Mamaya pa ay nakarating kami sa school ng bunso naming kapatid, magkaiba yung dalawa kong kapatid ng pinapasukan na university dahil dikorin alam sa trip nilang dalawa mga aso't pusa talaga, dalawang kapatid konalang ang nag aaral dahil tapos na kami ni Zarrah sa pag aaral na yan.
Si Zarrah ay isang agent pero mechanical engineering ang natapos niyang kurso, hindi ko alam bakit mas gusto niya ng action na buhay, kala ko dati susunod din siya sa yapak ko bilang model pero mali dahil mas pinili niya ang delikadong trabaho, kahit ayaw ko ay wala akong magagawa dahil siya ang may gusto non. My sister is stubborn kung may gusto siyang isang bagay walang makakapigil sakanya gawin o kunin yun.
"Baby bunso" tawag ko sa bunso naming kapatid as usual naka poker face ito habang naglalakad papunta samin tsk magkaugali talaga sila ni Zarrah parehong tahimik while kami ni Zina ay hyper hahaha nagmana kami kay daddy ng ugali habang yung dalawa naman ay kay Mommy, palaging tahimik si Mommy at the same time matalino at maganda din buti nalang namana namin lahat yung ganda at talino except lang sa ugali.
"Ate how many times do I have to tell you to stop calling me baby?" Iritang tanong sakin ng kapatid kong lalaki, nag iisang lalaki lang at siya ang bunsong kapatid namin.
"Huy Zion Kyle Mercado fyi 17 kapalang kaya pwede pa kitang tawaging baby saka baby kani ate my baby bunso" paglalambing na sabi ko sakanya, napabuntong hininga nalang siya at sumakay nalang sa kotse, magkatabi sila ni zina sa backseat habang ako naman ay katabi ko ang alien kong kapatid na nagdadrive, ang bilis magpatakbo ng sasakyan kala mo may siyam na buhay.
Bigla akong may napansin na bag sa tabi inuupuan ko kaya binuksan ko ito para makita ang laman, nong nabuksan kona ay halos malaglag ang panga ko.
"Zarrah Shawn Mercado ano to?" Sigaw ko sa kapatid ko.
"Granada" simpleng sagot niya sakin na kala mo ay simpleng bagay lang ang granada, for pete's sake pag natanggal ang pin nito tigok kaming lahat, marunong naman ako gumamit ng baril dahil tinuruan ako ni Zarrah pero magkaiba ang granada sa baril.
"Are you kidding me? Seryoso ha nagdala kanang granada dito pag natanggal pin niyan patay tayong lahat"
"Hindi tayo mamamatay pag hindi mo tatanggalin ang pin" sagot niya sakin. Nababaliw na talaga ang babaeng to.
Yung kapatid konaman sa likod ay tatawa tawa lang tsk pag uuntogin ko sila e.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay, una na kaming bumaba dahil ipapark pa ni Zarrah ang kotse.
Pagpasok namin ay dumiretso agad kami sa kusina para hanapin si tita at hindi nga ako nagkamali nandon siya nagluluto habang pakanta kanta pa kaya bigla kaming nagkatinginan ng mga kapatid ko, may nakita kaming takip ng kaldero agad ito kinuha ni Zina, nakatalikod samin si tita kaya hindi pa niya kami napapansin busy din ito sa ginagawa niya, nang makuha na ni Zina ang kaldero ay bigla niya itong hinulog sa sahig.
"HAHAHAHAHHAHAHAHHAHA" sabay naming tawa.
"Ay jusko po" sigaw ni tita habang kami naman ay mamamatay na katatawa, biglang humarap samin si tita at kita mo sa mukha niya ang inis at pagkagulat.
"Kayong mga bata kayo balak niyo ba akong patayin ha? Gusto niyo na agad ako sumunod sa papa niyo sa langit" singhal niya samin habang kami ay nagpipigil ng tawa dahil sa itsura ni tita.
Bigla nalang itong yumuko at kinuha ang tsinelas niya kaya dali dali kaming tumakbo "wahh mommy sorry na" sigaw ng kapatid ko habang ako ay diresto lang kakatakbo ayaw kong mapalo ng tsinelas ni tita no.
Nakasalubong konaman si Zarrah na papunta sa kusina habang iiling iling lang, sanay na kami sa ganto minsan pinagtitripan namin si tita pag kompleto kami. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko masyado akong napagod ngayong araw bababa nalang ako mamaya pagkakain na, bago tuluyang makapasok sa kwarto narinig ko pa si tita na sumigaw.
"Wag kayong magpapakita saakin mga bata kayo ha" sigaw niya kala mo naman matitiis kami e lambing lang katapat ni tita.
Naghubad na ako ng mga damit ko at pumunta na sa cr para maligo, binilisan kona ang pagligo dahil medyo inaantok narin ako, nang matapos ako ay kumuha na ako ng tuwalya at lumabas na sa cr dumiretso narin ako sa closet ko at kumuha ng damit at pajama lang.
Agad na akong nahiga sa kama nang matapos ako mag blower hindi kona sinuklay bahala na si batman sa buhok ko, pagpikit ko ay hinila na agad ako ng antok dahil siguro sa pagod.
Nagising ako at 6:40pm na pala subra 2 hours din ang tulog ko, agad na akong bumangon sa kama at pumunta sa cr para maghilamos pagkatapos ay bumaba na ako dahil nagugutom narin ako nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na ang dalawa kong kapatid sa sala nakaupo silang dalawa sa sofa siguro ay nagtatalo nanaman ang dalawang to kaya agad akong lumapit sakanila.
"Where is tita?" tanong ko sakanilang dalawa.
"Nasa kusina" sagot ni Zina saakin kaya agad akong pumunta sa kusina at nakita ko don si tita na nag aayos na ng makakain sa table siguro kakain narin, pagkalapit ko sa sakanya ay niyakap ko siya sa likod medyo nagulat pa siya pero kalaunan ay ngumiti at hinaplos din ang buhok ko .
"I miss you tita" paglalambing na sabi ko sakanya.
"I miss you too darling" sagot ni tita sakin.
"I'm hungry tita" sabi ko sakanya kaya natawa lang ito.
"Osya tawagin mo na yung mga kapatid mo kakain na tayo" sabi sakin nito.
"Yes tita"
"Uy kayong dalawa kakain na" sabi ko sa dalawang kapatid kona nasa sala.
"pakitawag narin si Zarrah zarrah sa kwarto niya" dagdag na sabi ko.
"Okay" sagot saakin ni Zina.
YOU ARE READING
Agent Series I: Taming The Grumpy Agent
RomanceZaharrah Shaine Mercado or mas kilalang Harrah, a model and designer, maganda, matalino, at may pagka suplada! Party girl and she has a bitch attitude sometimes. Alexander Ching o kilala bilang Agent X is handsome and rich kaya naman kahit sinong b...
