PART 7

8K 641 138
                                    

PART 7

Blaine

LUNES. Tama nga ang ibinahagi sa kanya ni Oswaldo dahil nag anunsyo na ang kanilang homeroom adviser patungkol sa kanilang taunang school-wide camping at namigay na rin ito ng mga waiver na kailangan nilang papirmahan sa kanilang mga magulang bago makasali. Wala na rin silang naging klase noong umaga dahil may mandatory check up sa kanilang buong school para na rin sa kanilang camping. Nagsimula iyon sa Junior high patungo sa kanilang mga nasa senior high na.

Dahil libre silang buong klase, sobrang ingay sa loob ng kanilang klasrum. May nagkukumpulan sa likod habang naglalaro ng mobile games, may mga nagkakantahan dahil isa sa kanilang mga classmate ay may dalang ukelele, may nagchi-chismisan at meron rin namang tahimik lang.

"May biglaang practice kami, Blaine." ani Oswaldo at ipinakita nito ang cellphone sa kanya kung saan may text ito mula sa coach nito. "Wala pa naman ako sa mood ngayon."

"Alam mong hindi ka pwedeng lumiban sa mga practice nyo." aniya. Ito kasi ang star player ng kanilang scoccer team kaya malaking kawalan kapag wala ito sa mga practice.

Napatango na lamang ito bago tumayo.

"Sige na. Sasamahan na lamang kita." aniya na ikinangiti nito. Umaliwalas ang mukha nito.

"Talaga?"

"Pwede ba akong tumanggi?" tanong niya.

Tumawa ito. "Hindi. Magagalit sayo si tita, boto pa naman iyon sa akin."

Napakunot ang kanyang noo. "Ano namang kinalaman non?"

"Syempre dapat susuportahan mo lagi ang magiging mister mo sa sunod." nakangiti nitong tugon.

Doon na siya napa angal. "Bilisan mo na diyan at baka mapagalitan ka ng coach n'yo." aniya at mabilis na tumalikod para itago ang namumulang mukha.

Bakit ba kasi parang ang dali-dali lang para kay Oswaldo na biruin siya ng ganoon? Atsaka bakit parang napakadali niya ring mahulog sa mga biro nito? Naiinis siya dito at naiinis rin siya sa kanyang sarili. Bakit sa dinamirami ng mga lalaki, sa bestfriend nya pa talaga siya nagkagusto?

"Biro lang iyon, Blaine." ani Oswaldo bago umakbay sa kanya. "Ililibre na lang kita mamaya. Saan mo gusto mag merienda?"

"Gusto ko ng pagkain sa restaurant nyo." aniya. Ang gusto nya talaga ay muling matikman ang luto ng mama ni Oswaldo pero nahihiya na siya sa kanyang tita Ethan at napapadalas na siya sa pagkain doon.

"Walang problema." anito. Medyo nanliliit talaga siya kapag inaakbayan siya ni Oswaldo dahil mas napapansin niya ang agwat ng kanilang taas. Hanggang kili-kili lamang siya nito. "Sa bahay ka na lang kaya kumain? Mas sigurado ka pang masarap kasi si mama talaga ang nagluto."

"Nahihiya na ako kay tita Ethan at tito Oscar." nahihiya niyang pag amin. Sobrang sarap naman kasi magluto ng mama ni Oswaldo.

Umiling ito. "Mas gusto nga ni mama na nasa bahay ka eh."

"Oh sige, pero sabihin mo na inimbitahan mo ako ah." pag uutos niya kay Oswaldo.

"Walang problema, Blaine."

Pagkarating nila sa locker room ay nagmamadali itong nagbihis sa soccer uniform nito. Nang hubarin nito ang suot na polo ay mabilis siyang tumalikod. Naiilang at nag iinit kasi ang pakiramdam niya kapag nakikita itong hubad baro.

Para hindi mailang, kinuha na lamang niya ang bag nito na may lamang towel at pamalit na damit. Wala itong dalang tumbler kaya naman tinandaan na lamang niya sa kanyang isip na bilhan ito ng Gatorade.

"Tara na." anyaya nito matapos magbihis. Kinuha nito ang bag sa kanya at sumunod siya sa paglalakad rito hanggang sa marating nila ang kanilang malawak na soccer field. Tanaw nila ang ilan sa mga teammates nito na nagsisimula na sa stretching at warm up drills.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now