PART 9

7.1K 584 183
                                    

PART 9

Blaine

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Ikaw ang pinaka matalik kong kaibigan at ayokong may kahati sa'yo o sa atensyon mo." seryoso nitong usal. Dama niyang galit pa rin ito ngunit hindi sa kanya. "Hindi ba't magiging manager pa kita? Na lagi kang nasa tabi ko sa bawat yapak na gagawin ko sa pag abot niyon."

Mataman itong nakatitig sa kanya. Gusto niyang mag iwas ng tingin ngunit hindi niya magawa kaya hinahayaan niya na lamang na mawala sa kulay-kape nitong mga mata. Bumuntong hininga siya. "Gagawin ko naman iyon eh at hindi ko babaliin ang pangakong iyon."

Lumambot ang ekspresyon nito at may mumunting ngiti na pumorma sa mga labi nito. "Eh bakit inuna mo si Jester kesa sa akin? May gusto ka ba sa kanya, Blaine?"

Halos malaglag ang kanyang panga sa sahig sa kawalang-paniwala. May gusto kay Jester? Eh kaya niya nga inuna ang lalaki ay dahil ayaw niyang isiping ng mga kaibigan nito na may gusto siya kay Oswaldo. Atsaka hindi rin siya makapaniwala na nag amok ito dahil doon. Napailing siya sa kanyang isip.

Teka, nag seselos ba ito? Muli siyang napailing. Sigurado siyang hindi lamang ito sanay na may kahati sa mga bagay lalong-lalo na sa pagkakaibigan nila dahil simula pa man noon, laging silang dalawa na ang sanggang dikit.

"Wala akong gusto kay Jester."

"Dapat lang." tugon nito at tuluyan nang ngumiti. "Ipangako mong ako lang lagi ang uunahin mo, Blaine. Na sa akin lang ang atensyon mo."

Tumango siya. Gusto niya ring hingin ang katulad na bagay mula sa kanyang kaibigan. Gusto niya ito pangakuin na siya lang rin ang lagi nitong uunahin at sa kanya lang ang atensyon nito pero wala siyang lakas ng loob kaya itinikom na lamang niya ang bibig.

"Pasensya ka na, Blaine."

"Para saan naman?"

"Na nagselos ako. Akala ko kasi may magiging kahati na ako sa pinakamatalik kong kaibigan. Hindi ko pala kaya na may kahati sa'yo." buong tapat nitong usal.

Yumuko siya para itago ang pag iinit ng kanyang pisngi. Napakagat labi rin siya upang pigilin ang pag ngiti. Kinikilig siya. Natutuwa siyang malaman na ayaw nito na may kahati sa kanya. Hindi man iyon sa romantikong paraan, kinikilig pa rin siya sa mapang-angkin nitong katangian pagdating sa kanya.

"Baliw. Kaya naman pala bigla ka na lang nag amok kanina at hindi kumibo."

Napatawa ito. Natatawa na rin sa mga kabaliwan nito. "Nagugutom pa tuloy ako ngayon. Dapat pala inagaw ko kay Jester iyong ibinigay mong barbecue."

Napailing na lang rin siya at napatawa. "May cup noodles tayong dala at may mainit pa sa thermos. Sandali at kukunin ko para makakain ka." aniya at agad na inabot ang lalagyan ng kanilang pagkain at inihanda ang instant noodles. Matapos malagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay tinakpan niya iyon at sandaling itinabi. Matapos ang ilang minuto ay inabot na niya ito kay Oswaldo kasama ang isang tinidor.

"Maraming salamat, Blaine." nakangiti nitong ani. Sandaling nagdikit ang kanilang mga kamay pero may mumunting boltahe ng kuryente ang dumaloy doon mula kay Oswaldo patungo sa kanya. "Tabihan mo na ako dito."

Iyon ang kanyang ginawa. Gumapang siya patungo sa kanyang higaan at naupo kaharap ito. "Ikaw na lang ang magtabi niyang pinagkainan mo pagkatapos."

"Huwag kang mag alala, ako na ang bahala. Salamat ulit, Blaine." anito at kumain. Habang ngumunguya ay muli nitong ibinalik ang tinidor sa cup na hawak at inikot-ikot iyon. Nang makakuha ito ng noodles ay inihipan muna nito iyon bago inalok sa kanya. "Ah..." pagpapabuka nito ng kanyang bibig.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now