c. twenty three

30 8 8
                                    

tw// mention of k-word and self harm;

[ ysha choi ]

nandito ako ngayon sa may dalampasigan, nakaupo sa buhangin at nakatanaw sa kulay asul na tubig dagat. hindi ko alam kung anong oras na mula nang magising ako rito. ako nga lang yata ang nndito, wala naman akong makitang ibang tao. napabuga na lang ako ng hangin at tumayo na. pinagpagan ko naman ang pang-upo ko at naglakad-lakad. kanina, nang magising ako ay laking gulat ko na lang nung mapansing nasa dagat ako. nakalugay ang mahaba kong buhok na tinatangay ng hangin at nakasuot ng puting bestida. wala rin akong sapin sa paa. hindi ko rin alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito.

"maybe, this is just a dream. or baka napunta na naman ako sa past ni ysha. tsaka, hindi pa naman siguro ako patay para mapunta sa afterlife, 'di ba?" mahina akong napatawa sa nasabi ko. siguro nga panaginip lang 'to o isa na namang nakaraan ni ysha. tumingin ako sa paligid dahil baka may bigla na namang sumulpot. pero agad akong natigilan nang maalala ang nangyari nung gabing tumambay ako sa parke. inatake na naman ako ng sakit sa puso– teka, sakit sa puso? eh, wala namang sakit si ysha. sinabi na sa akin ni seungcheol 'yon noong una pa lang. pero bakit palaging nasakit ang dibdib ko kasabay ng pagkawalan ko ng malay? epekto kaya 'yon sa paggamit ko ng katawan ni ysha? to think na i'm just a lost soul. sigh, isa pa rin 'yung lalaking kumausap sa akin nung gabing 'yon bago ako mawalan ng malay. who is he? and ano 'yung sinabi niyang may alam sya sa katotohanan?

i had a deep breath at tumingin na lang sa kalangitan. specifically, sa haring araw. palubog na ito kaya hindi masyadong masakit sa balat. itinaas ko naman ang kamay ko at umaktong tinatakpan ito gamit ang palad ko. napangiti ako at ibinaba na ito bago magpatuloy sa paglalakad.

"o-ouch," agad akong napatigil sa paglalakad nang may naramdaman akong tumusok sa talampakan ko. i crouched down and look at the thing i stepped on. it's a sea shell. dinampot ko naman ito at pinagmasdan. katamtaman ang liit niya at kulay puti. oh, it's a broken sea shell. no wonder bakit masakit nung naapakan ko. binalik ko na lang ito sa buhangin at tumayo na lang ulit.

"jiji, halika! bilis! tignan mo 'tong mga nakuha ko!" agad na kumunot ang noo ko sa boses na narinig ko. boses 'yon ng isang batang lalaki. lumingon ako sa likuran ko at nakita ang isang pigura ng bata habang may hawak-hawak sa kaniyang palad. agad namang may lumapit sa kaniya na batang babae. naka kulay pink itong dress at naka tali ng dalawang pig tails.

"wow, jiji! ang gaganda! pwede pahawak ako?" paalam nito na ikinatango ng batang lalaki at ibinigay ang mga hawak niyang sea shells sa batang babae.

is this ysha's past?

dahan-dahan akong lumapit sa dalawang bata at huminto sa mismong harapan nila. tinitigan ko ang mukha nilang dalawa nang bigla nalang akong makaramdam ng kaba.

"jiji, iuwi natin ang mga 'to, please! tapos i-display natin!"

"sige, akin na muna. ako na muna ang magtatago," ibinalik naman ng batang babae ang mga shells sa batang lalaki.

"thank you, jiji!" pasasalamat ng batang babae habang nakangiti at patalon-talon.

"welcome. basta ikaw, jiji." nakangiti ring saad ng batang lalaki habang nakatitig sa kasama.

jiji and jiji? sino ang mga batang ito? at bakit familiar sila sa akin?

napapikit ako at napahawak sa pisngi ko. naramdaman ko namang basa ito at napailing na lang nang malaman kong napaluha pala ako.

bakit naman ako naiyak? haha, silly me.

hindi ko na pinanood pa 'yung dalawang bata at tumalikod na lang. pero agad din naman akong napapikit nang sumakit ang tenga ko at tila ba'y nabibingi na ako. ang tanging naririnig ko na lamang ay ang isang mahabang tunog na parang nagmumula sa isang machine.

lost • svtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon