Xander POV
Balak ko pang habulin si Armando Solomon pero hindi ko na nagawa dahil pinaligidan ito ng kanyang mga taohan para makatakas
"Fuck" mura ko dahil kumirot ang aking sugat bigla kung naalala na tinamaan pala ako kanina kailangan magamot ko ito kaagad para mabilis na gumaling saka ko nalang hahabolin si Mr. Solomon, may araw din na magkikita kami at sisiguradohin kung mapapatay kona ang hayop na yun, naglakad ako papunta sa kotse na aking dala dahil kailangan ko nang bumalik sa hotel pero bago ako umalis ay nilabas ko ang maliit na remote sabay pindot dito at sa isang iglap lang ay sumabog ang factory na pinaka iingatan ni Armando Solomon, napangisi ako ng makita kung sirang sira na ito.
Zaharrah POV
Nandito ako ngayon sa isang malapit na convenience store dahil bigla ako nakaramdam ng gutom, hindi ako kumain ng dinner kaya nagugutom ako, nang tignan ko ang oras sa cellphone ko ay 11:30 na ng gabi kaya binilisan ko na ang kilos at nagbayad sa cashier dahil mukhang magsasara na din sila.
Papasok na ako sa hotel habang dala dala ang pagkain na nabili ko, sumakay ako sa elevator at pinindot ang 15th floor.
Pagdating sa 15th floor ay lumabas na ako sa elevator at naglakad papunta sa aking hotel room, bubuksan ko na sana ang aking room ng mapansin kung may papalapit saakin nang tignan ko ito ay si Alexander Ching kaya hindi ko nalang pinansin pero nagulat ako ng bigla itong natumba, linapitan ko ito at tinapik tapik ang pisnge.
"Huy Mr. Ching lasing kaba?" Tanong ko dito pero tanging mahinang ungol lang ang sagot nito at hindi naman siya amoy alak.
"Mr. Ching huy" ulit na tawag ko pero hindi na ito sumagot mukhang tulog na, kaya no choice ako kundi alalayan nalang kahit naman inis ako sakanya ay may natitira pa din akong kabaitan.
Aalalayan ko sana itong tumayo kaya hinawakan ko siya sa braso para patayuin infairness malaki ang braso niya may biceps HAHAHAHHA, pero bigla itong napainda kaya nabitawan ko at bigla konalang nakita na may dugo na ang kamay ko na galing sa braso niya.
"Mr. Ching your biceps is bleeding I mean braso mo" sabi ko dito.
"nah sa biceps ka pala nakafucos" mahinang sagot nito sakin, nakakahiya kala ko ba walang malay to baka isipin pa nito na nangcha- chansing ako.
Pero hindi konalang ito pinansin at inalalayan na ipasok sa loob ng kanyang hotel room, agad konaman itong nabuksan kaya ipinasok ko nalang siya sa room nito.
"Mr. Ching ano ba nangyari sa braso mo?" Tanong ko sakanya habang tinatanggal ang pang itaas niya na suot, nagdadalawang isip pa ako dahil baka ano isipin niya at hindi naman kami close ng lalaking to pero alangan naman na hayaan konalang siyang mahiga don sa labas habang dumudugo ang braso. Nang matanggal ko ang damit niya ay bumungad sa akin ang braso niyang may tama ng baril kaya napasinghap ako dahil madami na din ang dugo na nawala sakanya kaya siguro siya natumba.
"May tama ka" gulat sa sabi ko dito kahit na hindi naman siya sumasagot.
"Sandali tatawag ako ng nurse" aligagang sabi ko pero bigla niya akong hinila kahit na nanghihina na siya.
"Don't" mahinang sabi nito sakin.
"Pero may tama kanang baril at wala tayong gamit para ialis yan, maraming dugo ang nawala sayo baka bigla kang mamatay dito ako masisi dahil ako kasama mo" kinakabahan na sabi ko.
"Silly" natatawang sagot nito sakin, nagawa pa talaga nyang tumawa.
"Sa cabinet meron akong mga first aid don kunin mo" utos nito kaya dali dali kong kinuha.
Nang makuha ko ito ay nilagay ko sa harapan niya, "marunong ka mag tanggal ng bala?" Tanong nito sakin.
"Oo pero hindi ako sanay baka magkamali ako" sagot ko dito dahil totoo naman minsan konang nasubukan mag tanggal ng bala kay zarrah dati ng matamaan ito ng baril sa braso din.
"Hindi yan subukan mo lang tanggalin ang bala sa braso ko" sabi nito at ngumiti kaya bigla akong napatitig sa mukha niya, mas gwapo pala ito sa malapitan feel ko mawawala yung inis ko sakanya dahil sa pag-ngiti niya.
Bigla itong nag fake cough at ngumisi sakin kaya natauhan ako at nareliaze konalang na kanina pa pala ako nakatitig sakanya, kaya dali dali akong lumingon sa ibang direksyon at binuksan ang first aid kit, dahil sa hiya na nararamdaman ko ay kinurot konang palihim ang sarili ko parang gusto konalang e untog ang ulo ko sa padir baka isipin pa nito na aapektohan ako sa kagwapohan niya my gosh.
May kinuha itong maliit na bote ng alak sa kanyang pocket at tinungga ito binuhusan din niya ng alak ang kanyang sugat "I'm ready" sabi nito sakin sa husky na voice, kaya sinimulan konang tanggalin ang bala sa kanyang braso nong una ay nanginginig pa ako pero nagawa ko pading tanggalin, nang tignan ko ang mukha nito ay nakapikit ito habang kagat kagat ang kanyang mapupulang labi kaya napatitig ako don, nagmulat ito ng kanyang mata kaya napatitig din ito pabalik sakin, naamoy ko din ang alak sakanya at mukhang medyo lasing na din siya. Ang dali naman nitong malasing e maliit na bote lang naman yung tinungga niya.
"Can I kiss you?" biglang tanong nito sakin sa husky voice pa din.
"Huy ano ba yang pinagsasabi mo Mr. Ching tinamaan kalang nag bar-' hindi kona natuloy ang sasabihin konang bigla ako nitong hilain at halikan, sinubukan ko itong itulak pero masyado siyang malakas, kinagat nito ang ibabang labi ko at ipanasok ang kanyang dila, halos nagtatagal na din ang halikan namin at nararamdaman ko na ang kamay nitong gumagala sa loob ng aking damit kaya pinalo palo ko ang braso nitong walang sugat, siguro ay natauhan ito sa kanyang ginagawa kaya huminto ito.
Nang huminto ito ay agad akong lumayo sakanya dahil feel ko mawawalan ako ng hininga at nag a-awkward din ako, hindi ko alam na manyak pala itong si Mr. Ching hindi ito ang unang beses na may nakahalikan ako pero grabe naman makahalik ang lalaking to.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha at bigla kanalang nanghahalik" singhal ko dito pero bigla akong nag blush ng makita ko ang mukha nito naaalala konanaman ang halik niya at nakatitig pa ito sakin.
"Sorry I can't control my self" sagot nito sa mababang boses, di ako naka kibo sa inasal nya, I feel guilty but I think it's not my fault I help him but he kiss me without my permission, 'kala mo naman masarap humalik' sa sobrang inis di ko akalaing nasasabi ko na ang nasa isip ko at di ko namalayang di pa pala na naka alis at narinig niya ang sinabi ko " oh it's not enough for you let's do it again darling" at nag smirk ito and he kissed me again and he leaved me speechless.
(Kung may typo guys sorry and if may wrong grammar or ano pa dyan HAHAHA hope maintindihan niyo kasi ako hindi kona naiintindihan)
YOU ARE READING
Agent Series I: Taming The Grumpy Agent
RomanceZaharrah Shaine Mercado or mas kilalang Harrah, a model and designer, maganda, matalino, at may pagka suplada! Party girl and she has a bitch attitude sometimes. Alexander Ching o kilala bilang Agent X is handsome and rich kaya naman kahit sinong b...
