PART 3

7.9K 625 206
                                    

PART 3

Blaine

Gusto ni Blaine magsisigaw sa nararamdamang kilig mula sa nakaw na paghalik sa pisngi ni Oswaldo. Gusto niyang tumalon-talon at hampas-hampasin ang kanyang mga unan pero hindi niya magawa dahil gabi na at natutulog na ang kanyang ina. Ayaw niya itong mabulabog. Hindi siya makatulog sa kaiisip sa nangyari kanina. Hindi niya rin mawari kung ano ang pumasok sa kanyang isip at nagawa niya iyon.

Marami rin siyang katanungan sa kanyang isip gaya na lang ng kung ano kaya ang iniisip ni Oswaldo nang mangyari iyon at kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa bukas. Ipinapanalangin niya na sana ay hindi maapektuhan nang nangyari ang kanilang pagkakaibigan.

Mariin siyang napapikit at mahigpit na nilamukos sa kamay ang sapin ng kanyang higaan. Wala talaga siyang mapagsidlan ng kilig at dahil hindi siya makatulog ay kinuha niya ang ipinahiram nitong iPad. Binati siya ng lockscreen nito na larawan ng pamilya Torrero pero ang kanyang mata ay nakapokus sa gwapong mukha ng kanyang kaibigan na malawak ang ngiti sa labi.

Tinipa niya ang password niyon at larawan nilang dalawa ang wallpaper ng iPad nito. Noong nakaraang taon pa nakunan iyon at tandang-tanda pa niya ang bawat kaganapan nang sandaling iyon.

Championship game iyon at tie ang puntos ng kuponan ng kanilang school at ang mortal na karibal nilang paaralan. Dahil lagpas na sa overtime at pantay ang puntos ng dalawang team. Kailangan nilang sumailalim sa Penalty shoot-out. Limang kickers mula sa bawat kuponan ang sisipa ng bola at kailangan nilang makapuntos laban sa goalkeeper ng kalabang kuponan. Parehong naka-tatlong ang bawat team at si Oswaldo ang magdedesisyon kung maiuuwi ba nilang muli ang kampeonato sa kanilang paaralan.

Malinaw at naaalala pa niya ang kaba habang pinapanood ang kaibigan na pumwesto upang sipain ang bola. Halos lahat sila ay nasa dulo ng kanilang mga upuan. Pakiramdam niya ay para siyang nasa pelikula dahil bumagal ang lahat, tumahimik ang buong kapaligiran, tanging ang pagkalabog ng kanyang dibdib ang namumutawing tunog, at ang lahat ng mga mata sa loob ng open field ng kanilang paaralan ay nakatutok sa kanyang kaibigan. Sigurado siyang ibayong kaba at pressure ang dala niyon kay Oswaldo.

Napalunok pa siya nang sipain nito ang bola at nanlalaki at maluha-luhang pinanood ang bola na unti-unting lumipad patungo sa dulo ng goal line bago iyon pumasok at tumama sa net.

Sabay-sabay na umusbong ang hiyawan at palakpakan mula sa kanilang mga school mate. Maging siya ay napatalon sa saya at napasigaw sa kung gaano siya ka-proud para sa kanyang matalik na kaibigan. Naluluha at masaya niyang pinanood ito na dumugin ng mga kakampi nito pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagkawala nito mula sa kumpulan at tumatakbong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Nanalo kami Blaine!" masaya nitong ani habang patuloy sa pagyakap sa kanya at wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang yakapin ito pabalik. Hindi na niya ininda na naliligo ito sa pawis. Nang mga sandaling iyon, sa kanyang isip, sila lamang ni Oswaldo ang naroroon.

"Pwede ko bang kunan nang litrato ang ating MVP?" napatigil sila sa pagyayakapan nang sumingit ang school photographer nila para sa kanilang publication.

Nahihiya siyang gumilid pero hinila siya ni Oswald at inakbayan. "Kunan mo kami ng litrato, please." anito na nginitian naman ng kanilang senior.

"Sure, MVP!"

Ngumiti si Oswaldo at maging siya na nahihiya ay ngumiti na lang rin. Ang larawan nilang iyon ang ginamit ng kanilang school newspaper at nasa frontpage pa talaga. Hindi niya akalain na binigyan pala si Oswald ng malinaw na kopya ng larawan na iyon.

Nag log in siya sa Facebook app at tiningnan ang ilan sa mga notification na natanggap. Bilang lamang iyon dahil wala naman siyang masyadong kaibigan sa FB.

HOY OSWALDO! [BXB]Where stories live. Discover now