Chapter XXIII

656 10 0
                                        

ZAHARRAH's POV

Kakatapos ko lang isuot ang dress na susuotin ko sa pupuntahan kong event, nahirapan pa ako dahil may strap ito buti nalang tinulongan ako ni JC at Rona. 4:45 na nang hapon, siguro ay mga isang oras din ang byahe bago makarating sa venue ng event. Balak ko sana na magdala ng kotse kaso kakatext lang ni Zarrah at susunduin niya daw ako.

"Wow ang sexy mo ma'am" Rona praised me.

"Salamat" sagot ko at ngumiti sakanya.

I wore dark red heels, nagmukha tuloy akong antagonist sa isang drama dahil sa suot kong all red, hikaw at necklace ko lang ang naiiba ang kulay dahil pati ang maliit kong pouch ay kulay red din. After wearing the heels I put a little perfume on my clothes. Sinipat ko muna ng sandali ang sarili ko sa salamin bago lumabas sa condo. Magkasabay na kaming lumabas ni JC at Rona sa condo.

Nang makarating kami sa labas ng building ay natanaw ko kaagad si Zarrah. She was leaning on her car while busy using her cell phone, she raised her head so I waved at her. It seems she saw me too because she waved back at me. My sister is so pretty, she looks like a model, idagdag pa suot nitong mas lalong nagpaganda sakanya, she's wearing a black dress at bagay na bagay ito sakanya dahil ang puti ng kapatid ko. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang hita nito kahit hindi ko na tignan ay alam kong may nakadikit na baril sa hita niya.

"Ms harrah, sino siya?" Tanong ni JC kaya napalingon ako sakanya, nandito pa pala ang dalawang to kala ko umalis na.

"She's my sister" nakangiting sagot ko habang palapit kay Zarrah.

"Hala totoo ma'am? Ang ganda niya" Hindi makapaniwalang tanong nito. Mukha ba kaming hindi magkapatid ni Zarrah? Alam kong kunti lang ang pagkakahawig namin pero hindi maipagkakaila na magkapatid kami. Palibhasa kay daddy kasi nagmana ng itsura si Zarrah, ugali at galawan lang ang namana niya kay mommy kaya may pagka masculine siya pero napakagandang babae pa rin like me.

"You're too slow" reklamo ni Zarrah ng makarating ako sa harapan niya.

"E hindi naman" I said and hugged her.

Hindi ito nagsalita at hinayaan lang akong yakapin siya. My sister really smells good.

"That's enough. we have to go" biglang sabi niya kaya bumitaw ako ng yakap at pumasok sa kotse.

"Wow ang ganda ng bago mong sasakyan" sabi ko ng makapasok siya sa kotse. Lambo na kulay dark ang dala niyang sasakyan at talaga naman na pinagtitinginan siya ng mga tao. Bat ba kasi ang yaman ng kapatid ko? Alam kong may sarili na siyang kompanya sa edad na 23.

"Matagal ko na ito nabili" balewalang sagot niya sa akin.

Nagsimula na siya magmaneho kaya tahimik lang kaming dalawa. Kahit naman magsalita ako hindi rin siya sasagot, napaka tahimik na tao nitong kapatid ko hindi mo alam kung anong iniisip.

Thirty minutes passed when we arrived at the venue of the event. Mabilis magpatakbo ng sasakyan si Zarrah kaya imbes na isang oras ang byahe ay naging thirty minutes lang.

Pagpasok namin sa loob ay pumunta ako sa isang table at naupo sa bangko. Si Zarrah naman ay iniwan ako saglit dahil pupuntahan niya ang ibang Agent na kasama niya na nandito rin sa event. Ilang minuto pa ang nagdaan at marami na din ang mga tao pero nakaupo lang ako dahil hindi ko naman close ang mga tao dito at wala din akong kilala, although binabati at nginingitian ako ng iba ay hindi ko magawang maki jamming sakanila dahil hindi naman kami close. 'saan na ba kasi si Zarrah?' inip na tanong ko sa sarili.

Maya-maya pa ay nakita ko si Zarrah sa isang table na malapit din sa kinauupuan ko habang may kausap na lalake na matangkad at may kakisigan, halatang gwapo ito ng kabataan niya at hindi pa ito masyado matanda, siguro ay ito ang boss niya dahil familiar ang itsura niya sa akin. May kasama pa si Zarrah na dalawang babae at dalawa rin na lalake, yung isang lalake na kasama niya ay kilala ko, kung hindi ako nagkakamali ay Clark ang pangalan nito. Yes, that's right, his name is Clark because that's the guy who was with zarrah when we met at the restaurant a few months ago. Dahil sa inip ay tumayo ako at naglakad palapit kay Zarrah, bahala na kong hindi ko close ang mga kasama niya.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now