Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo ulit at matulog. Pagkatapos maligo ay nagsuot lang ako ng nighties dress at nahiga nasa king size bed ko, hindi ko naman binasa ang buhok ko kaya hindi kona kailangan mag blower.
Ipipikit ko na sana ang magaganda kong mata, nang bigla nalang magring ang cellphone kona na sa tabi ng lampshade. Agad kong tinignan kong sino ang tumatawag at nakita kong si Janelle. Kaibigan ko since college at ito din ang nakasabay ko sa pagmomodel. Gosh ano kayang kailangan ng babaeng to? At bigla nalang mambubulabog.
"What?" Agad na tanong ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag.
"Hey wala man lang hello hello dyan" Sagot niya sakin. Nakakainis talaga ang babaeng ito minsan.
"Wala dahil nambubulabog kanang taong matutulog" I said. "I'm tired Janelle, kung magdadrama ka, wag sakin" dagdag ko pa.
Naalala ko kasi dati, tumawag ito ng madaling araw habang umiiyak kaya naman halos tumawag na ako ng pulis para papuntahin sa condo niya dahil akala ko ay may nangyaring masama sa kanya, yun pala'y nakita niya ang boyfriend niyang may kamake-out na iba. Tss, alam kong hindi naman niya mahal yon pero dahil mayaman yung ex-boyfriend niya at mukhang pera tong kaibigan ko kaya ayon umiyak.
"Why you're so maldita to me ba ha?" Sagot niya sakin at lumabas pa ang pagka conyo niya which is ayaw na ayaw ko dahil naiirita ako.
"I'm not maldita Janelle at pwede ba tumugil ka sa pagiging conyo mo"
"Okay okay HAHAHAH" Saad niya sakin.
"Ito na kasi ahm" Ano kaya ang balak ng babaeng to? "Can we go out tomorrow night? Please" Tanong niya sakin.
Sabi na nga ba e may plano to.
"Kung balak mong ipa blind date ako pwes tigilan mo ako" Sagot ko sa kanya.
Naalala ko last month ay niyaya niya akong lumabas at kumain sa isang restaurant. At nong nandon na ako sa restaurant ay sabihin ko lang daw ang name niya dahil may pina reserve siyang table namin dalawa dahil nauna na daw siyang pumasok pero nang makapasok ako ay lalaki ang nakaupo doon sa table na pina reserve niya.
Nagtanong pa ako sa waiter kong yun ba talaga ang table na para samin pero iyon naman daw talaga, kaya nagulat ako nang bigla nalang magtext si Janelle saakin at sinabi niya na ipina blind date niya ako para daw magka boyfriend na ako, kaya no choice ako kundi harapin ang lalaki kahit na ayaw na ayaw ko.
Ayoko rin naman maging bastos sa paningin niya. Baka masira pa career ko pag naging bastos ako sa kanya dahil kilala sa larangan ng pagnenegosyo ang lalaking yun at galing sa kilalang pamilya. Kung hindi ako nagkakamali ay pinsan siya ng ex-boyfriend ni Janelle.
Nang matapos ang blind date na yun ay ilang araw kong hindi pinansin si Janelle dahil sa subrang inis ko sa kanya.
"Ay no no. Hindi na kita ipapa blind date, gusto lang kita ayain mag bar hmm it's been a while since we last went to a bar" Sagot niya sakin.
Napaisip ako, tama naman siya, medyo matagal narin simula ng last na mag bar kami, kailangan ko din mag enjoy minsan.
"So you're in or in?" Tanong niya sakin.
Anong in in ang pinagsasabi nang babaeng to? Pero parang may choice pa ako e pipilitin lang ako ng babaeng to.
"Okay okay I'm going" I said.
Kailangan ko mo na ng alak pampaalis stress kaya sasama ako.
"Yes. Sabi nanga ba e sasama ka" Tila nasisiyahan na wika niya sa kabilang linya.
Pero hindi na ako sumagot pa at pinatay ko na ang tawag dahil antok na antok na talaga ako.
Kinabukasan nagising ako ng 9:00 am na nang umaga. Ayos lang naman kahit tanghali ako magising dahil wala naman akong gagawin ngayon, uuwi lang ako mamaya sa condo ko.
Naghilamos at nagtoothbrush na ako agad ako. Pagkatapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina para kumain, nakita ko naman na may ulam sa table kaya kumain na ako, siguro tapos na sila tita kumain. Iyong dalawa ko naman na kapatid ay pumasok na pati si Zarrah ay pumasok narin siguro sa trabaho. Pagkatapos kumain ay niligpit at hinugasan ko na ang aking pinagkainan, ayaw konang iaasa sa mga kasabamhay namin ito, kahit naman lumaki kaming mayaman ay marunong kami ng gawaing bahay dahil yun ang tinuro
saamin.
Nang mag 3:pm na nang hapon ay mag paalam na ako kay tita para umuwi nang condo ko, hindi kona inantay ang dalawang kong kapatid na makauwi dahil mag gogrocery pa ako kunti nalang ang stock ng mga pagkain sa condo ko kaya need kona talaga mag grocery.
Nang makarating ako dumiretso nako para mapabilis pamimili ko, nang nasa counter na ako ay may ilan na napapatingin saakin siguro ay nakikilala nila ako pero hinahayaan konalang hanggang sa matapos ako sa counter, nagpatulong nalang ako para mailabas ang mga pinamili ko, nag taxi lang ako dahil hindi ako nakapag dala ng kotse.
Hanggang sa makarating na ako sa condo ko, nag patulong lang ako sa driver nong taxi para maipasok itong mga grocery ko at nagbayad nadin ako.
Pagpasok sa loob ng condo ay nagpalit at inayos kona ang mga pinamili ko, nagpahinga nadin ako dahil may pupuntahan pa ako mamayang gabi.
Kinagabihan ay kumain na ako nagpa deliver nalang ako dahil tinatamad narin ako magluto, pagkatapos kung kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko at naligo narin, natapos akong maligo kumuha na ako ng dress sa closet ko. Tube dress ang napili kona black at medyo kita rin ang cleavage ko maikli din ito kaya kitang ang mala porcelana kong legs, naglagay din ako ng light make up hindi kona binonggahan ang make up maganda naman ako.
Nagtext sakin si Janelle at sinabi niyang nauna na siya at hihintayin nalang niya ako sa bar na pupuntahan namin kaya no choice ako kundi magdala din ng sariling kotse ko, lumabas na ako sa condo ko at sumakay na sa elevator papuntang parking lot agad korin naman nakita ang kotse ko nang na sa parking lot na ako, isa itong ferrari regalo saakin ni daddy subra 2years nadin to sakin at minsan ko lang gamitin dahil bigay pa ito ni daddy kaya iniingatan ko, bigla ko tuloy namiss si daddy alam ko proud na proud siya samin kahit wala na siya pati si Mommy.
YOU ARE READING
Agent Series I: Taming The Grumpy Agent
RomanceZaharrah Shaine Mercado or mas kilalang Harrah, a model and designer, maganda, matalino, at may pagka suplada! Party girl and she has a bitch attitude sometimes. Alexander Ching o kilala bilang Agent X is handsome and rich kaya naman kahit sinong b...
