chapter 2

1.6K 35 23
                                    

(AXEL POV)

Tell me that it was a joke? I'm being arranged with one of the Gray's. At nakakatawa dahil alam kong hindi talaga kami talo.

"Babe, how about me? How about us? You said you'll marry me b-but what's going on?! Ako parin naman 'di ba?! Kaya mo pang talikuran 'yan 'di ba?" Turan ni Daisy na umiiyak na.

"Hindi naman kita iiwan, pagkatapos ng kasal sisiguraduhin kong iiwan nya rin ako. Tandaan mo yan. Kaya for now, gagawin ko muna 'to," mahabang lintaya ko rito bago pumasok sa mayors office. Mabilis at walang pakielam akong pumasok.

Tumabi ako sa left side ng mayor kasabay non ang pag pasok ni Velvety. Ayoko talaga sa kanya, nakangiti pa ito na tila nagugustuhan ang mga nangyayari.

Grabe, desperada na ba talaga siyang ipakasal saakin?

Tumabi ito sakin at hinarap ako, then she mouth something. Inisip ko kung pano bumuka ang mga labi nya at ano ba ang binubulong bulong niya?

***

We reached the end of our fake wedding.

Nakabusangot ako ngayon habang nag d-drive. Walang gana sa mga nangyayari ang mood ko ngayon. Kita ko naman sa peripheral view ko na pasulyap-sulyap sya saakin. Ano kayang iniisip nito? Siguro puro kalandian nanaman iyon. Gaya nang pag ngiti ngiti niya kanina. Flirtatious.

Bumaba ako sa kotse at diretsong pumasok sa bahay. Rinig ko ang pagtakbo nya na parang hinahabol ako.

"Mr. Buencamino! AXEL!" she yell and hold my wrist. I turn myself to her. Looking at her like she's a prey.

"What do you need, Mrs. Buencamino?" puno ng sarkasmo ang boses ko at marahas na hinila pabawi ang pala pulsuhan ko.

"Ouch naman. Pero a-ayokong gawin yung h...honeymoon ah. P-Pwede--" masyadong feeling na ani nito habang nakayuko yuko pa kuno.

"Sa tingin mo gusto ko 'yong gawin? Disgusting." I cut her off. Matigas kong ani rito para humiwalay na siya saakin.

"Oh. Okay goodnight, kung maaari sa ibang kwarto ako ah!," sabi pa nito at patakbong umakyat sa kuwarto.

Mabilis akong umakyat at hinanap rin ang kwarto. Pumasok ako at lalakad na sana sa direksyon nang bathroom nang makita itong hawak ang gitara ko at ini-strum ito. Bago pa ako makapasok ay narinig ko na ang mahalimuyak na boses nito para itong nang-hihele sa pagkanta at inaantok na 'ko.

Mabilis akong pumasok sa bathroom at mabilis din na naligo. Lumabas lang ako nang matuyo ang aking buhok gamit ang blower at pabagsak na nahiga sa gilid nang kama malayo sa
kanya.

(IVORY POV)

Nasa office ako at inaalala ang mga nangyari lang kahapon. "Ma'am, lunch time na po oorder po ba kayo or mag r-restaurant po kayo?" Natigil ang pag iisip ko nang dahil kay, Sugar.

"Um, no. Lalabas ako ngayon e," ani ko rito na napag desisyunang magluto para kay Axel. Parang maganda kasing ideya iyon e! I know our marriage is fake but I just wanna do it. I don't know.

Nasa bahay ako ngayon at tapos ng lutuin ang kailangang lutuin, inilagay ko ito sa blue tupperware ni Axel at lumabas patahak sa direksyon nang bugatti chirron ko.

Mabilis lang akong nakarating, pinag-titinginan ako nang mga tao baka dahil alam nilang CEO ako at heir nang Buencamino Enterprise na kilala sa buong mundo. Pumunta ako sa information clerk, di naman kase nila alam na kasal kami nang amo nila

"Hm, Care to tell me what you need, ma'am?" Tanong nito.

"Nasaan ang floor ni Axel Buencamino?" tanong ko rito.

"Do you have an appointment with Mr. Buencamino,  Ma'am?" balik tanong nito, tumango nalang ako kahit naman wala talaga dahil hindi ako nito papapasukin kahit naman alam nya kung sino ako.

She checked her laptop again and pouted. Hangga't hindi niya pa nahahanap at may tumabi saaking tumpok na tao upang mag tanong ay siyang kilos ko patakbo sa information clerk.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 35th floor. Nang tumunog ang hudyat ay mabilis akong lumabas, nahagilap nang mga mata ko ang dalawang body guard na mukhang binabantayan ang nag iisang kwarto roon.

Ipinakita ko sakanila ang card ko at mabilis na hinayaan akong makapasok. Binuksan ko ang pinto, the scenery break my heart into million of pieces.

They're kissing each other passionately with full of intimacy and it hurts, napatigil sila at nagulat nang makita ako.

The woman was beautiful her look saying "power" and I can't surpass that power.

"Sorry for disturbing you two. I gotta go." Nabitawan ko ang dala ko at nalaglag iyon sa sahig, mabilis kong isinara ang pinto at napasandal doon.

"Babe, eat that." rinig kong utos ng babae kay Axel, babe pala so girlfriend nya yon.

"I don't want to, Babe. Stebano!"sigaw naman ni Axel biglaang gumalaw ang isa sa mga lalaking katabi ko, pinatabi nya ko't pumasok sya.

"Yes, sir?" tanong nang bodyguard,

At ang sunod na sasabihin ni Axel ay talaga namang mas nakapag pasakit ng aking nararamdaman.
"Put that in trash sa malayo!" Narinig ko pang sigaw ni Axel.

"Ito po ba, Sir?" Tanong ng lalaking nagngangalang Stebano ang aking narinig. Walang sagot si Axel doon.

Dinig ko ang pag pihit nang pinto hudyat na lalabas na ang lalaki. Dala na nito ang tupperware na pinaglagyan ko nang nilutuan kong tanghalian.

"Sorry, Ma'am. Pinapatapon na po ni sir" bakas ang guilt sa boses nito

"Okay lang ako nalang ang kakain" kinuha ko to sa kamay niya at nginitian sya nang pilit. Paalis.

Pinipigilan ko ang mga luha kong huwag tumulo, dapat diba hindi ako nasasaktan dahil asawa ko lang sya sa papel at hindi kami nag mamahalan pero bakit angsakit naman, wala akong karapatan kaya wag dapat maging emosyonal.

Nang makapasok sa kotse. Gindi ko na napigilang lumuha, walang tigil at hindi na mapigil, masakit, diko alam kung bakit pero masakit, isnag scenario na ayoko nang maranasan ulit, isang yugto ng buhay ko na napakasakit pero parang lalala pa ito at mauuulit.

Umuwi ako sa bahay dahil wala akong ganang mag trabaho ngayon. Ti--next ko nalang ang secretary kong dalhin rito ang mga kailangang pirmahan, wala man akong enerhiya para sakin pero nag luto ako para sakanya, nakaidlip ako pero...

*beep beep* isang tunog na nag pabalik nang diwa ko, sakin parin pala sya uuwi kahit na... nah, nevermind.

Tumayo ako at nag bukas nang pintuan. Kasama nanaman nya yung babae, nakayakap sa baywang nang babae si Axel at nang humarap sila saakin. Napawi ang napakatamis na ngitian nila na para bang may humahadlang doon at...

Alam kong ako 'yon. Hindi na nila ako pinansin at diretso lang sila papuntang kuwarto namin. Ni wala akong choice kundi kainin ang sailing gawang ulam habang iniisip na may kasama ako kahit wala.

Biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa ko at walang tingin tinging swinipe right at pinakinggan ang nasa kabilang linya "Bakla anong gimik ngayon?!" Panguna ni Eda sa malakas na boses, biglaan akong napangiti.

"Oo nga naman, Ivory. Game ka ba?" Sabat ni Kitty, puwede naman ata walang magagalit e, busy rin naman ang... asawa ko at mukhang nag sasaya sa ibang babae e.

"Ano, girl? Kanina ka pa walang imik. G ka ba?" tanong pa nila tila namimilit.

"Sige na nga, pakisundo ako rito. Nine o'clock sakto ah!" pagbigay kumpirma ko na ikinatili nila.

"'Yon! woohhoo yess!" Tili nila at na parang nanalo sa isang loto.

"O sige sige na. Bibihis lang ako, San ba?" Ani ko

"Sa Rum Club, bihis kana dali," rinig ko ang pag tunog ng phone ko hudyat na wala na akong kausap sa kabilang linya.

Napangiti nalang ako at may mga kaibigan akong maaasahan at malalapitan sa oras na ganito ako't nasasaktan.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now