chapter 15

721 18 0
                                    

Nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa destinasyon na 'ko nang pupuntahan ko ay mabilis akong pumunta sa information clerk.

"Goodmorning po, Madame!" Bati nito na para bang nakakita ng multo. Siguro natakot kanina sa pinagsasabi ni Axel kaya ako din ay kinatatakutan.

Nginitian ko ito para tanggalin ang kaba na bumabalatay sa buong katawan niya.

"Good morning umm... don't need na matakot saakin, I'm not biting, rawr!" Pinagagaan ko lang ang temperatura saaming dalawa.

Natawa ito ng bahagya, "Madame naman!! Sige po, ano ho bang kailangan niyo sa information clerk nang kumpanya?" Mabait na tanong nito.

"Mag tatanong lang sana ako kung nasaan ba yung cafeteria?" Iyon naman yung kailangan ko sakanya kanina pa hindi ba?

"Ma'am, diretso lang po kayo  tap—" napatigil ito sa pagsasalita nang may sumigaw nang pangalan ko. Sabay naming tinignan ang kadarating palang na lalaki... si Azel.

Lumapit ito samin, "Ivory, anong ginagawa mo rito?" tanong nito at nginitian ako.

"Nagtatanong kasi ako kung nasaan yung cafeteria!" Sagot ko at nginitian nalang din siya.

"Samahan na kita! Malapit lang naman 'yon dito e!" Aniya, pwede naman diba. Parang kapatid ko nalang din si Azel dahil kapatid siya ni Axel. Walang malisya.

"Sige Azel, samahan mo na ako. Nagugutom nanaman kasi ako e!" nakanguso kong sagot dahil naramdaman ko nanaman ang pagkulo nang aking tiyan. Parang dalawa ang kumakain sa katawan ko. Obob mo Ivory! Siyempre isa lang!

Humarap ako sa kaninang babae at nagpasalamat rito.

"Nice! Tara!" hinila ako nito sa kamay para pumunta sa cafeteria dito. Wala namang malisya e.

Gaya nang sabi niya nakita agad namin ang Cafeteria. Agad akong umupo dahil sabi niya'y siya na ang pipili nang kakainin.

Hinawakan ko ang tyan ko at napanguso, nagugutom na talaga ako. Buti ay nakabalik na si Azel matapos bumili roon.

"Wait nalang natin, pinabilis ko na mukhang gutom na gutom ka e. Ginugutom kaba ni Axel? Sabihin mo lang , Ivory." aniya nito nang makaupo.

Tinawanan ko ang sinabi niya, "Anong pinagsasabi mo? Hindi noh" sabi ko at nag dreamy sigh nakatingin pa sa itaas na parang nag iisip nang mga best memories naming magkasama ni Axel.

Ramdam ko ang pagtahimik ni Azel nang sambitin ko iyon.

Nang makarating ang inorder namin ay napangiti ako pero agad din yun nabura nang maamoy ko ang amoy na iyon.

Bumaliktad ang aking sikmura at tinakbo ang banyo. Agad kong isinuka ang dapat na isuka. Yung mga kinain ko naisuka ko rin. Ramdam kong may kamay na humahagod sa likod ko, habang nakasubsob parin ako roon.

"I-Ivory, bakit?!" puros pagaalala ang mukha ni Azel nang tignan ko ito.

"Yuck! Bakit ganoon yung amoy non? Eww ayoko!" Tumayo ako at nagmumog nanaman.

Na curious si Azel sa narinig saakin, "Ivory? I-Ivory kailan yung huling nagka-mens ka? Kailan ka huling dinatnan?" Tanong nito habang malungkot ang mukhang sambitin iyon.

"Hindi ko na alam, Azel", oo nga ano bakit 'di ko na alam kung kailan ako nagkaregla?!!

"P-Posible kaya na—" I cut him off

"OMG?!! Posibleng posible, Azel!" Napatayo ako at nilingon siya nang nakangiti, nakangiti rin siya pero ramdam kong puno iyon nang kalungkutan na 'di ko alam kung bakit at ano ang rason.

Basta ang alam ko lang ay masaya ako kaya hinablot ko ang kamay niya para dalhin ulit siya sa inupuan namin pero napatigil ako nang makita si Axel na nakaupo sa table namin kanina ni Azel.

Napabitaw ako kay Azel at nakangiting naglakad kay Axel. Pero mukhang galit ito o nagtatampo ata. Kunot ang makapal na kilay nito.

"Lovey! May sasabihin ako sayo mamaya ah?" tumango lang ito at masungit na nakatingin kay Azel. Na nakalimutan kong nasa paligid lang pala.

Inaakbangan niya ako, "Did you eat? Kanina pa 'ko sayo doon naghihintay" tampo nito

"Hindi pa nga e, kain muna ako a" napatigil ako sa pagsubo nang maamoy nanaman ang mabahong amoy nayon, napatakip ako sa ilong. "L-Love ayoko nito e, ang baho kasi nang amoy" tinignan ko ang masungit na si Axel na nakatingin parin kay Azel na kanina pa pala nakatayo doon.

Nang mapansing nakatingin ako ay tinanguan lang ako nito at umalis na agad sa cafeteria.

"Anong ginagawa niyo doon ni Azel sa loob ng cr?" Napatingin ako sa malalim na boses ni Axel, galit ata dahil nakita kami ni Azel na magkasama nakahawak pa nga ako sa braso niya. Pero wala naman kaming ginagawang masama e!

Napangiti ako nang malaman kung bakit kami nandoon kanina ni Azel. "Kase... ay wait may tanong nalang pala ako sayo bago ko sagutin yang tanong mo! 'Wag kang mag alala hindi ko naman tatakasan e!" Ani ko at hinarap siya hindi nanaman naisip ang pagkagutom dahil sa excitement.

Hinawakan ko ito sa kamay at nag puppy eyes pa "Umm, Axel. May tanong ako, hmm?" Sabi ko kahit mukhang tahimik lang talaga siya pag di pa sobrang galit.

"Yes? Let me hear your chika" Huminga itong malalim at malamlam na matang tinignan ako, huminga nanaman nang malalim at huminga nanaman nang sobrang lalim at paulit ulit pa kaya na curious na ako. Bakit nanaman ito weird?

Ninerbyos nako nang magtatanong na, "Kung ikaw lovey. Papipiliin, amm.. career or you know building a family? Anong pipiliin mong makabubuti sa'yo? Like sa ngayon ah" Sunod sunod na tanong ko at itinago ang kaba sa ngiting bumabalatay sa mukha ko. Gusto kong ipakitang wala lang ito saakin kahit pa nga gustong gusto ko nang ihiyaw ito.

Tumingin ito sa mga mata ko at nag salita, "Career, love." Lumabas ang magandang ngiti ni Axel.

Napatigalgal ako sa narinig pero hindi ko pa rin ipinakita ang lungkot na pumalit sa nakangiti kong mukha.

"I still have a lot to prove. Maybe having a kid will be my next step when this company is on it's good track. With you siyempre" aniya pa.

So, ano nang magiging plano? Napatulala ako sa mukha niya... ilang minuto pa ata bago ako nakaayos ulit nang upo at pinatamis ang ngiti ko sa labi.

"T-Tama!! that's a good step, please continue.." we will wait for you with my baby.

Tanging sa isip ko nalang nasabi iyon, iyon ang plano ko. Ang maghintay sakanya dahil uunahin niya muna ang pagt-trabaho para samin ni baby... dahil iyon ang una nyang pangarap at asawa niya ako para tuparin iyon nang walang sagabal sa mga plano niya.

"N-Nagugutom na ako" sabi ko para ibahin ang topic namin.

"Wait lang, i hage my question din. Hindi ba sasagutin mo ang tanong ko. Bakit magkasama kayo doon sa Cr?" Nagbago nanaman ang ekspresyon niya nang maalala iyon.

"Ahh iyon? N-Nasuka kasi si Azel... Buntis ata."

Sorry Azel. Kailangan ko lang gawin ito. god!

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now