Chapter XXXI

718 11 0
                                        

Galing sa condo si Zaharrah kasama si Erika at ngayon ay papunta sila sa hospital para magpacheck up. kukuha din siya ng obgyne na nirecommend ni Dr. Castro sa kanya. May ilang gamit siyang iniwan sa condo at dadaanan nalang nila mamaya pagkabalik.

"Baka hindi na ako makasama mamaya pagbalik sa bahay niyo" Biglang wika ni Erika na nasa passenger seat.

"Bakit?" She asked.

"I'm busy at the boutique, sasamahan lang kita magpacheck up" Sagot nito.

"Okay"

Nang makarating sila sa hospital ay nagpark na siya ng dala niyang kotse at agad na pumasok sa loob ng hospital dahil hindi siya komportable sa labas.

"Sandali lang ang bilis mo maglakad" Reklamo ni Erika dahil ang bilis maglakad ng kanyang ma'am.

Napairap si Zaharrah. "Sa ating dalawa parang ikaw yung buntis ang bagal mong maglakad"

"Iwan ko sayo shaine. Tara na nga, baka naghihintay na yung panget na doctor" Natatawang sumunod dito si Zaharrah.

"Excited ka lang makita si Dr. Castro" Pang aasar niya dito. Nakwento kasi ni Erika nong isang araw na dati silang magkasintahan ni Dr. Castro noong college days nila. Kaya pala noong una siyang nagpacheck-up ay nahuli niyang kinindatan ni Dr. Castro ang sekretarya niya slash assistant.

"Never. Over my dead gorgeous body" Erika replied annoyed to her teasing friend.

"Sus bitter mo. Ang gwapo kaya ni Dr. Castro, ang laki pa ng braso tos veiny hand pa, siguro malaki din yung ano niya, mapupunit yang sayo pag pina-'' Biglang siniko ni Erika ang siraulo niyang amo dahil nagiging malaswa na ang lumalabas sa bibig nito.

"Tumigil ka nga ang laswa mo" Saway niya kay Zaharrah.

"Nagsasabi lang ako ng totoo" Depensa ni Zaharrah na may nakakalokong ngiti.

Pagkarating nila sa harapan ng office ni Dr. Castro ay magkasabay na silang pumasok at agad naman sumalubong sakanila ang masungit ngunit gwapo na pagmumukha ng Doctor.

"Good morning doc" Masayang bati ni Zaharrah sa doctor.

"Yeah, Good afternoon" Pilosopong sagot ni Dr. Castro.

"11:40 pa, hindi pa noon"

"Whatever, Mercado" Balewalang sagot nito.

"Erika, mag good morning ka kay doc" Nakangiting baling niya kay Erika na ngayon ay ang sama na ng tingin sa kanya.

"Bat ako mag g-good morning? Hindi ko naman yan teacher" Malditang sagot nito.

"Oo nga Rika.. batiin mo naman ako" Pati si Dr. Castro ay nakisabay sa trip ni Zaharrah na asarin si Erika.

"Sino kaba? Hindi naman kita teacher. And don't call me Rika"

"Ako? I am your most handsome ex." Erika rolled her eyes because of what her ex said, it still hasn't changed, it's still arrogant. "At wag kana magreklamo, hindi ka naman nagrereklamo dati kong tinatawag kitang baby.. I mean Rika" Abot hanggang tenga ang ngiti ni Dr. Castro. He knew the woman was annoyed based on her facial expression.

Gustong magtatalon talon ni Zaharrah dahil para siyang nanonood ng mag ex na nagkabalikan. E kasi naman siya ang kinikilig dahil sa pang-aasar ni Dr. Castro kay Erika.

Erika glared at the two, she just sat on the sofa because it looked like she would go crazy if she focused on these two.

Samantala sa parking lot ay naghihintay si Alexander na lumabas ng hospital sila Zaharrah. Kanina ay papunta siya sa condo ni Zaharrah dahil nagbabakasakaling makita niya ang babae at hindi nga siya nagkamali, nakita niya ang dalaga ngunit palabas ito ng building kasama ang assistant nito kaya napagdesisyonan niya na sundan ang dalawa hanggang makarating siya sa hospital na hinintuan ng dalawa. Hindi niya alam kung bakit na sa hospital ang mga ito.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now