Chapter 14- A cry of despair

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ka ba baby Aki. kaya ko to noh. Strong kaya ako.. At ate Noel naman eh bakit masmalakas pa yung iyak mo kaysa sa akin. Parang ikaw yung nakulong eh" napatawa kaming dalawa ni Kuya Noel sa sinabi ni Honey. 

Eh kasi naman, kanina pa umiiyak si ate Noel mabuti sana kung mahina lang yung pag-iyak, pero hindi. Ang lakas lakas nga para siyang namatayan. Pati yung mga pulis at ibang preso dito ay napapatingin na sa amin.

"P-pangako Honey, pag may time kami ay bibisitahin ka namin dito at dadalhan ka namin ng maraming pagkain...p-para di ka mamayat at magutomWAAAAHHHH" napayuko nalang ako sa kahihiyan. Bwisit naman oh. Di ko akalain na ganito pala ka emotional si Ate Noel. nakakahiya din itong kasama.

Di nagtagal ay nagpaalam narin kami sa isa't isa

Tinawagan ko muna si Ulan para sana magpatulong sa kaso ni Honey at sinabi niya naman ay gagawa siya ng paraan kaya kahit papaano ay na panatag na ako.



9am palang. Masiyado pang maaga.

Nagdesisyon akong pumunta sa condo ni Ma'am doon muna ako tatambay. Plano ko rin na magluto ng lunch kaya dadaan muna ako ng grocery store para bumili ng mga ingredients. 

Magluluto ako ng adobong manok-Aki's version. Wala din kasi si Ulan sa condo kaya baka mabored lang ako. So doon muna ako kay Ma'am. Sana naman ay nandoon lang siya.

Mga alas diyes na ng matapos akong mag grocery. Walking distance lang yung layo nitong mall mula sa condo building nila Ulan, kaya naman ay naglakad lang ako.

Ng makarating ako sa condo unit nito ay ilang beses din akong nagdoorbell pero walang nagbukas. Asan kaya si Ma'am?

Napagdesisyunan kong itext nalang siya baka sakaling mag reply pero ilang minuto din ang lumipas ay wala parin.

Napabusangot ako at umupo muna sa gilid ng pinto.

Narinig kung nagring yung phone ko kaya naman ay masaya akong tiningnan ito sa pag-aakalang si Ma'am yung tumawag pero hindi pala.

"Baby Aki..."

" Oh bakit Ulan?"

Narinig kung bumuntong hininga ito sa kabilang linya.

" I did my best para ayusin ang kaso pero kasi..."

" I just found out na malaking tao ang nasa likod nito Aki..Masmaimpluwensiya pa kaysa sa pamilya natin..kaya wala akong magawa Aki. p-pasensiya na" 

Masmakapangyarihan pa sa pamilya namin? 

Sino naman kaya yun? At anong pakay niya bakit ginawa niya ang lahat ng toh? 

Mas komplekado pa pala ang kasong to kaysa sa inakala ko. 

Anong ba kasi ang ginawa ni Honey na naging dahilan ng pagkagalit ng taong yun? Na pati si Ulan ay wala ng magawa dahil sa masiyadong mataas ang taong nasa likod ng lahat ng ito.

Nagpaalam na ako kay Ulan dahil may mga gagawin pa daw kasi ito. 

Wala din naman akong karapatang pilitin itong gumawa ng paraan kasi busy rin naman ito sa maraming bagay at baka kung pumasok pa ito sa gulo ay baka mapahamak lang si Ulan kaya masmabuti na manahimik nalang muna. Gagawa nalang ako ng ibang paraan para makatulong kay Honey.

Binaba ko ang hawak kung supot at nag laro muna sa phone.

Alas dose na pero wala parin si Ma'am. 

Saan kaya pumunta ito? 

Ilang beses ko rin tinext at tinawagan ay di rin sumasagot. Pero nagriring naman yung phone niya.


The Author's Crime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon