chapter 31

542 15 0
                                    

I woke up with my body so tired.
Mapapa-I-woke-up-like-this nalang talaga ako ngayon e.

Idinilat ko ang mga mata para lang masiguro ko kung totoo nga ang nangyari kanina, pero hindi ako nagkakamali dahil kitang kita ko si Axel na natutulog sa tabi ko.

Naka-boxer na siya at nakayakap saakin na parang bata, nagulat pa ako ng mapagtantong bihis narin ako suot suot ang damit at short na kanina'y gamit ko.

Mahigpit ang pagkakayakap nito saakin habang mukhang tulog na tulog.

Ramdam ko rin ang sakit sa pagitan ng aking mga hita. Madilim na sa labas kaya sinigurado kong aayusin ko muna ang bahay.

Napabalikwas ako ng maisip ang mga bata, hindi iniisip na may natutulog akong katabi.

Tatayo na sana ako ng bumalatay sa pagitan ng mga hita ko ang di makapaniwalang sakit at hapdi non.

"Ouch! ouch!" napaupo ako at napatingin sa pagitan ng mga hita ko. Napabalikwas ng higa si Axel na katabi ko.

"What happened?" punong puno ng pagaalala ito ng lumapit saakin at magtanong. Nakakunot pa ang nuo ng mapatingin sa tinitignan ko.

Napatigil siya at napaayos ng upo sa aking tabi. Naluluhang tinignan ko siya, nakatingin rin ito saakin

"Masakit pa ba?" tanong nito at napakamot sa batok.
Nanlisik namang tinapunan ko siya ng tingin.

"Aba malamang masakit, ang laki laki niyang alaga mo" napatingin pa ako sa pagitan ng mga hita niya "Hindi naman ganyan yan dati e! Pfft." Hindi ko na alam ang pinag sasabi ko.

Nakangisi ito ng tignan ko, doon ko lang napagtanto kung ano ano ang mga pinagsasabi ko. Napatakip ako sa bibig at nanlalaki ang mga matang napatingin sakanya.

"H-huy joke!" nasabi ko nalang ng marining ang bagong gising na halakhak niya, ang gwapo ng tawa. Putik naman oh pati boses niya baka pagnasaan ko narin!

Napapatawa parin ito ng tumingin saakin, ginulo niya ang buhok at bumaba ng kama. Napaharap ito saakin. "So? Puwede bang buhatin nalang kita dahil masakit pa iyan dahil malaki ang alaga ko?" puros sarkasmo ang narinig ko roon.

Napabusangot ang mukha ko at itinulak ang mukha niya palayo saakin. Napatawa naman ito. Kahit na natatawa parin siya at galit ako sa pangaasar niya ay walang kahirap hirap na binuhat niya ako.

"YAAHHHHHHH!!" napatili ako sa madaliang pag gawa niya, hindi lang simpleng buhat ang ginawa niya. Pang bridal style ito at sobrang lambot ng kamay niya na yumayakap sa buong katawan ko.

Nakangisi parin ito habang dala dala ako, "Sa anak ba natin ikaw pupunta?" gulo gulong tanong nito, ano ba'yan ilang taon ng nandito sa pilipinas gulo gulo parin kausap!

Napatango parin ako doon kahit na Inis ang nakalagay sa mukha ko.

"I put them to sleep earlier after I cleaned you. Maybe they're already awake in the living room" sabi nito na tutok na tutok sa dinaraanan. Doon ako napatingin sakanya.

At sa pagtingin ko ay biglaang nawala ang Inis sa mukha ko. Kitang kita kasi ngayon ang side-view profile niya. . .

Ang tangos ng ilong niya at mapula talaga ang mga labi. Kita ko rito ang pag dim ng kulay asul na mga mata niya dahil sa dilim. Makinis rin ang mukha ni Axel dahil wala naman itong ginagamit sa mukha niya, napaka natural non.

Napatigil lang ako sa pagtingin sa mukha niya ng marinig ang maliit na halakhak nanaman niya. AYOKO NA! SOBRANG POGI NG TAWA!!

Napabalik ako sa ulirat ko ng magsalita siya, "I can't keep my eyes on the way when you look at me, close your eyes love" walang batid batid nitong sabi.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now