c. twenty four

30 8 5
                                    

[ ysha choi ]

"so, you're telling me na simula noong magising ka sa ospital na walang maalala, hindi na ikaw ang pinsan ko?" tanong ni seungcheol kaya tumango ako at sumubo ng ice cream bago sumagot.

"that was the day na akala mo nagpa-prank lang ako," tsaka ko dinuro sa kaniya 'yung kutsara.

"nandoon na nga 'yung point, hindi mo pa napansin." dagdag ko pa at inirapan siya. sumubo na lang ulit ako ng ice cream.

matapos niyang umiyak kanina ay nagpaalam siyang lalabas muna kaya hinayaan ko na lang at kinalma na lang ang sarili ko. mga isang oras din ang lumipas nang bumalik siya na may dala ng mga ice cream. kaya heto kami ngayon, pinaguusapan ang mga nangyari.

naiintindihan ko naman si seungcheol. alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinabi ko pero nagawa niya pa ring intindihin. hindi biro ang pinagdadaanan ko ngayon and to think na hindi pala ang tunay na ysha ang nakakasama nila. pero nagpapasalamat pa rin ako kay seungcheol para roon.

"aba, malay ko ba! ang mahalaga lang naman sa akin noon ay 'yung magising ka. tsaka wala na akong nagawa noong umiyak na si tita," depensa niya at kumagat sa ice cream niya. hindi ba 'to nangingilo?

"and you also said na you dreamt of ysha's past?" tanong niya. he shifted his position at tuluyan nang humarap sa akin. tumango naman ako.

"by any chance, have you seen the reason on why she did that thing?" he asked hoping na may masagot ako. he really emphasized the thing his cousin did to herself. umiling na lang ako sa tanong niya. if ysha didn't tell them na ganoon ang trato sa kaniya ng dati niyang manager, then i won't tell anyone.

"no," tipid kong sagot. he bit his lower lips and nodded.

"anyway, napansin ko rin na iba ang kinikilos mo kumpara sa pinsan ko," pagiiba niya ng topic.

"paano mo nasabi?" tanong ko.

"una, 'yang ugali mo. mahinhin, mabait at malambing si ysha, pero ikaw, kulang na lang mag-anyong tigre ka." tumawa siya pagkasabi niya kaya tinignan ko na lang siya nang masama. so sinasabi niya na masama ugali ko? gago 'to ah.

"ayan oh, see? ganiyan ka!" pangaasar niya.

"whatever. oh, tapos ano pa?" tinaasan ko siya ng kilay para ipagpatuloy niya na lang ang sinasabi niya.

"sunod, 'yung sa mga pagkain na kinakain mo," agad kong tinuon ang tingin sa kaniya sa binanggit niya. interesting. napansin niya rin pala ang tungkol dito.

"una sa lahat, kumain ka ng strawberry without knowing na allergic doon ang may-ari ng katawan mo. and that leads you to the hospital. pangalawa, hindi ka na kumakain ng blueberries gaya ng dati na inaaraw-araw mo. pangatlo, hindi nakain ng patatas si ysha pero ikaw, inagawan mo pa si wonwoo." teka lang, hindi nakain ng patatas si ysha?! kaya pala grabe sila kung makatingin sa akin noon nung kumain ako ng potato marbles na inagaw ko mula kay wonwoo.

"pang-apat, hindi naga-iced coffee si ysha. hot coffee lang siya palagi," oh, that was my favorite. i remember nung dinalhan ko ng coffees ang members niya. i bought iced coffee nga for me and nagtaka pa ako noon kung bakit titig na titig sa akin si wonwoo na parang nagtataka.

"and lastly, hindi nag-iinom ng alak ang pinsan ko," sinamaan niya ako nang tingin. ah, kaya pala ang bilis ko mahilo kahit nakakaisang lata pa lang ako.

"edi sorry, hindi ko naman alam. gusto ko lang naman mawala 'yung stress ko kahit papaano, tsk." inirapan ko siya. pero mas lalo ata akong nastress noong gabing 'yon. hindi niya naman pinansin ang rason ko kaya hinayaan ko na lang.

lost • svtWhere stories live. Discover now