Xander POV
Papunta ako ngayon sa headquarter dahil ibibigay ko ang nakuha kong droga kagabi at para malaman kong anong klaseng droga ito, habang nasa byahe ay bigla kong naalala ang sinabi sa akin ng kapatid agent Z na stalker daw ako nito pero pinagtaka ko rin dahil nasa Paris ito parehas kami ng tinutuluyan na hotel at magkatabi pa kami ng kwarto kaya hindi ko siya masisisi kung pagkakamalan niya akong stalker.
Dalawang oras pa ang nagdaan bago ako makarating sa headquarter kaya dali dali na akong bumaba sa kotse na aking dala pagpasok sa loob ay may ilang Agent ang napapatingin sa akin ang iba naman ay balewala lang na parang walang nakikita, nang makarating ako sa harap ng office ay kumatok muna ako sa pinto nito mayamaya pa ay may narinig akong nagsalita ng 'come in' sa loob kaya binuksan ko na ang pintuan ng office ni Mr. Taboda pagpasok ay nakita ko itong busy sa pagpirma ng ilang dokumento.
"Have a sit" sabi nito kaya naupo na ako sa upuan na kaharap ng lamesa nito, pinakita ko dito ang nakuha kong droga at sinabi ko rin kung saan ko ito nakuha.
"Kailangan sa madaling panahon din ay mahuli at mapasabog muna ang pagawaan ni Armando Solomon ng droga" seryosong sabi nito sa akin hindi na ako nagulat ng magtagalog ito dahil kapatid ito ni boss Braydon pero kung sa ugali ay magkaibang magkaiba sila ng kapatid nito dahil tahimik lang si Mr. Brandon at palaging seryoso samantalang si boss ay mahilig sa kalokohan minsan pa ay mga agent nito ang pinagtitripan niya.
"Don't worry mamayang gabi rin papasukin ko ang pabrika niya pero hindi ko maipapangako na mahuhuli ko itong buhay" sagot ko dito narinig ko naman itong bumuntong hininga habang umiiling.
"Okay. Call if you need equipment and back up" sabi nito sa akin tumango lang ako dito bilang sagot at nagpaalam na aalis na rin dahil kailangan kung ihanda ang gagamitin ko para sa pagpasok sa pabrika ni Armando Solomon.
Nang makalabas na ako sa headquarter ay dumiretso na ako sa kotse na ipinahiram sa akin ng JO dito sa Paris at pinatakbo na ito pauwi sa hotel na tinutuluyan ko dahil magpapahinga muna ako saglit dahil papasukin ko ang factory ni Mr. Solomon mamayang gabi.
Zaharrah POV
Nandito kami ngayon ni Erika sa isang sikat na park sa Paris maraming tao ang nagpupunta dito dahil sa magandang view nag gagandahan na bulaklak at malalaking puno may ilang nagdadate at nagpipicnic na pamilya ang narito kaya bigla akong nainggit dahil hindi namin ito nararanasan ng mga kapatid ko at palagi rin kaming busy lalo na nang mawala si Daddy at Mommy.
"Ang ganda ng red tulips na yun ma'am shaine oh tignan mo" sabi ni Erika na kanina pa tinitignan ang mga bulaklak.
"Yeah" sagot ko "do you know what the symbol of red tulips is?" dagdag na sabi ko dito.
"Ano ma'am?" Tanong nito.
"Their deep red hues evoke feelings of passion, love, and lust" sagot ko dito.
"Weh talaga ba ma'am?"
"Kung ayaw mong maniwala ide wag Erika" iritang sagot ko dito.
"Joke lang ma'am Ikaw naman high blood kaagad alam kung tama ka dahil kailan kapa ba nagkamali ma'am" sarkastikong sagot niya saakin pero inirapan ko lang ito.
"E yang pink tulips ma'am ano meaning niyan?" Tanong nito ulit sa akin.
"Pink tulips symbolize happiness and confidence"
YOU ARE READING
Agent Series I: Taming The Grumpy Agent
RomanceZaharrah Shaine Mercado or mas kilalang Harrah, a model and designer, maganda, matalino, at may pagka suplada! Party girl and she has a bitch attitude sometimes. Alexander Ching o kilala bilang Agent X is handsome and rich kaya naman kahit sinong b...
