PART 15

4K 339 79
                                    

PART 15

Blaine

"Ayos lang po ba kapag niligawan ko si Blaine?" tanong ni Oswaldo sa kanyang ina na nagpalaglag ng kanyang panga sa pagkabigla. Nasamid pa siya at agad na napakuha ng baso ng tubig at uminom. Nanlalaki ang mga mata at namumula ang mukha niyang tiningnan ang matalik na kaibigan pero sa kanyang ina ito nakatutok, nakangiti pa ito.

"Oo naman, Oswald. Suportado ko iyang si Blaine sa kanyang pagkatao at kung may lalaki man akong gustong manligaw sa anak ko. Ikaw iyon, Oswald." nakangiting tugon ng kanyang ina.

Mas lumapad ang ngiti ni Oswaldo bago siya nilingon at kinindatan. "Pero mukhang hindi ko na nga ata kailangang ligawan si Blaine, tita." nang aasar nitong usal.

"Kapal ng mukha." mahina niya na lang na usal na tinawanan naman ni Oswaldo.

Maging ang kanyang ina ay napatawa na rin. "Kaya nga ligawan mo na para maging kayo na agad. Huwag nang babagal-bagal, Oswald. Baka maunahan ka pa ng iba." makahulugang usal ng kanyang ina.

"Oo nga pala, tita. Ipagpapaalam ko po pala si Blaine sa inyo." pag iiba ni Oswaldo ng usapan habang siya naman ay hindi pa rin makapagsalita sa palitan ng mga ito. "Magde-date po kaming dalawa."

"Hay, naku. Kahit next year pa kayo umuwi. Ayos lang sa akin." natatawang tugon ng kanyang mama na tinawanan rin ni Oswaldo.

"Mama naman." pagsingit niya. "Hindi iyon date, ma. Suhol iyon sa akin ni Oswaldo sa pagre-review ko sa kanya sa mga lesson namin sa school."

"Ano pa man ang tawag sa gagawin niyo, pumapayag ako. Mag ingat lang kayo lagi ah." seryosong usal ng kanyang mama na tinanguan nilang dalawa.

Lihim siyang nagpasalamat nang tumahimik na sila sa buong durasyon ng kanilang pagkain. Pagkatapos niyon ay tinulungan niya muna ang kanyang mama na iligpit ang kanilang mga pinagkainan bago sinamahan si Oswaldo palabas ng kanilang bahay.

"Nabusog ako doon ah. Pakisabi kay tita na salamat, Blaine." nakangiti nitong usal habang nakaupo sa nakatigil nitong motorsiklo. Litaw na litaw ang magaganda at mapuputi nitong ngipin na mas lalong nagpapa-gwapo kay Oswaldo at hindi niya maiwasang mas lalong humanga rito. "At salamat rin sa'yo, Blaine."

"Naku, wala iyon. Lagi rin naman akong nakikikain sa inyo eh. May pa bring home pa nga kung minsan." tugon niya at hindi maiwasang mahawa sa mga ngiti ni Oswaldo.

"Namumula ang pisngi mo. Kinikilig ka sa akin, ano?" pang aalaska nito na mas lalong nagpainit sa kanyang mga pisngi.

"Huwag ka ngang feeling, Oswaldo." pagtanggi niya. "Napangiti lang ako sa pagiging mapagbigay ni tita Ethan. Hindi pwedeng wala akong dala pauwi kapag galing sa inyong bahay."

"Parang hindi ka pa nasanay sa mama ko." komento rin ni Oswaldo.

"Sige na, umuwi ka na at madilim na sa daan."

"Ouch! Pinapaalis mo na agad ako, Blaine? Gusto pa nga kitang makausap." ani Oswaldo at umarte pa itong nasaktan at napahawak sa dibdib. "Grabe ka, Blaine. Wala kang puso."

"Hoy, Oswaldo! Concern lang ako sa'yo." pagklaro niya bago ito inirapan.

Tumawa ito. "Biro lang, Blaine. Sige, mauuna na ako." anito at pinaandar ang motorsiklo.

"Sige, bye. Mag ingat ka."

"Ikaw rin." tugon nito at kinindatan pa siya bago nito pinatakbo ang motorsiklo.

Pinanood niyang makaalis si Oswaldo lulan ng motorsiklo nito. Napabuntong hininga siya nang maiwan siya sa harap ng kanilang bahay na nag iisa. Namumula pa rin ang kanyang mga pisngi at malakas ang kalabog ng dibdib. Sa mga simpleng tagpo na katulad niyon siya mas lalong nahuhulog kay Oswaldo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now