c. thirty two

20 3 2
                                    

[ ysha choi ]

dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at kumurap ng ilang beses. i roamed my eyes around the room at nakita si wonwoo na nakatungo at natutulog sa tabi ng kama at si seungcheol naman na nakahiga sa sofa na mukhang tulog din. anong oras na ba?

nilipat ko ang tingin sa orasang nakasabit sa pader at nakitang alas-nuebe na ng gabi. ilang araw na naman ba akong tulog? or should i say.. ilang araw na naman akong namatay? i rolled my eyes nang maisip 'yon. pero agad din itong nanlaki nang ma-alala ang dahilan.

tama! nalaman ko na ang dapat kong malaman. nakita ko na ang dapat kong makita.

alam ko na kung nasaan ang katawan ko..

"ysha!" gulat na sigaw ni wonwoo nang magising siya at nakita akong tinatanggal ang suwero na nakakabit sa kamay ko. hindi ko siya pinansin at nagmamadaling tumayo.

kailangan kong makasiguro. pupuntahan ko ang katawan ko.

as i was about to get a hold of the door knob, may isang kamay ang humawak sa braso ko at pinigilan ako.

"what do you think you're doing? at saan ka pupunta? kakagising mo lang!" tinignan ko si seungcheol sa mata at inilingan.

"let me go. may kailangan akong puntahan at importante 'to, seungcheol." i said with finality at kumalas sa hawak niya. tuluyan na akong nakalabas at tumakbo sa hallway. naramdaman ko pang may natulo sa kamay ko. tinignan ko naman ito at nakitang nagdudugo ang likod ng palad ko kung saan ko tinanggal ang suwero. i hissed in annoyance at pinunas na lang ito sa gown na suot ko.

rinig ko namang sinusundan ako nung dalawa but wala akong pakialam. i need to see my body.

nang makarating ako sa tapat ng isang pinto ay huminto ako at hinabol ang aking hininga.

vip ward 603

ito 'yung number na nakita ko. hindi ako puwedeng magkamali.

"baby, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni wonwoo nang makalapit sila. tinapunan ko naman ng tingin si cheol na seryoso lang ang tingin sa akin. hindi na ako sumagot at binalik ang tingin sa pinto. humugot muna ako ng malamin na hininga bago kumatok. ilang segundo lang din ay bumukas na ang pinto at iniluwa no'n si soonyoung.

"ysha? anong gina— teka, gising ka na?!" gulat niyang tanong at nilipat ang tingin sa dalawang tao na nasa likod ko.

"huh? bakit nandito kayo? 'di ba dapat binabantayan niyo si ysha—"

"may i come in?" putol ko sa sinasabi niya. that's so rude of me, i'm sorry but i have an important thing to do.

"o-oh.. okay? yeah, pasok kayo.." naguguluhang sagot nito. hindi ko na siya pinansin at nilagpasan na lang.

"hyung, anong meron? bakit nandito kayo? kakagising lang ni ysha, 'di ba?" sunod-sunod na tanong niya pa. wala naman akong narinig na sagot mula sa dalawa kaya isinawalang-bahala ko na.

nang matanaw ko na ang hospital bed ay bigla akong kinabahan. napalunok ako at dahan-dahang lumapit. tulad nung nakita ko, maraming tubo ang nakakabit sa kaniya. nang makalapit ako sa mismong tabi niya ay doon ko mismo nakita ang mukha niya.

hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maiyak at mapaluhod.

this is real.. ito na talaga ang katawan ko..

———

[ third person's ]

pinapanood lang ng tatlo si ysha na lumapit sa natutulog na si jiwoo. pare-parehas silang naguguluhan at hinihintay ang susunod na mangyayari.

lost • svtOn viuen les histories. Descobreix ara