chapter 27

776 23 1
                                    

Kinagabihan ay maagang nakatulog ang kambal, dahil na rin siguro sa pagod sa kaiiyak.

Napatigil ako sa pag iisip nang may humawak sa balikat ko. Napatingin ako kay Azel na ngayo'y hindi pa rin umuuwi sakanila.

Nginitian ko ito, "Pwede ka naman ng umuwi, Azel. Okay naman na yung mga bata e. Maraming salamat sa pagpunta ah.." ani ko.

Nginitian din naman ako nito at tinabihan ako ng upo sa sofa, "Ikaw, okay ka na ba?" inilayo ko ang tingin ng tanungin niya ako.

Napayuko ako at napailing. Nag sisimula nanamang mamasa at mag init ang mga mata ko.

Ipinikit ko ang mata at hinayaan ang luhang mag pumilit na makalabas sa mata ko.

Naramdaman ko ang pag hagod ni Azel sa likuran ko, "Gusto mo ba nang yakap?" hindi niya na kailangan tanongin iyon dahil oo nga't agad ko siyang niyakap.

Sinabi ko lahat ng hinanakit ko sakaniya, hinayaan niya lang naman akong umiyak sa bisig niya.

Sinabi ko lahat ng tampo ko. Sinabi ko lahat ng gusto kong isumbong.

Nabasa ko pa ang damit niya pero sabi niya ay wala raw siyang paki.

Ang sikip sikip sa puso. Napakasakit lalo na ng humagulgol kanina ang mga anak ko.

Hindi ko na alam kung paano natapos ang gabing iyon. Basta ang naaalala ko nalang ay nakayakap ako habang umiiyak kay, Azel. Humahagulgol sa nangyari kahapon..

***

Nagising akong nananakit ang mga mata. Namamaga ata ito at namumula. Iyak na iyak nga pala ako kagabi.

Hindi ko na alam paano pakitunguhan pa nang normal ang mga anak ko.

Uminat ako. Nasa kwarto na ako at nakakumot na. Siguradong binuhat ako ni Azel ng makatulog ako sa bisig niya. Nasaan kaya siya?

Tumayo ako at mabilis na inayos ang sarili sa loob ng banyo sa kwarto ko.

Lumabas agad at hinagilap ang kambal sa kwarto nila, pag kapasok ko ay tulog pa ang mga ito. Tinanghali na pala kami sa gising.

Agad akong lumapit sakanila at marahang inuga ang dalawa para magising. Mag katabi ito sa kama nila na dating guest room lang.

Naawa naman ako sa lugmok na ilalim ng mata ni Axerell, sobrang iyak kasi ang ginawa nito. Apektadong apektado sa sinabi ko, nasaktan ko ang anak ko.

Humiga ako sa tabi ni Avi dahil sa kabila ay si Axerell. Iniyakap ko ang kamay ko sa kanilang dalawa, umabot iyon kay Axerell.

Naramdaman ko ang pag galaw ni Avi at pag punas nito ng muta muta sa mata.

Nang maramdam din siguro ito ni Axerell ay umupo narin siya. Ipinikit ko ang mata para mag kunwaring natutulog ako.

Naramdaman ko ang pag hinto ng dalawa sa pag galaw, para ring umalis sa pag kakayakap ko si Axerell na sinundan ni Avi. Ngayon ay wala akong yakap kaya maliit kong isinilip ang isang mata para makita kung nasaan na sila

Ramdam ko ang dahan dahang mga galaw nila pag gumagalaw ang higaan.

"Shhh" rinig ko. Hindi ko alam kung sinong nag bulong nito pero ramdam kong si Axerell ito na palapit na saakin.

Hinawakan ng maliit at malambot na kamay nito ang aking kabilang pisngi. Hinalikan ang pisngi ko. Lumundag ang puso ko sa saya.

Isa pang kiss ay dahan-dahan nitong binuhat ang kaninang pinangyakap kong kamay sakanila para ayusin ang higa ko.

Naramdaman ko ang isa pang kamay sa gilid ko na dahan dahan rin akong kinukumutan. Nararamdaman kong nag tutulungan sila para makumutan ako.

Napalalim ang hinga ko at gustong iiyak ang sayang nararamdaman. Napakasarap sa feeling.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Where stories live. Discover now