Chapter VIII

964 9 0
                                        

Xander POV

Nang matapos ang shoot ng mga model ay dali dali na akong umalis ng mall dahil tinawagan ako ni boss pinapapapunta niya ako sa headquarter para pag usapan ang susunod kong misyon na dapat ay kay Agent C ito naka assign pero hindi pa siya natatapos sa kanyang misyon kaya saakin naipasa.

Halos isang oras din ang tinagal bago ako makarating sa headquarter kaya agad na akong pumasok may ilang mga Agent pa akong nadadaanan at mukhang busy ang ito, nang nasa harap na ako nang office ni boss ay kumatok na ako maya-maya pa ay may narinig na akong nagsalita ng 'come in' sa loob at alam kung si boss iyon kaya binuksan ko na ang pinto ng office ni boss pagpasok ko ay nakita kong may tinitignan siyang folder kaya kumunot ang noo ko dahil mukhang napaka fucos niya doon at hindi man lang ako tinapunan ng tingin,

"Boss" tawag pansin ko saaking boss kaya nag angat ito ng tingin pero seryoso padin ang mukha ng tumingin saakin.

"Here, yan ang bago mong magiging misyon" sabi niya saakin sabay abot ng folder na hawak niya kanina, agad konaman itong kinuha mula sakanya,

"buksan mo" utos ni boss saakin kaya binuksan kona ito, pagbukas ko ay agad kong binasa ang laman ng folder, Armando Solomon ang pangalan ng aking next target base dito sa nakasulat sa folder ay isa itong negosyante pero nagbebenta ng drugs at pati mga babae, may pag mamay ari itong bar at doon nagaganap ang bentahan ng mga drugs pati pagbenta sa mga babae na nakukuha nila, inilipat kopa sa next page ng folder at nakita kong ang larawan ng isang lalaki na may edad nadin pero hindi mo mapagkakaila na may iba itong lahi dahil sa kanyang itsura.

"where can i find him?" Tanong ko sa aking boss.

"Paris" maikiling sagot niya "makikita mo din diyan sa folder kung saan banda sa paris ang bar na pagmamay ari niya" dagdag niya pa.

"Kailan ako pwede lumipad papuntang Paris?" Tanong ko.

"Maybe next day, but don't worry may tatlong araw kapa para magpahinga bago pumunta ng paris sa ngayon ay pag aralan mo muna yan" turo niya sa folder na hawak ko.

"Okay" maikiling sagot ko at agad nang nagpaalam para lumabas.

Nang maka labas ako sa aming headquarter ay agad na akong sumakay sa aking sasakyan at pinatakbo ito siguro ay magba bar muna ako dahil matagal tagal narin ang huling punta ko dito ang huli ay nong last na misyon ko.

Zaharrah POV

Napagdesisyonan namin ni janell na sa condo konalang kami dumiretso dahil mag gagabi nadin, magluluto nalang siguro kami para sa dinner namin.

Nakarating kami sa condo ko nang 6:40 dahil may dinaanan pa kaming shop, pagkapasok sa loob ng condo ay agad akong naupo sa sofa at inaalis ang heels ganon din si janell, pumasok ako sa aking kwarto para mag palit at mag hilamos nadin para maalis ang make up ko pagkatapos kung mag hilamos ay pumunta na ako sa aking closet isang cotton pajama lang ang aking kinuha at isang crop top na t-shirt, pag labas sa kwarto ay nakita ko naman si janell na nakapagpalit na dahil may ilang damit naman siya dito sa aking condo at mukhang nag aayos na ito ng ingredients ng aming lulutuin na pang dinner.
"Hey" pagtawag ko kay janell nang makalapit ako sakanya.

"Help me to finish it quickly because I'm hungry" pagrereklamo niya saakin kaya tinulungan konalang ito sa kanyang ginagawa dahil pati ako ay nagugutom nadin.

Nang matapos kami magluto ng dinner ay agad na namin ito dinala sa table para kumain narin, habang may subo subo akong pasta ay bigla kung naalala na pupunta pa pala ako ng Paris sa susunod na araw dahil may business meeting at may shoot din ako sa isang clothing brand doon siguro ay makikipag kita nalang ako bukas kay Zarrah para sabihin na pupunta akong Paris, kahit mas ate ako kay Zarrah ay kailangan ko padin magpaalam sakanya dahil ayaw nitong may pupuntahan kaming malayong lugar na hindi niya nalalaman iwan koba sa kapatid ko masyadong overprotective.

"Huy tulala ka" tawag pansin saakin ni janell kaya nabaling ang tingin ko dito.

"Wala iniisip ko lang na pupunta pa pala ako sa Paris nextday" sagot ko rito

"Nakapag paalam kana ba kay Zarrah?" tanong niya saakin, alam nitong kaibigan kona pag may pupuntahan akong outside the country ay kailangan ko pang magpaalam sa ang aking kapatid.

"Hindi pa, pupuntahan konalang siguro siya bukas para magpaalam" sagot ko.

"Buti naman gosh napaka strict talaga niyang kapatid mo for pete's sake 26 years old kana at Ikaw ang ate sainyong dalawa pero Ikaw pa ang kailangan magpaalam" sabi ni janell saakin kaya natawa nalang ako dahil totoo naman ang kanyang sinabi.

"Pero sa bagay kung ako banaman ang may kapatid na magaling gumamit ng baril at mambali ng boto ay mapapasunod talaga ako" dagdag pa niya kaya napailing nalang ako hindi naman talaga ako sumusunod kay Zarrah dahil magaling ito sa baril o magaling ito sa combat fighting pero dahil magkapatid kami at nakasanayan kona din na magpaalam sakanya pag may pupuntahan sa Ibang bansa, minsan nga mas nagmumukha pang mas matanda saakin si Zarrah dahil mas matured ito mag isip kesa saakin at palagi din seryoso ang aking mahal na kapatid.

Nang matapos kami kumain ay niligpit na namin ito ako nalang ang naghugas ng plato dahil pag si janell ang paghuhugasin ko ay baka mabasag pa lahat ng plato dito condo ko dahil hindi ito marunong kung paano ang tamang paghuhugas ng plato pero sa bagay hindi ko ito masisisi dahil lumaking mayaman kaya kahit ganitong simpleng gawain lang ay hindi alam buti nalang at marunong ito magluto dahil pangarap nito maging chief dati nong nasa college pa kami hindi kolang alam kung bakit bigla nalang ito naging model, pinag ligpit konalang ito ng mga kalat namin kanina at pinaayos konadin ang binili naming pagkain sa isang cake shop kanina para may magawa naman ito.

Ilang minuto lang ay natapos na ako sa aking ginagawa ay naupo muna ako sa sofa para magpahinga ng kunti mamaya ay matutulog nadin ako dahil nakakaramdam nadin ako ng pagod.

Ilang sandali pa ay pumasok narin ako sa aking kwarto para maligo dahil nalalagkitan na ako sa aking katawan si janell naman ay pumasok nadin ito sa isang kwarto dito sa condo ko dahil inaantok narin daw ito, nang makapasok ako sa banyo ay agad na akong naghubad ng lahat ng saplot at humarap sa shower para maligo.

Hindi naman nagtagal ay natapos nadin ako sa pagligo kaya lumabas na ako sa banyo ng naka roba at agad akong nag blower ng buhok para matuyo, nang alam kong hindi na basa ang aking buhok ay pumunta na ako sa aking closet para kumuha ng nighties na masusuot hindi narin ako nagsuot ng bra dahil hindi ako komportable magsuot pag matutulog ako, nahiga na ako sa aking kama ng matapos kong maglagay ng ilang skincare saaking mukha minsan lang ako maglagay nito pag hindi ako tinatamad.

Pinatay kona rin ang ilaw at lampshade dito sa aking kwarto kaya tanging ilaw nalang sa labas ng building ang nagbibigay liwanag dito sa aking kwarto hindi ko naayos ang kurtina ng kwarto ko kaya nakikita ko ang labas nang building pero ayos lang ito saakin dahil nagagandahan din ako sa tanawin pag gabi.

Hindi kona namalayan sa aking pagkatitig sa ilaw sa labas ay unti unti na akong linamon ng antok kaya tuluyan na akong nakatulog.

Xander POV

Kanina na ako dito sa bar at gusto konadin umuwi dahil naiirita ako sa mga babaeng lumalapit saakin wala ako sa mood ngayon kaya hindi ako nagkakainteres sa babae siguro ay dahil sa pagod.

Tumayo na ako at lumabas na sa bar naka ilang baso na ako ng alak kaya may kaunting tama nadin ito saakin pero kaya kopanamang umuwi at mag drive, nang makasakay ako sa sasakyan ko ay pinaharurot kona ito pauwi sa aking bahay may sarili akong bahay pero minsan lang ako umuwi dito dahil madalas ako sa condo ko umuuwi.

Kalahating oras lang ay nakarating nadin ako sa bahay dahil hindi naman ito gaanong kalayo, pagpasok ko sa loob ay pinailaw ko muna ang sala bago dumiretso sa kusina at naghanap ng alak parang gusto ko ulit uminom ng alak kaya naghanap nalang ako sa kusina, nang makakuha ako ng alak ay dumiretso na ako sa kwarto ko, pagpasok ay naupo ako sa sofa at nilagay sa center table ang alak na daladala ko binuksan kona ito at tuloy tuloy na nilagok.

Naka ilang bote pa ako nang alak ng maramdaman kung unti unti ng nanlalabo ang paningin ko kaya lumapit na ako sa aking kama at doon na nahiga tinanggal ko lang ang lahat ng saplot ko at tanging boxer lang ang natira hindi na ako nag abala na maligo pa dahil sa subrang antok at dala nadin ng kalasingan.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now