chapter 26

839 24 0
                                    

(IVORY POV)

Napanganga ako nang bigla nalang bawian ng ulirat si Axel.

Dali dali akong lumapit sakanya. Inilagay muna ni Azel ang mga dala naming pagkain bago ako tulungan.

"Axel!" Napatigil ako ng marinig si Daisy na papalapit. Tinignan ko ito.

Magkasama sila. Kasama rin nila si Sampaguita na hawak na ni Daisy ngayon.

Napaatras ako dahil sa hiya, binigyan ko siya ng daan dahil nakaharang ako sa dapat na kinaroroonan niya.

Mali yung naisip kanina ni Axel p-pero mukhang hindi niya na pwede pang malaman iyon, sigurado akong makakasira ako ng pamilya at ayaw kong mangyari iyon.

Kahit pa sobrang nag aalala ako ay hinayaan ko sila, Kahit may kabigatan si Axel ay binuhat parin ito ni Azel, matumba tumba pa nga siya para lang maidala sa kotse nila Daisy.

Nilapitan ako ni Daisy, sobrang sopistikada nitong tignan, gumanda siya at lalong nagkaroon ng kurba.

"Hi Ivory, long time no see.." may awtoridad ang bawat pag bigkas nito at napakaganda nun sakanya.

Binasa ko muna ang labi bago sagutin rin siya nang isang ngiti, "Hello Daisy" napalunok ako ng sariling laway dahil sa nararamdaman ko, hawak ko sa mag kabilaang kamay sila Avi at Axerell

"Um, kamusta?" tanong ko.

Nakatingin siya sa mga bata na parang kinikilala ito kaya kinabahan ako, inilipat niya ang tingin saakin at napahingang malalim.

N-Nakaramdam ba siya? nakahalata ba siya?

Nginitian ako nito, dun lang ako nakaramdam ng pampalubag loob.

"Maayos naman ako.. Anak mo?" nakangiting tanong nito "with Azel?" dito ako kinabahan.

Sorry, Azel. Nalilito na kasi si Daisy e. Idadamay na kita sana mapatawad mo ko pag katapos nito.

Bago pa ako makapag salita ay dumating na si Azel siya namang sigaw ng mga bata na 'Papa Azel' napasara nalang ako ng bibig sa pwedeng mangyari.

Napatango tango ang kausap ko.

"Umm Daisy, naroon na sa kotse niyo si Axel" sabi ni Azel at lumapit sa tabi ko. Nag palit palit ang tingin ni Daisy sa aming dalawa.

Siguro ang alam niya ay mag kakamukha ang mga bata saamin, at hindi ko alam kung maganda pa ba ang nangyayari dito.

"Ah, sige aalis na kami. Ako nalang ang mag d-drive papunta sa bahay" sabi nito na hawak hawak ang madungis na batang si Sam mukhang kakatapos lang kakalaro sa parke.

"Sige mauuna na kami, hindi ko talaga alam kung bakit nahimatay nalang bigla iyon" sabi nito at tinalikuran na kami para umalis.

Nagkatinginan kami ni Azel na parang alam na alam ang mga nangyayari. Napabuntong hininga kami pareho.

"Mommy sa bahay na po natin kainin biniyi ninyo" suhestiyon ni Avi at mabilis na tumakbo para kuhanin ang pagkain sa bench, si Axerell naman ay sinundan ito para matulungan na.

Bitbit ko ang bag. Mabilis naman na kinuha saakin ni Azel kaya hinawakan ko nalang ang mga bata paalis sa lugar.

"Mommy, yung yayaki po, yung kamukha ni Papa Azey. Sino po iyon?" tanong nalang bigla ni Axerell.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now