c. six

102 9 3
                                    

[ choi ysha ]

"ready ka na?" bumuntong hininga muna ako bago tumango. nandito kami ngayon sa parking lot ng building kung saan nagtatrabaho si ysha. kasama ko si seungcheol since ayaw niya raw na pabayaan ako na mag-isa lalo na ngayon at wala akong maalala. baka raw mapaano na naman ako at mapahamak. mhm, sweet.

napapikit ako at napabuntong hininga na naman. maya-maya pa ay binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si cheol na nakatingin. inilahad niya 'yung kamay niya na agad ko namang tinanggap.

"you nervous?" i looked at him and bit my lips. napansin niya siguro na kinakabahan ako. he chuckled and looked at me.

"h'wag kang kabahan, nandito lang ako." nginitian niya ako and lightly squeezed my hand. medyo gumaan naman 'yung loob ko at nginitian siya pabalik.

choi seungcheol, ganito ka ba talaga?

he's sweet and caring. i wonder kung may jowa na ba 'to? and kung kilala ko..

"cheol, do you have a girlfriend?" tanong ko sa kaniya pagkapasok namin sa elevator. agad niya naman akong nilingon at tinitigan.

"no, i don't." i pursed my lips at tumingin sa nakasaradong pintuan.

"boyfriend?" i grinned. i'm just teasing him, okay? lumingon ako sa kaniya na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. nakasalubong ang kaniyang mga kilay at parang nagtatanong kung 'anong kaputanginahan to?' oh, shit..

i cleared my throat and look down my feet. "i.. i-im sorry. inaasar lang kita.." i bit my inside cheeks and mentally cursed myself. tangina naman self, ang insensitive mo.

i heard him chuckled kaya nilingon ko ulit siya.

"y-yah, sorry, kalimutan mo na lang 'yun-"

"yes, i have." nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. wait, what?

"i have a boyfriend,"

"huy, tanga. nagbibiro lang naman ako, sinakyan mo naman. haha," saad ko at tumawa nang pilit. sorry.

"no, that's okay. besides, i'm serious." i blinked a few times and covers my mouth. tangina seryoso talaga siya? putangina. i feel so proud..

"you should know that. kasi ikaw 'yung naging tulay naming dalawa," napaturo ako sa sarili ko at nagtataka. ako? tumango siya at ngumiti.

"bakit ako? eh, hindi ko naman kilala 'yung jowa mo.." i trailed and side eyed him. napatawa naman siya at ginulo 'yung buhok ko. agad ko namang tinabig 'yung kamay niya at sinamaan siya nang tingin.

"right, you don't remember. but kilala mo siya," wait, kilala ko? oh, i have this person in mind pero 'di ko rin sigurado kung siya nga talaga.

ilang segundo at bumukas na 'yung pinto ng elevator. nauna na siyang lumabas kaya sumunod na rin ako.

i know him, huh? hmm.. i smirked.

---

"should i give her an acting lesson?" marahang tanong ng vice president ng company ko- i mean ni ysha- wait, ako na rin naman ang nandito so company ko na rin siguro? ah, basta.

nandito kami ngayon sa office niya, kausap si seungcheol. ako naman ay nakikinig lang sa kanila. cheol told him about what happened to me, na wala nga akong maalala, na pati 'yung mga talent ni ysha, hindi ko na magawa.

tinignan naman ako nung dalawa kaya napayuko ako. acting lesson.. damn.

"yes, sir." sang-ayon ni seungcheol kaya napabuga ako ng hangin. as much as i don't want to attend that lessons, i have to. this is ysha's life, this is her job, so i don't have a choice but to continue what she started.

lost • svtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon