PART 13

6.7K 737 93
                                    

PART 13

Blaine


Ramdam ni Blaine kinabukasan ang kanyang kakulangan sa tulog. Inaantok siya. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa mga palaisipang iniwan sa kanya ni Oswaldo at ginugulo niyon ang kanyang isip. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na umasa, ayaw niyang masaktan sa huli at mas lalong ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan sa pagkakagusto niya rito pero kung minsan ay ginagawa iyong mahirap ng mga kilos ni Oswaldo.

Bago pa man tumunog ang kanyang alarm ay bumangon na siya at pinatay iyon. Tahimik pa sa kanilang buong bahay kung kaya naman napagdesisyunan niyang maghanda na para sa pagpasok sa eskwelahan. Matapos maayos ang kanyang bag ay kinuha niya ang iPad na ipinahiram sa kanya ni Oswaldo at binuksan ang data. Nagbasa muna siya ng ilang notes na kailangan niya para sa klase. Nakagawian niya na talaga iyon para ma-maintain niya ang academic scholarship sa kanilang school at salamat kay Oswaldo at sa iPad nito at mas napadali ang kanyang pag aaral.

Matapos magbasa ay doon na siya tumingin sa kanyang Facebook. May ilang mga messages siyang natanggap mula sa iba't-ibang organization at club niyang sinalihan at sinagot nya lang ang mga importante pero ang pinaka-umagaw sa kanyang atensyon ang chat sa kanya ni Oswaldo. Simpleng "Blaine?" lamang iyon pero hating gabi na nang mag chat ito. Wala siyang ideya kung anong itatanong nito at sa ganoong oras pa. Nagtataka nga rin siya at gising pa ito nang mga oras na iyon.

Hindi na niya ito ni reply-an dahil magkikita rin naman sila nito.

Pag labas niya sa kanyang kwarto ay gising na ang kanyang mama at naghahanda na ng kanyang almusal. Binati niya ito at kalaunan ay sabay silang nag almusal, matapos iyon ay naligo at nagbihis na siya. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Oswaldo nang marinig niya ang pagbusina nito sa harap ng kanilang bahay.

"Lalabas na." sigaw niya. Nagpaalam muna siya sa kanyang ina bago lumabas at bumungad sa kanya ang nakangiting si Oswaldo na nakasakay sa motor nito at kinindatan pa siya. Mabilis na nag init ang kanyang pisngi sa kilig. Uniporme lang nila sa school ang suot nito pero ubod na ito ng gwapo para sa kanyang paningin.

"Good morning, Blaine." bati nito na para hindi siya pinuyat sa pag iisip sa mga kilos at salita nito kagabi.

"Good morning rin." simple niyang tugon.

"May sakit ka?" tanong nito at mabilis na napalitan ng pag aalala ang ngiti sa gwapo nitong mukha. "Mukhang matamlay ka."

Umiling siya at nginitian ito. "Inaantok lang ako."

Tumango-tango naman ito pero halatang hindi pa rin naniniwala sa kanya kaya naman kinapa nito ang kanyang noo at leeg. "Sakay na, Blaine." anito bago tumingin sa relo nito.

Sumampa na siya sa likod ng motor nito at isinuot ang helmet bago yumakap sa likod ng kaibigan. Gusto niyang umidlip habang nakayakap sa malapad nitong likod at dinadama ang mainit nitong katawan pero pinigilan niya ang sarili.

"Okay na?"

"Oo."

Pinatakbo na nito ang motorsiklo pero nagtaka siya nang hindi nila tinahak ang daan papunta sa kanilang eskwelahan.

"Hoy Oswaldo, saan tayo pupunta?" handa naman siyang samahan ito kung balak nitong lumiban sa klase pero ang gusto niya ay mabigyang abiso muna kung saan siya nito dadalhin.

"Akong bahala. Saglit lang tayo. Promise hindi tayo male-late." tugon nito.

Nagtiwala na lamang siya sa kaibigan at hindi rin nagtagal ay tumigil sila sa harap ng isang coffee shop. Napangiti siya at lihim na hinayaan ang sarili na kiligin. Isa iyon sa mga napakaraming rason kung bakit siya nagkagusto kay Oswaldo. Napaka-maaalahanin nito.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now