c. fourteen

73 9 1
                                    

[ choi ysha ]

"alright, that's all for this day. great job, everyone! you may now take a rest," in peace? kidding. it's been a month since we started the shoot. wala namang nagbago bukod sa palagi akong pagod at puyat. expected ko naman na 'yon but hindi pa rin ako sanay.

pinanood ko kung paano magsi-alisan 'yung mga tao rito sa set. karamihan pa sa kanila ay bumati sa akin at nagpaalam. napabuntong-hininga ako nang makitang kaunti na lang ang natira at napag-isipang bumalik na sa dressing room. i wonder kung nandoon na si ate ae. nagpaalam kasi siya sa akin kanina na may dadaanan daw siya saglit. hindi ko naman na naitanong kasi tinawag na agad ako.

naglalakad na ako pabalik sa dressing room ko nang may biglang yumakap sa akin sa likod. sa gulat ko ay agad kong hinawakan ang kamay niya at umikot paharap habang pinipilipit ito. gamit naman ang isa kong kamay, ay agad ko itong inamba sa leeg niya.

"a-aw! h-hey, baby. it's me-" agad ko siyang binitawan nang malaman ko kung sino ito.

"w-wonwoo? anong ginagawa mo rito?" tanong ko at lumingon-lingon sa paligid. nang masigurado kong walang nakatingin ay hinila ko siya papunta sa dressing room ko.

"dinadalaw ka?" patanong niyang sagot. 'di ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa kwarto ay binuksan ko ang pinto at tinulak siya papasok. napansin kong walang ibang tao rito sa loob. wala pa si ate ae? she's supposed to be here by now.

naglakad nalang ako palapit sa mga gamit ko at inisa-isa ko itong ayusin para mamaya aalis nalang.

"i didn't know na may alam ka pala sa defense? you seem so skilled. paano ka natuto?" rinig kong tanong ni wonwoo. duh, mula bata ako i know how to do defenses. i was once a red belter in taekwondo back when i was in highschool but something happened before i even hold the black belt.

"i learned it when i was a kid," walang gana kong sagot. pansin ko ang biglaang pagtahimik ng paligid kaya napalingon ako sa kaniya. he was staring straight at me habang nakasalubong ang magkabilang kilay. pero huli na nang marealized ko ang nasabi ko. putangina.

"you never told me about that as well as seungcheol hyung." i gulped. shit.

"a-ano.. jok-" sasabihin ko pa sana sa kanya na nagbibiro lang ako kaso biglang bumukas ang pinto at pumasok 'yung manager ko.

"oh, wonwoo?" gulat siyang napatingin sa kasama ko.

"hello, manager. dinalaw ko lang po si ysha," bati niya at tinignan ako. nag-iwas naman agad ako ng tingin at tumalikod. pinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng gamit ko habang nag-uusap 'yung dalawa. pagkatapos ay tinignan ko naman ang oras. 11:45pm na.

"wonwoo, may gagawin ka pa ba mamaya?" rinig kong tanong ni ate ae. sinulyapan ko naman silang dalawa.

"ah, wala naman po, manager. why?"

"pwede bang pakihatid na lang muna si ysha sa condo niya? kailangan ko pa kasing pumunta ng building." agad na napaangat ang isa kong kilay sa narinig. what? so si wonwoo na naman makakasama ko pauwi?

"sure po-"

"you don't need to, wonwoo. i can go home by myself." putol ko sa kaniya at kinuha ang bag ko. pero agad din itong nawala sa hawak ko dahil inagaw na pala niya.

lost • svtWhere stories live. Discover now