chapter 10

1K 23 1
                                    

It was done a day after the family trip. We're here in the dining table with Axel's family which he said my family too. I brush out my hand in my hair wanted to make it more wavy.

I'm looking for food to eat in front of me. Lahat ng pagkain sa harapan namin ngayon ay inihanda talaga ng mga cook dito sa resort.

Mahinang bulong ko sa aking katabi habang mahinang hinihila ang manggas nito "Axel, Axel"

Hindi na umabot ng segundo bago tumingin saakin ang lalaki. Nakataas ang kilay nito habang tingin na tingin na saakin ang  asul na mga mata niya.

"What is it?" He asked.

Napanguso ako kaya roon naman napadako ang mga mata niya. Tumingin ako sa pagkain upang ipahiwatig ko sakaniyang nahihiya ako. Kanina pa nakapagdasal at tila iilan lamang ang nag uusap sa hapag ngayon habang kumukuha ng kakainin nila.

"Umm, what do you want? Kukuhanan kita if nahihiya ka" bulong naman nito. Nagkibit balikat lang ako rito dahil hindi ko talaga alam ang gusto ko gayong ang daming mapagpipilian.

Wala naman sabi sabing sinandukan niya na ako ng kanin at ulam. Maayos ang pagkaka-seperate at pagkakalagay niya sa plato ko. Wala manlang tapon at kalat. Lahat nang kilos niya'y kalkulado. Walang galaw na hindi maayos lalo na sa mga gamit niya at dito sa pagkain. He's really a neat guy.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang muntikan na akong mapangiti dahil sa kaniyang kilos. He's cool with his gentleman side of him. Napatingin ito saakin at napakunot nalang bigla ang mga kilay.

"Ano 'yon? Bakit ka nangingiti riyan?" Tanong niya habang nakatingin parin saakin.

Sasagot na sana ako nang makarinig nang muntikan nang matawa. Si Klemence pala iyon na ngingiti ngiti na at napapakapit nalang sa braso ng kaniyang asawa.

Awtomatikong nagsiakyatan ata ang lahat ng dugo ko upang magtipon saaking magkabilaang pisngi. Napatingin ako kay Axel na busy na sa pag sasandok para sa sarili niya.

"Hi, Your Highness! Magandang umaga, Doña!"

Sabay sabay ata kaming napatingin kay Tito Xenon nang tumayo ito at marahang lumapit kay... kay "Doña. Erlinval Dronova Buencamino"

Hindi makakailang may katandaan na ang matanda gayong nakakatayo parin ito gamit ang marmol na baston niya. Kalat sa balitang may edad na ang matanda pero ang nakikita ko ngayon ay mukhang nasa 80s niya.

"Lola..." bulong ng aking katabi na si Axel.

Tila napatayo naman ang lahat nang makitang narito ang Doña. Hindi makapaniwalang makararating gayong hindi na mahilig sa byahe ang Doña dahil sa katandaan nito.

Agad na nagsilapitan ang limang anak ni Doña Erlinval. Kitang kita sa mukha nang matanda ang galak nang magsilapitan ang mga ito. Kasama na roon ang tatay ni Axel na si Javier Buencamino ang pinakabunso sa limang magkakapatid.

Kasunod ni Tito Javier ay si Tito Xenon Buencamino ang pang-apat sa magkakapatid pangalawa kay Tito Javier.

Ang sunod naman ay si Tito Dimitri Karlovich Buencamino. Ang pangatlo sa magkakapatid. Lahat sila ay may lahing Russian kaya hindi na nakakapagtaka ang pangalan nito.

Ang lumapit naman ay ang pangalawa sa panganay na si Clavary Ivanov Buencamino. Ang nagiisang babae sa limang anak ni Doña Erlinval.

At ang pinaka-panganay sa magkakapatid na si Nicholai Markov Buencamino.

In Buencamino's clan. The late grandfather died when Doña Erlinval Dronova have birth on Tito Javier. Lahat nang ari arian nang nasabing asawa ni Doña Erlinval ay naipasa sakaniya kahit pa nga nasa Royal state rin ang buhay nang Doña noon. Tila mas lumakas pa nga ata ang naging hawak niya nang maging asawa niya ang Don Rodolfo. Doña Erlinval Dronova Buencamino's husband named Rodolfo Buencamino.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now