Chapter XVIII

752 9 0
                                        

Nakahiga si harrah sa sofa at tanging malaking damit at panty lang ang suot habang iniisip kung bakit siya napunta sa room ni Alexander kagabi.

Maya-maya pa ay bumangon ito para buksan ang pinto ng marinig na may kumakatok, sa pag-aakalang ang kanyang assistant ang kumakatok ay hindi na ito nagsuot ng short at bra.

"Ano nanaman ba kailangan mo Erika?" She asked the person in front of her irritably. Pero agad napaawang ang kanyang labi ng makita kung sino ang taong nasa harap niya.

"Mr. Ching- I mean Alex" she said.

"Yes, it's me" Alexander answered while looking at her, mukhang bagong gising lang ang lalaki dahil mas lalong naging singkit ang singkit din nitong mga mata.

"Uhmm what do you need?" Pagtatakang tanong nito sa lalaki.

"You said earlier before you leave my room that you wanted to know why-'

"Explain" agad na sabi ni Zaharrah at hindi na ito pinatapos mag-salita.

"Before I explain, ganyan ba talaga suot mo kapag tumatanggap ng bisita?" Alexander asked her. Kaya napatingin ito sa kanyang damit at doon lang niya naalala na naka damit at panty lang pala siya ang masaklap pa ay wala siyang bra. Biglang nahiya si Zaharrah at agad na tumakbo ng walang pasabi-sabi papunta sa kanyang kwarto, alam niyang nagba-blush siya ngayon dahil nararamdaman niyang ang init ng kanyang pisnge.

Samantalang si Alexander ay napangisi ng makita ang reaksyon ng babae, marunong din pala itong mahiya?, tanong niya sa sarili.

Zaharrah

Nakikipag-usap ako sa unggoy na lalaki ngayon at nalaman ko na sa subrang kalasingan ko kagabi ay nahiga ako malapit sa comfort room ng bar at ayaw naman daw niya akong pabayaan lang doon dahil baka makonsensya siya kaya ini-uwi niya ako sa hotel kong saan parehas kami naka check-in, aba marunong din pala siya makonsensya?.

About naman kung bakit sa kwarto niya ako natulog at bakit may nangyari saamin ay dahil hindi niya daw mabuksan ang pinto ng room ko at lasing din siya kagabi kaya tinamaan ng init nong makita akong maghubad, hindi ko na maitatanggi yun pag lasing talaga ako madali ako mainitan kaya minsan nagtanggal ako ng suot paglasing. Tuwing maglalasing ako ay sa condo lang ako nags-stay dahil alam kong iba ako paglasing at kong pupunta naman ng bar ay kailangan may kasama ako. Habang nagsasalita siya ay hindi ako makatingin ng diresto sakanya dahil naaalala ko kahihiyan na nagawa ko kanina, model ako at sanay na akong maraming tao ang nakakakita ng katawan ko pero bakit pagdating sa lalaki nato nahihiya ako. Mas lalong nagpahiya pa saakin ay ang kinukwento niya na ginawa ko kagabi.

"Hey, are you listening?" He suddenly asked me nang mapansin nito sigurong hindi ako nakafucos sa sinasabi niya.

"Huh?, A-ah yes, im listening" hindi siguradong sagot ko.

"No, you're not. Look, I know I'm handsome but stop fantasizing about me" Mayabang nitong sabi sa akin.

Para namang napantig ang tenga ko sa sinabi niya, what did he say? I'm fantasizing about him?. God hindi ko alam na hindi lang pala masungit ang lalaking to may taglay din palang kayabangan. Such a arrogant.

"Hell, No." I answered him with an annoyed tone.

"Are you sure?" Tanong nito.

"Absolutely yes" I answered without hesitation.

Tumayo naman ito at unti-unting lumapit saakin. Nang makalapit ito ay bigla itong yumoko at nilapit ang mukha sa akin, nakaupo ako kaya hindi ako maka atras. Bigla nitong hinawakan ang aking mukha at hinaplos ang aking pisnge, he smiled, he smiled genuinely at me and at the same time my heart was beating fast and I'm not stupid not to know what it means to me. Natulala ako dahil hindi ma process ng utak ko ang nakita ko, agad din nawala ang kanyang ngiti at napalitan ito ng seryoso niyang mukha pero ang puso ko ay hindi pa rin humihinto sa pag-pintig ng mabilis, alam ko, alam ko ang ibig sabihin nito pero hindi ko hahayaang mangyari yun.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz