chapter 17

699 19 0
                                    

Being with him makes me happy, he's always there for me, he's my protector, he's there when I'm feeling down... he always makes me feel loved in every single day, time or even years.

Masakit mang gagawin ko yon pero... alam ko namang kailangan e, alam ko namang di ko na mapipigilan ang sarili kong wag isipin ang makabubuti.

Kahit pa ikakasakit ko yon, para sakanya at sa anak ko... gagawin ko ang nakikita kong tama. Gagawin ko ang makabubuti para saamin.

I'll always continue loving him even though it means loving him from afar. I just wish that he'll wait for me to comeback. And also my babies

"Lovey! Nakikinig kaba?" Napatigil ang pag iisip ko nang marinig ang boses ni Axel, nag tatampo na amp.

Di ko napansing may sinasabi pala si Axel sa sobrang pag iisip ko, sa sobrang pag iisip kung anong kahahanatnan ko sa mga susunod pang oras.

"A-Ano bang sinabi mo, Love?" Nginitian ko siya para ipakitang ayos lang ang lahat.

"You're zoning out, love. As I said earlier, may pupuntahan ako mamaya, don't worry I'll message you oras oras" ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

"Mag b-business meeting kasi kami nila Mr. Chu, dito ka lang sa bahay hmm? Uuwi na siguro ako nang late." Nilambingan niya ang boses niya kaya muntikan na kong matawa sa ka cute-an nya.

"Pero syempre pupunta lang ako pag pumayag kang pumunta ako, alam mo naman baka ma-miss agad ako nang misis ko pag tinuloy ko pa 'yon!" Mayabang na sabi niya at hinila ako sa magkabilaang baywang.

Hinampas ko siya nang mahina sa braso at pinigilan ang kinikilig na ngiting lumabas sa bibig ko, "May ipo ipo, Lovey!! Evacuate na 'ko nito!" Sigaw ko den at safe na um-acting na para talagang may tornado.

Rinig ko ang malakas na tawa ni Axel nang makalayo dahil sa hampas ko.

"S-Sige love... sumama ka na rin sa business meeting niyo, o-okay lang naman ako rito sa bahay eih" pinilit kong wag mautal pero di ko talaga kayang wag pigilan sa pagiging malungkot.

"Haysst, mami-miss kita, love. Pero sige, sabi ko naman sa'yong mag t-trabaho ako ng mabuti para sa'yo diba?" Tinanguan ko lang ang sinabi niya dahil di talaga kayang bumukas ng bibig ko ngayon.

Hinalikan nito ang pisngi ko at nag salita, "Mag b-bihis lang ako" paalam nito at patakbong tumaas sa second floor.

Nang makaalis ito ay nanghihinang umupo sa sofa na nasa harapan namin kanina.

Kaya ko ito... para sakanila. Kaya ko ito... para sakanilang dalawa.

Paulit ulit ko itong pinaalala sa sarili ko at pinigilan ang sariling huwag maging emosyonal.

Dalawang minuto pa ay nakababa na si Axel. He's wearing a black paired tuxedo with a white necktie on his neck. Ang gwapo niya talaga... pag ngumiti siya hayy! nakakacrazy man.

"Looking amuse, Wife? Araw araw kang makakakita ng ganito kaya wag kang mag alala" sabi nito at nilapitan agad ako.

Sana nga araw araw ko iyan makita kasama ka. . .

Tumayo naman ako at nakangiti ring nakatingin sakanya, "Buang ka. Oo na, sige na, love. Alis na ma-late ka pa oh" pag pupumilit kong umalis na sakanya at kinuha ang kamay niya para sabay kaming lumabas ng bahay.

Tinahak namin ang papunta sa pinag parkihan ng kotse at pinanood siya sa gilid na nag lalakad patungo sa sasakyan nya.

Nakangiti itong humarap saakin ng mabuksan yung pintuan ng driver seat, he mouthed bye love you and he started getting into his car.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now