Chapter XXXIV

665 7 0
                                        

Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila Alexander, may malaki pala silang garden sa likod at may malaki din na swimming pool.

"You want more iha?" Tanong sa akin ni Mrs. Ching.

We eat dessert made by Mrs. Ching and the cake that Alexander bought earlier at the cake shop. Kakatapos lang namin mag lunch kaya inaya ako nito sa garden kasama si Alexa.

"Opo" Masayang sagot ko dahil napaka sarap ng dessert na gawa nito.

"Here" Binigyan niya ako ng isa pang slice.

"Thank you po" I said and smiled at her.

"You are so beautiful iha" Saad nito at hinawi ang nakatabinging buhok ko.

Napaka kamot ako ng kilay sa sinabi nito. Alam ko namang maganda pero nahihiya ako pag siya ang nagc-compliment sa akin.

"True ate, bagay na bagay kayo ni kuya, I can't wait na maikasal na kayo" Pagsang-ayon ni Alexa na tila kinikilig.

I smiled at her, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, masaya din ako dahil ikakasal kami ni Alexander but I need to face the consequences. For now huminto muna ako sa model industry ko dahil sa pagbubuntis ko, I love my carrier pero kailangan kong piliin ang magiging anak ko, magiging anak namin ni Alexander. Siguro pag nanganak na ako saka ako babalik sa pagmomodel.

"Where's your father?" Biglang tanong ni Mrs. Ching and she was looking behind me.

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Alexander na papunta sa kinauupuan namin.

"Sa loob" Xander answered briefly when he got close to us and kissed my cheek.

"Are my babies okay?" He asked and caressed my belly.

Kinikilig naman ako sa tanong nito.

"Which one?" Tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay, hindi pwedeng itong pinagbubuntis ko lang ang magiging baby niya. Ako din dapat, I'm his first baby.

"Of course my first baby and this one" At nginuso niya ang tiyan ko.

"Anong baby?" Si Mrs. Ching na nakatingin sa aming dalawa.

Nagkatinginan kami ni Alexander dahil sa tanong niya, ayaw kong sabihin dahil baka isipin ng mom niya na malandi akong babae dahil nagpabuntis ako ng hindi pa kami kasal.

"She's pregnant mom" Sabi ni Alexander sa kanyang ina.

Nagulat si Mrs. Ching dahil sa pag amin ni Alexander ngunit kalaunan ay bigla itong tumili at ganoon din ang ginawa ni Alexa. Naghawak kamay pa ang dalawa, mag ina nga sila. Thier reaction made me smile. Mabait naman pala ang mga magulang ni Alexander.

"Mom ang ingay niyo" Rinig kong reklamo ni Alex na galing sa loob ng bahay, na sa likod nito ang dad ni Alexander na papunta din sa sa amin.

"Ano bang nangyayari at nagtititili kayo?" His dad asked curiously.

"Kasi magkaka-apo na ako" Masayang wika ng mom ni Alexander at yumakap sa akin, ganon din ang ginawa ni Alexa.

"Magkaka-apo?" Naguguluhang tanong ni Alex.

"Guess what kuya, hulaan mo kung sinong buntis" Saad ni Alexa sa kuya niya na may ngiti sa labi.

Napadako ang tingin ni Alex sa akin at pababa sa tiyan ko, naka dress ako ng maluwag para maging comfy ang paggalaw galaw ko. His eyes widened and that was the clue.

"B-buntis ka?" Tila hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

I smiled and nodded. "Oo"

"Yes!! Magkakaroon na ako ng pamangkin." He said happily and came closer to hug me, but Alexander suddenly blocked him so he couldn't hug me.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now