Chapter X

875 7 0
                                        

Zaharrah POV

Maya maya pa ay dumating na si janell galing sa cr pero nagtataka ako dahil namumutla ito kaya agad ko itong hinawakan sa noo dahil baka masama ang pakiramdam.

"Are you okay?" Tanong ko kay janell.

"Yes" maikiling sagot niya kaya nagtaka ako kung bakit napaka tahimik nito ngayon.

Dumating na rin yung clark na kasama ni Zarrah galing din ito sa cr at nakita ko itong palihim na ngumisi pero agad din nawala ng nakita niyang matalim ang titig sakanya ng aking kapatid.

Habang nag uusap kami ni Zarrah dahil nagpapaalam ako sakanya na pupunta akong Paris ng biglang mag ring ang cellphone niya at dali dali niya itong sinagot at lumayo sa amin ng kunti yung sapat lang para hindi namin marinig ang pag uusap nila ng taong tumawag sa kanya, nang matapos ito makipag usap sa taong tumawag sa kanya ay lumapit na siya sa amin at may binulong kay clark agad namang tumayo ang lalaki sa kanyang pagkakaupo.

"I think we have to go ate" sabi ni Zarrah sa akin

"Why?" Tanong ko

"May kailangan pa kaming gawin" sagot nito sa akin kaya wala na akong nagawa kundi pumayag dahil alam kung busy din itong kapatid ko.

"Okay fine, take care I love you sis" paglalambing na paalam ko kay Zarrah

"Yeah, I love you too ate" sagot niya at tuluyan ng umalis kasama yung clark, kaya bigla akong napa ngiti kahit tahimik lang ang kapatid ko ay minsan may pagka sweet rin ito.
Narinig konaman na malalim na bumuntong hininga ang aking katabi kaya napatingin ako dito

"Are you sure you're okay?" Ulit na tanong ko kay janell dahil nag aalala ako dito kanina pa kasi ito tahimik

"Don't mind me, I'm just tired" sagot niya sa akin at ngumiti "ahm pakihatid monalang ako sa condo ko" dagdag na sabi niya

"Okay" sagot ko.

Nang maka labas kami sa restaurant ay agad na kaming sumakay sa aking sasakyan at pina andar kona ito para ihatid si janell sa condo niya, ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng building kung saan ang condo ni janell agad naman itong bumaba at nagpaalam sa akin, nang hindi kona makita si janell ay pina andar kona ulit ang aking sasakyan pauwi sa condo kailangan kong magpahinga ng mahaba dahil dalawang araw nalang at pupunta akong Paris kaya magiging busy ako siguro ay mga 2 or more weeks din ang itatagal ko doon.

Janell POV

Kakauwi ko lang dito sa aking condo galing sa restaurant kung saan nagkita si shaine at kapatid nitong si Zarrah pero hindi ko akalain na makikita ko ang lalaking yun kaya pala pamilyar siya saakin nang makita ko itong kasama ni Zarrah at parang gusto kong putulin ang pagkalalaki niya dahil sa inis lalo na sa ginawa niya kanina

Flashback

Habang kumakain ako ay may nararamdaman akong sumisipa sa akin sa ilalim ng mesa kaya agad akong napatingin sa aking kaharap na lalaki na parang balewala lang sakanya ang nangyayaring pagsipa sa akin bigla naman itong tumigil sa ginagawa niya kaya nakahinga ako ng maluwag pero bigla akong nagulat ng may maramdam akong paa na gumagapang sa aking hita kaya agad akong tumayo at nagpaalam na pupunta akong cr, nang makarating ako sa cr ay huminga ako nang malalim at kinurot ang sarili buti nalang at walang Ibang tao dito sa loob ng comfort room dahil baka isipin nilang nasisiraan na ako ng ulo, may narinig akong pumasok pero hindi kona ito pinansin dahil baka iihi lang ito at pang babae naman ito na cr kaya alam kung walang lalaki ang papasok pero agad akong napalingon dito nang marinig kung biglang naglock ang pinto at halos malaglag ang panga ko dahil nasa loob na ngayong ng cr ang lalaking iniiwasan ko

"Are you avoiding me?" Nang uuyam na tanong nito sa akin

"O-of course n-not" utal na sagot

"Hm why are you stuttering?" He asked

"Hindi ako nauutal" pag tanggi ko

"Really?" Tanong nito at unti unting nang lumalapit sa akin kaya bigla akong kinabahan kaya napapaatras rin ako pero mukhang malas ako dahil bigla akong nabangga sa sink kaya wala na akong maatrasan pa

"Don't come near me" kinakabahang sabi ko sa lalaki pero para itong bingi dahil lalo lang ito lumapit sa akin at hanggang sa isang pulgada nalang ang layo ng mukha niya sa aking mukha kaya pigil na pigil ang aking hininga, nakahinga naman ako ng maluwag ng ilayo nito kunti ang kanyang mukha pero naramdaman kung inamoy nito ang aking buhok hanggang sa bigla nalang niyang idampi ang kanyang labi sa akin smack lang yun pero ramdam ko pa rin kaya hindi ako nakagalaw ka agad sa subrang gulat.

"Mauna kanang lumabas or else di ako makapagpigil at" tumingin ito sa akin at ngumisi ng nakakaloko.

"Damn you perv" sabi ko at dali na dali na akong lumabas ng cr baka ma rape pa ako ng lalaking yun.

End of flashback

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sakanya at ano Clark Natividad ang pangalan niya pamilyar ang pangalan niya pero hindi ko alam kung saan ko narinig pero bat ko ba iniisip ang lalaking yun dapat kalimutan konalang na may naka One night stand akong nagngangalang Clark Natividad.

Alexander POV

Ilang oras na akong nagmamanman dito sa labas ng bar na pagmamay ari ni Mr. Solomon at nakikita kung may mga ilan ilan na pumapasok pero lalabas pagkatapos ng ilang minuto, hindi pa naman gabi kaya wala pa masyadong mga tao ang pumapasok sa loob mamaya ay papasok ako para magmanman rin sa loob pero aantayin konalang na mag gabi para hindi ako mahalata ng mga nagbabantay na tauhan ni Mr. Solomon, kailangan kung makakuha ng iba pang ebidensya tungkol kay Mr. Solomon.

Nang sumapit ang gabi at nakikita kung marami na ang taong pumapasok sa loob kaya pumasok na rin ako mahigpit ang pagbabantay nila dito pero dahil marami ang pumapasok ay hindi ako napansin ng mga nagbabantay dahil naki sabay ako sa mga kalalakihan na pumasok sa loob, pagpasok na pagpasok ko palang ay naaamoy kona ang mga amoy ng alak at sigarilyo mahahalata mo rin na may gumagamit dito ng droga dahil sa amoy ng loob ng bar at mga kilos ng mga tao dito na akala mo ay mga nasiraan ng ulo, pumunta ako sa counter at nag order ng isang shot ng tequila pero hindi ko naman ito ininom dahil nong inamoy ko ay kakaiba ang amoy nito halatang may hinalo na droga, ilang minuto lang ng pagtingin tingin ko sa paligid ay may nakita na akong mga negosyante at matatandang lalaki na pumasok sa loob diretso lang ang mga ito naupo sa harapan na may malaking upuan at lamesa maya maya pa ay biglang dumilim ang paligid at tanging sa stage lang may liwanag nakita konaman na may lumabas dito na ilang mga babae ang iba ay sumasayaw ang iba naman ay parang naiiyak pero pinipilit silang pasayawin.

Nagtagal pa ako doon ng isang oras at napagdesisyonan kona rin bumalik sa condo dahil may nakuha na akong ebidensya ng bentahan nila at napicturan ko rin ito nang hindi nila nalalaman dahil ang ginamit ko ay ang aking kwintas may maliit dito na camera at maliit na botton kung hindi mopa ito titignan ng mabuti ay hindi mo mahahalata na isa itong camera kaya pati ang mga babae na binibenta nila ay napicturan ko rin ng walang kahirap hirap.

Nang makarating ako sa loob ng condo ko ay agad na akong pumasok sa aking kwarto para maligo dahil nalalagkitan na rin ako sa aking katawan dahil pinapagwisan ako kanina.

(Gagawan ko po ng story si Janell at Agent C)

(May mga wrong grammar po at typo)

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now