c. thirty one

17 7 11
                                    

[ ysha choi ]

nagising ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha. i covered my eyes and shifted to another position. lilipat na sana ako sa kabilang bahagi ng kama kung saan hindi abot ng sinag ng araw ngunit agad akong napadilat nang may tumunog na alarm. what the fuck?! i groaned in annoyance and opened my eyes.

wala akong matandaan na nag-set ako ng alarm kagabi.

napa-upo na lang ako sa kama at bumuntong-hininga. kinuha ko ang phone sa bedside table at tsaka ito pinatay. panira ng tulog amputa. mamaya pa namang tanghali ang schedule ko, eh, ang aga-aga pa. kakasikat pa nga lang ng araw. sino ba ang putanginang nag-set ng alarm?! napairap na lang ako sa kawalan dahil sa pagka-irita. i glanced at my phone at titignan sana ang oras pero naagaw ng pansin ko ang wallpaper. sinigurado ko munang phone ko 'to but hindi, hindi ito akin. hindi ito 'yung phone ni ysha na ginagamit ko.

kanino 'to? at bakit iba ang wallpaper?! paano nangyari 'to?

agad naman akong lumingon sa pintuan nang may kumatok. bumukas ito at pumasok ang isang tao na hindi ko ine-expect na nandito. hindi ba, umuwi na sila kagabi? so, anong ginagawa niya rito?

"hey, babe. good morning! i already prepared our breakfast. come on, let's eat. may script reading ka pa mamaya,"

i frowned upon hearing what he says. and babe?! how come he's here and started calling me that?!

"babe?" i trailed off. panaginip pa ba 'to?

"yes?" he answered. i scoffed at tinignan siya nang nagtataka.

"why are you calling me with that endearment? and what are you doing here in my condo? 'di ba bumalik na kayo sa dorm niyo kagabi?" sunud-sunod kong tanong. siya naman ngayon ang tumingin sa akin nang nagtataka. he tilted his head and frowned.

"babe, are you okay? you're here in our house, tsaka anong condo? you don't have a condo. you're living with your mom. tsaka magkasama lang tayo kagabi,"

what?!

"the fuck you're saying? we were in my condo last night. magkakasama tayo nila jeonghan dahil hindi natin mahanap si seungcheol!" i can't believe it. is this a prank? it ain't funny.

"hey, babe. no cussing," he sighed. "nakalimutan mo ba ang nangyari?"

"stop calling me that, joshua. i have a boyfriend,"

"and that boyfriend of yours is me, ysha. i'm your boyfriend. what's happening to you?" pagpupumilit niya.

"no, you're not my boyfriend. wonwoo is,"

"wonwoo?" tila natigilan siya saglit nang marinig ang pangalang binanggit ko.

"yeah, he's my boyfriend. and you're just my best friend, joshua." para akong binagsakan ng langit nang makita ko ang ekspresyon niya. pero isinawalang-bahala ko 'yon dahil alam kong binibiro niya lang naman ako.

"no, no.. babe, listen to me. i don't know what happened habang natutulog ka but ako, ako 'yung boyfriend mo at hindi si wonwoo." natatawa akong napailing. hindi siya ang boyfriend ni ysha.

"is this a prank? stop it now. you succeeded, paniwalang-paniwala mo ako."

"now, if you'll excuse me, i'll do my routine." paalam ko at tumayo na. dumiretso ako sa banyo at agad na napatigil.

banyo ko ba 'to? i mean, banyo ba 'to ng kwarto ko? it looks different. i shrugged my shoulders at nag-umpisa na lang gawin ang routine ko. after that, lumabas na ako ng banyo at naabutan si joshua na nakaupo sa kama. wait, ngayon ko lang napansin. pati ang design ng kuwarto ay nag-iba. hindi ito ang kuwarto ko!

lost • svtWhere stories live. Discover now