapat ang gagawin ko ang kaso nga lang ay gumanti siya nang halik ko.

Habol hininga kami nang maghiwalay nang halik. "Aghh I love you, Velvety" sabi nito at napangiti. Pinagdikit ang mga nuo namin.

Out of nowhere napaamin ako, "I love you so much, my Axel" sabi ko na hinihingal pa.

Napangiti siya nang malaki kasabay nang pag wala nang malay niya. Bagsak siya sa balikat ko na agad kong sinalo.

Hinimatay nanaman siya sa confession ko, haysst Axel nga naman.

I love this so much. Mag papakasal ako sakanya ng buong puso, magpapakasal sa lalaking aking sobrang mahal.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now