c. two

129 8 0
                                    

tw// mention of k-word, blood and self harm;

[ third person ]

white walls, white ceilings, white pillow and white blanket. all you can see in the four corners of this room was all white.

sa gitna ng kwarto, may isang dalaga ang nakahiga sa kama at natutulog. at may isang middle-aged woman na nakaupo sa tabi niya at binabantayan siya. her mom.

"anak.. gising na.. miss ka na ni mommy.." bulong nito at hinawakan ang kamay ng anak. maya-maya pa ay nagulat ito nang maramdaman niyang gumalaw ang daliri ng kaniyang anak. agad siyang napatayo at tumawag ng doctor.

"anak? ysha?" ngiting tawag niya sa anak nang dahan-dahan itong magmulat ng mata.

———

[ choi ysha ]

dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tinignan ang paligid. puro puti. nadako naman ang paningin ko sa taong humawak ng kamay ko. agad na kumuno't ang noo ko nang hindi ko siya makilala. isang babae, may katandaan pero mukhang bata parin ang itsura.

"ysha, anak ko. gising ka na.. kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya pero hindi ako nakasagot at dahan-dahang umupo. napainda pa ako nang makaramdam ako ng sakit sa parehong pulsuhan ko na may benda.

"ysha, okay ka lang? papunta na 'yung doctor," hindi pa rin ako nakasagot at tinignan lang siya. hindi ko siya kilala. bakit siya nandito? at anong ysha? akma niya sanang hahawakan ang mukha ko pero agad akong umiwas.

"anak.." napalunok ako nang makita kong bigla siyang natigilan sa ginawa ko.

"s-sino po kayo?" pansin ko naman ang panlalaki ng mata niya at napaatras nang bahagya.

"hindi mo 'ko.. kilala?" dahan-dahan akong umiling. ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang doctor pati ang mga nurse at inexamined ako.

"doc.." tawag nung babae sa doctor as she glanced at me bago sila lumabas ng room.

maya-maya ay bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang lalaki. gwapo ito at ang haba ng pilik mata. at tingin ko mas matanda siya sa akin.

tinignan ko lang 'yung bagong dating, mukhang nagulat pa ito nang makita ako at agad niya akong nilapitan.

"ysha! thank god, gising ka na. kumusta ka? okay ka na ba? nagpunta na ba rito 'yung doctor? nasaan si tita?" sunud-sunod niyang tanong. sino ba 'to?

"who are you?" tanong ko but he just glared at me.

"what? i don't know you—"

"yah, choi ysha!" nagulat ako ng bigla niya akong sigawan. ano'ng problema ng taong 'to? nagtatanong lang ako! and why the fuck they're calling me names that i don't even know?

"ysha, wag mo 'kong pinaprank ha," what? prank? seryoso ba siya?!

"hindi nga kita kilala. at anong prank pinagsasabi mo? mukha ba 'kong nagpaprank?" tanong ko na may halong pagkainis. he furrowed his brows at lumayo nang kaunti. sakto naman ang pagbalik nung babae na tinawag akong anak.

lost • svtKde žijí příběhy. Začni objevovat